Napangiti ang binata nang mabuksan ang hidden video na nakatago sa isang website. Dalawang taon niya na rin itong tinatrabaho at ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kan'yang buhay na mabuksan ang ganitong klase ng bagay.
Tap this to play the video.
The video will be downloaded in 3... 2... 1... 0... done.
This video contains violence and brutality. Watch for your own risk. Tap this button to continue.
Lalo pa siyang napangisi at pinukpok ang kan'yang ulo sa mesa na nasa kaniyang harapan dahil sa tuwa. Nag-umpisa siyang magwala na parang isang nagkukumahog na hayop.
Nang may babaeng lumabas sa monitor na puno ng dugo at sugatan ang katawan ay napatigil siya sa kan'yang ginagawa. Tumigil ang kan'yang paghinga.
Video is now playing... playing...
"Welcome to Jennii's resthouse!" Tinig ng isang babae. Inilibot pa nito ang kan'yang camera para ipakita ang kabuuan ng bahay bakasyunan.
"So ayun, dumating kami rito around one. Look at the lighthouse, oh. This mansion is heaven!" Dumaan ang camera sa isang babae. Nangilid ang luha niya, parang pinipiga ang puso niya sa labis na sakit at pangungulila.
Kahit na maaari siyang masaktan sa mga bagay na maaaari niyang matuklasan ay itinuloy niya pa rin ang panonood.
Biglang nag-glitch ang monitor at lumabas ang isang babae na maysuot na mask, ngunit nawala ito. Napagtanto niya ang pagkawala nito nang kumilos na ang camera, ito na ang may hawak at kumukuha ng senaryo sa paligid.
Naglakad pa, inililibot at animo'y naghahanap. Rinig niya ang mahihinnag bulong at pagtawa ng may hawak ng camera. Hanggang sa tumigil ito sa harap ng isang pinto. Malakas itong bumukas dahil sa pagsipa. Tumambad ang babaeng sugatan
"Hello, Zellaine. Namiss mo ba ako?" Parang demonyong tumawa ang babaeng may hawak ng camera. Ilang beses pa itong napahalakhak at saka hinawakan ang sugatang mukha ng babaeng nakatali. Ito rin ang duguang babae na tumambad sa kan'ya nang mapasok niya ang i***********l na system.
Nagsimulang umiyak ang babaeng nakatali. Sinubukan niyang humawak sa silya para mapigilan ang sariling gumalaw.
"Parang awa niyo na! Tulungan niyo kami... bago mahuli ang lahat! Kung sino man ang nakakarinig sa akin... sana ay matulungan niyo ako! Maawa kayo..."
Nag-iwan ng tahimik na hikbi ang babaeng nakatali. Dumilim ang video pero rinig na rinig mo ang nakakatakot na sigawan. Sigawan at paghingi ng tulong. Mga sigaw na labis na nakayakap sa kan'yang paghinga.
Video suddenly stopped... tap to watch again...
Sinubukan niyang paganahin muli ang video ngunit isang pangungusap ang lumabas sa monitor. Parang nag-uutos at nagbibigay ng mga dapat niyang gawin. Nanlamig siya, napalunok at parang nahihibang.
You're now part of my game. I am Sakura, the game master. Play with me or I'll kill you. Never think to escape. Never think to call for help. I am watching you!
May mala-demonyong tumawa sa monitor. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Takot ang pangunahing emosyon na namumuno sa kalooban niya. Takot at kuryosidad dahil sa babaeng nakita niya sa video.
Tangina! Ano 'tong pinasok ko?
Never think to escape. I am watching! Put your fingerprint on the monitor and codename to start the game.
Arcanghel.
Pinagpapawisan ang kan'yang noo kahit na bukas na bukas ang aircon sa kan'yang kwarto. Para siyang sinusunog ng naglalagablab na apoy. Napakagat labi na lang siya.
The game is loading.. 98.. 99.. 100.. the game will start in 3.. 2.. 1..
Lumabas ulit ang isang video, kahit na natatakot siya sa maaaring mangyari, ay tinuloy niya pa rin ang paglalaro. Huli na para ibaling ang mata sa iba.
Namatay ang mga ilaw...
Malakas na sumarado ang pinto...
Namatay ang aircon ngunit pumasok naman ang malamig na simoy ng hangin...
Lumilipad ang mga kurtina...
Nanatiling titig na titig ang binata sa monitor. Nag-uumpisang mahumaling sa larong nabuo ng pagkakaibigan, pag-ibig, at kataksilan. Ang larong naganap anim na taon na ang nakararaan.
Ang larong nangyari ilang taon na ang nakalilipas... ang pintuang sinarado ng kasinungalingan... ang larong muling bubuksan ng kuryosidad.
You need the key to find out the truth. Be careful on using it to avoid big consequences. The truth is you, because you're the game master of this ruleless game. Never think to escape... I am watching you!
Nakakatakot na sigawan ang maririnig sa video. Parang malalagutan ng hininga. Para siyang mauubusan ng laway at kaluluwa. Napapamura siya dahil sa mga nakakatakot na isipan. Pero para sa katotohanan na matagal na niyang gustong malaman, handa siya harapin ang kamatayan.
This is my game... This is Gioco Della Morte...