Amira's Pov Mamayang gabi pa ang activity namin, which is thanks giving para kay Sean Alonzo. Gaganapin ito sa main hall ng hotel kung san kami naka check in ngayon. Tiyak na mamayang gabi nila ilalagay ang mga kargado nila. "Ate Amira, swimming na muna tayo." Nakangiting saad ni Eretel. "Sure, gusto ko din naman na ma enjoy nyo itong trip na to." Nakangiting sagot ko dito. "Yes! Mag bibihis na muna kami." Saad ni Maliya at sabay pa silang dalawa na pumasok ng banyo. Kinuha ko naman yung paper bag na binigay ni Mommy kanina. Bubuksan ko na sana ng biglang may kumatok sa pinto kaya pinag buksan ko na muna ito. Pag bukas ko at bumungad sakin si Byron. Sumilip pa ito sa buong kwarto. "Nasa Cr yung dalawa nag bibihis." Saad ko dito. "Gusto ko sana na ma solo ka, pero mukang malabon

