(The day bago malaman ang katotohanan) Amira's Pov Napag disisyonan namin nila Papa na iburol muna si Aira for 5 days bago ito ipa cremate. Habang inaasikaso sa Heavens Funeral Home ang katawan nito ay nag pasama ako kay Darrell na pumunta sa bahay ni Lola. Gusto ko kasing kunin ang mga gamit ni Aira para ilipat sa mansion. Habang tinutulungan ako ni Darrell sa pag iimpake ng mga gamit, napansin ko ang isang notebook na naka ipit sa ilalim ng damitan ni Aira. Naupo ako sa kama nito at tiningnan kong ano ito. Pag buklat ko nito ay napag tanto kong diary nya ito. * Hi Diary, sobrang saya ko today dahil sa wakas ay napansin na ako ng ultimate crush kong si Florenso Alonzo. Grabe, sobrang gwapo nya talaga. Hindi ko talaga akalain na mapapansin nya ang tulad ko. * Pinag patuloy ko ang

