Florence's Pov Madali kong pinuntahan ang floor na sinabi ni ate Amira. Bawat kwarto ay pinasok ko para lang makita si Krishna. Hindi nag tagal ay dumating na sila ni Darrell para tulungan ako sa pag hahanap. May nakasalubong kaming dalawang lalaki na nakaitim. "San nyo dinala si Krishna?" Inis na tanong ni Ate Amira dito. Hindi sumagot yung dalawang lalaki at agad kami nitong sinugod ng suntok. Ang isa sa kanila ay may hawak na balisong/kutsilyo. Mabilis naman na napatumba ito ni Darrell. Nag madali na kaming puntahan ang huling silid. Dahan dahan pang kumatok si ate Amira dito. Pag bukas ng pinto ay agad kaming pumasok sa loob. Nagulat ako ng itutok ni ate Amira ang baril na hawak nya sa isang foreigner. Nakita ko di Krishna sa kama na walang malay. "Don't try to move, I don't he

