Amira's Pov Nandito na ako sa address na sinend ni Sean. Mukang ito ang safehouse nila, maraming tauhan ang nakapalibot sa gusali. Kung titingnan ang gusali ay mukang abandonado na ito. Bago ako bumaba ng sasakyan ay hinila ni Darrell ang kamay ko. Nakakunot noo na tiningnan ko ito, dahil sa unang pag kakataon ay kinibo ako nito. "Mag iingat ka." Saad nito kaya tumango ako dito bilang pag sang-ayon. Suot ko ang pendant na binigay nya sakin, sinama ko dun sa kwentas na binigay sakin ni Byron kaya ma ta- track nya pa din ang location ko. Nag lakad na ako papuntang entrance, agad akong hinarangan ng mga tauhan ni Sean. Nang makilala ako ng mga ito ay hinatid pa ako ng isa sa kanila sa kinaroroonan ni Sean. Pag pasok namin sa pinakang loob ay namangha ako. Sabi nga nila don't judge t

