Byron's Pov Katatapos lang ng meeting namin at pa balik na ko ng clinic. Isa sa napag usapan sa meeting ay yung tungkol sa kumakalat ngayong s*x video ni Florence and Krishna. Tiyak akong may kinalaman si Amira tungkol dito. Mukang nag sisimula na sya sa pag hihiganti nya. "Kawawa naman si Aira, itinuturing pa naman silang celebrity couple dito sa school." Saad ni Barbara habang nag lalakad kami pa balik sa kanya kanya naming area. "Mabuti nga at lumabas agad ang katotohanan na niloloko sya ni Florence. Napaka bata pa nila pero pumapasok na sila sa ganyang gawain. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon, napaka mapupusok. Wala talagang sekretong hindi nabubunyag." Saad ko dito. "Yeah, mabuti nalang at tinapos na natin agad kung anong meron tayo noon. Ayuko ding umabot tayo sa ganun, t

