Amira's Pov Hindi ako mapakali, nag uusap na kasi ngayon si Darrell and Elondra. Ilang sandali pa ay natanaw ko si Elondra. Mukang hindi ito okey dahil umiiyak ito. Gusto ko syang tanungin about sa nangyare, pero nilampasan lang ako nito. Sh*t, anong ginawa mo Darrell! Dahil gusto kong malaman kung anong nangyare sa kanina ay pinuntahan ko si Darrell sa Hanging Bridge. Naabutan ko itong malayo ang tingin, ilang beses din itong nag buntong hininga. Kahit na hirap ako sa pag tawid sa hanging bridge ay nilapitan ko to. Pag lapit ko dito ay nakatingin ito ng masama sakin. "Bakit Amira? Bakit sinet up mo ko ng ganito kay Elondra? Excited pa naman ako na pumunta dito dahil finally ay makakasama na din kita ng tayo lang. Tapos ganito yung ginawa mo!" May hinanakit na saad nito. I feel bad

