Amira's Pov "Listen class!" Saad ni Mrs Tuazon kaya lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa kanya. "Mag kakaroon tayo ng 1 day and 1 night trip to bataan. Advance Christmas gift ito ni Mr. Sean Alonzo sa inyong mga senior high." Nakangiting saad ni Mrs.Tuazon. Nag simula ng mag ingay ang klase. Lahat sila ay excited maliban samin nila Eretel, Maliya at Darrell. Alam na namin ang tungkol dito, at hindi maganda ang kutob namin sa pa free tour nitong si Sean Alonzo. Sa Friday na yun gaganapin, may 4 days pa kami para alamin ang totoong layunin ni Sean dito. Pag ka break time ay dumiretso kaming apat sa clinic ni Byron. Pag pasok namin sa loob ay naabutan naming nag uusap si Byron and Florence. Ni lock ni Byron yung pinto para walang ibang makapasok. "Anong meron, nakakapag taka nam

