Janina was born rich, her dad is a businessman while her mom is a lawyer. Being an only child gave her the license to get everything she wanted in life, from cellphones, laptops, bags and shoes, name it, meron si Janina nyan but sometimes she can no longer appreciate it. Parang normal nalang that she has these things growing up. Even sobrang busy ng parents nya, never namang naramdaman ni Janina na second priority lang sya, her parents never failed to show their love for her, every occasion present sila at sobrang supportive sa lahat ng gusto ng anak, kaya siguro kahit lumaking mayaman eh never namang naging spoiled brat si Janina, even yung yaya nya na si Yaya Tina ay proud na proud sa alaga nya, dahil bukod sa napaka ganda nito, matalino ay napakabait pang bata.
Janina: Yaya Tina, bakit naman ang dami nitong rice sa lunch box ko, baka naman tumaba ako ng husto nito? (Likas na maalaga sa kanya ang kanyang yaya, kahit na nga nasa third year college na sya sa kursong Accountancy, ay palagi padin s'yang pinagluluto nito, ayaw daw syang pakainin lagi sya sa fast foods, unhealthy daw kasi at lalong nakakataba.)
Yaya Tina: Sige hija, next time salad naman ang gagawin ko, pero dahil may exam ka today, kailangan mong ubusin ang kanin ok?
Janina: Sige na nga yaya, ikaw talaga... 21 years old napo ako ha? ipapaalala ko lang, para kasing 12 years old parin ako kung ituring mo.
Yaya Tina: Eh syempre naman, wala naman akong ibang aasikasuhin kng hindi ikaw, kaya pagbigyan mo nako. Hanggang sa magka anak ka, aalagaan parin kita syempre.
Janina: Sige na nga yaya, total finals naman today at ang balita ko kay daddy papayagan nya yung international internship ko, meaning mga 2 months ako abroad ay siguradong ma mimiss ko ang luto mo.
Yaya Tina: Ano ba naman yan? Ngayon palang nami miss n akita, H’wag kana kayang umalis, pwede namang doon ka nalang sa kompanya ng daddy mo mag trabaho, ano ba yung internship nayan? Yan ba yung OJT?
Janina: Oo yaya, sa company din naman talaga ako magwowork after kong grumaduate, pero syempre dahil idol ko parehas sina mommy at daddy, after kong grumaduate at maging CPA, maglo law naman ako para maging CPA-Lawyer oh diba sure akong iha hire ako ni Daddy nuon. (Sabay halakhak ng mag yaya)
Yaya Tina: Oh sige na, baka ma late kapa, tatawagan ko na si Tino para mahatid ka sa school. Good Luck sa exam mo ha? Galingan mo! (at tinawagan na nga ni Yaya Tina si Mang Tino (ang family driver ng pamilya Ramirez)
Sakto lang ang dating ni Janina sa school, wala pa ang professor niya sa first subject ng exam, hindi nanga sila nakapag basa pa ng mga kaibigan pagdating dahil excited silang ikwento sa bawat isa ang padating na semester break at saan sila mag oOJT sa susunod na semester.
Leslie: Janina, my mom and I are going to Paris this semestral break, kayo ba ng family mo may planong mag out of town or country? Magiging busy na kasi tayo next sem, kaya pumayag si mommy na i treat ako before tayo mag fourth year. Tsaka magbibirthday ka din ng December diba? Parang double celebration na.(Si Leslie ang friend ni Janina since High School at schoolmate parin sila hangang College, parehong mayaman at nag aaral sa isang prestehiyosong school ang dalawa kaya parang wala lang sa kanila ang mag travel abroad, kumbaga, normal lang sa kanila yan)
Janina: Hindi ko sure eh, medyo narinig ko kasi sa bahay na sensitive yung case ni mommy na hinahawakan ngayon at sobrang focus sya kaya di ko pa sya natatanong, pero Ill see, tityempo lang ako at kakausapin ko sila. Sigurado naman ako papayag yung mga yun dahil magbi birthday din ang only child nila.
Erick: Oh kayo, puro kayo layas, kailangan ipasa muna natin itong exam after nyan siguro pwede tayong mag out of the country na magkakaibigan diba? Para maiba naman, hahanap tayo ng foreigner na jowa. (sabay tili… si Erick ay isang bading at syempre alam ito na lahat, tanggap din sya ng family nya. Sya ang nagpapasaya sa barkada nila, second year College na sila ng maging friend nila ito, transferee kasi ito from other university, pero aminado sila na sya ang nagbibigay sigla at katatawanan sa grupo, walang dull moments kumbaga.)
Few moments after ay dumating nadin ang kanilang professor at nagsimula na ang kanilang exam. Maaga din nilang natapos ito, dahil nag aral naman talaga ang tatlo para sa exam.
Janina: Kahit kelan talaga, inaantok ako sa auditing theory, parang ayaw ko ng sagutan, na boboring akong magbasa.
Leslie: Sinabi mo pa, parang nagutom nga ako eh, tara! May bagong bukas na coffee shop sa may kanto, malapit lang. Don na tayo mag lunch.
Erick: Sige, gutom nadin ako.
Janina: Ok lang ba kung ice coffee nalang or any drinks ang i order ko? May baon kasi ako, alam mo naman si yaya Tina, ayaw akong pakainin lagi sa labas kasi mga unhealthy foods daw.
Erick: Wizzz na, ok nayan, tara. Balita ko pogi daw ang owner ng shop, at take note medyo bata lang tayo ng mga 4years, diba pang abot na?
SA SHOP….
Janina: green tea latte nalang sakin ha? Hanap nako ng table.
Leslie: oh ikaw bakla? (referring to Erick) anong order mo ako na ang pupunta sa counter samahan mo na si Janina sa table.
Erick: ok fine! Ayaw mo sigurong makita ko yung poging may ari nitong shop nu? Patty Melt sakin at isang Dark Mocha Frappuccino.
After maka order ni Leslie ay nadala nadin nya lahat ng inorder nila sa table at inenjoy ang foods habang pinag uusapan at excited na sila sa darating na semester break, idagdag pa ang Christmas Holiday dahil magpapasko.
Dahil nga may pack lunch si Janina medyo nagging messy ang pagkain nya at nakalimutan pala nilang humingi ng tissue sa counter, akmang tatayo na sana si Janina para kumuha ng tissue dahil obuse na obuse ang kunting marka ng sauce sa kanyang mukha ay isang napaka gwapong lalaki ang lumapit sa kanilang table, nasa 5’10” ang heigh nito, maputi, maganda at dikit-dikit ang ngipin, malinis at mabangong tingnan, maiku compare mo sya sa isang artista (parang ang perfect). Lumapit ito sa kanila na may hawak-hawak na tissue. Sya si Jayjay, the famous owner of the newly opened shop.
JJ: Miss pasensya na, nakalimutang Samahan ng tissue yung order nyo (sabay abot ng tissue kay Janina)
Bago pa makapagpasalamat si Janina ay tumalikod na ito, bakit ba naman kc parang ng slomo ang mundo para sa kanilang tatlo ng lumapit ito sa kanila at naging late reaction silang lahat.
Erick: OMG! Was that just happened? OMG is that the owner? Sa tingin nyo, sya bay un?
Leslie: I think so… feeling ko sya na yon. Ang gwapo diba? Parang Piolo Pascual “young version” OMG!
Janina: In fairness, gwapo nga and above all, gentleman sya ha? Pro active pa, imagine nalalaman nya agad ang pangangailangan ng contumers nya. 5 stars sya sakin doon.
SA BAHAY…
Mag aalas tres na ng hapon ng makauwi si Janina sa bahay nila, parang pagod sya na ewan, kaya naman ng half bath lang sya at humiga na sa napaka lambot nyang kama. Hindi naman sya dinadapuan ng antok kaya naisip nyang mag f*******: nalang. Hindi nga sya nagkamali, uploaded na ang photos nila sa account ni Erick, naka tag nadin sila ni Leslie at napansin nya na isa sa mga pictures ay nahagip ang mukha ni Jayjay the Pogi, oh diba may nickname agad sa kanila ang gwapong owner ng shop. Sayang naman kung kelan sem break na sa isang lingo saka pa nagbukas ang bagong shop, hindi tuloy sila madalas makakapag dine in. Hindi nya laging makikita si Jayjay the pogi. (Isang katok ang umabala sa kanyang kilig ng mga oras nayon, di nya napansin na 6:00 pm na pala)
Yaya Tina: Janina,… natutulog kaba? Andyan na ang mommy at daddy mo, sabay-sabay na daw kayong maag dinner.
Janina: Ok yaya, bababa napo ako.
Yaya Tina: Sige hija, hinihintay kana nila ha? Bilisan mo dyan.
Habang kumakain ay panay ang kwento ng Daddy ni Janina ng mga kaganapan sa kompanya at papanong tuwang tuwa sya dahil nakuha nya ang kontrata sa isang mayamang Japanese businessman, habang ang mommy nyang si Hillary ay nakikinig lang.
Janina: Mom, you seem so quiet, is there any problem?
Hillary: No nak, I’m just tired, medyo complicated yung case na hinahawakan ko ngayon eh, politiko yung binabangga namin. We have to find more evidence. Masyadong makapangyarihan at halos lahat ng ebidensya eh nalinis na nila.
George: Naku honey, be extra careful, mahirap kalaban ang mga ganyang tao ha? Hinay-hinay lang at mag relax Kadin. Why not magbakasyon tayo abroad? Tamang tama its Christmas break nadin naman.
Janina: Actually Dad, I have the same thoughts, what country do you have in mind?
Hillary: oppss… bago pa kayo makarating ng ibang bansa eh gusto kong sabihin sa inyo that I cannot, kailangan bago mag new year eh ma solid ko ang kaso ko sa mga politikong ito. Isa pa, mag eelection na ulit sa May, di ko na papayagan na Manalo ulit itong Mayor na to, hayop sya, demonyo. Pinagsasamantalahan nya ang mahihirap at lahat ng pumigil sa kanya eh pinapapatay nya.
George: Paano yan hija, mukhand di tayo matutuloy, hindi naman yun family vacation kung wala ang mommy mo.
Janina: What if I go with friends? With Leslie and Erick? For a week lang, dad and mom will you allow me?
SINGAPORE...
Liam Zedrick is a bachelor, a little older for a bachelor to be exact, he is turning 31 years old in January yet unmarried. He was focused on career, wala atang planong mag asawa at laging seryoso sa buhay. He was living in Singapore for 5years already at very independent sya dahil hindi na sya umasa sa family nya since he moved in to Singapore and work in a multi-national Company. Imagine, Pinoy pero nakapag build ng supervisory position sa isang sikat na lending corporation sa Singapore.
Mrs. Imelda: Anak, hijo, please come home, you are my only son, your dad and I need you to continue what we have started dito sa bayan ng Dakila. Your dad is sick and has so much stressor. Pls. come home anak. (Nagmamakaawang boses ng ina ni Zedrick habang kausap sya sa telepono using messenger.)
Zedrick: Ma, I have my own life here in Singapore, a well established one, pinaghirapan ko ito Ma, kaya hindi pwedeng iiwanan ko nalang ang lahat dahil lang sa gusto nyong ipagpatuloy ko ang nasimulan nyo ni Dad. Isa pa adyan naman si Nicole at Anne, I know they can do it for you. I’m sorry Ma, I just can’t. Bye Ma, I have to go, I have works to catch up. Will call you again soon.
Napabuntong hininga nalang ang dating Mayor na si Mrs. Imelda Suaverdes, 9 years syang naging Mayor ng bayan ng Dakila, pagkatapos naman ng term niya ay ang asawang si Sergio ang nahalal na Mayor at ngayon nga ay nasa ika tatlong termino narin. Ang totoo nyan ay minana din ni Imelda ang pagka Mayor ng Bayan ng Dakila sa kanyang tatay na syam na taon din nagging Mayor ng bayan bago ito namayapa. Tatlo ang anak nina Mrs. Imelda at Mayor Sergio, si Nicole ang panganay, si Anne at ang bunso at nag iisang lalaki nilang anak na si Liam Zedrick.Naging mahirap para sa pamilya nina Jordan ang mga nakaraang bwan, matatapos na ang term ng kanyang ama at ang kanyang ina naman ang lumalabang Mayor ulit ng kanilang bayan, gusto sana ni Mrs. Imelda na si Liam ang magsubstitute sa kanya for health reason, matanda narin kasi si Mrs. Imelda at feeling ng ina ay mas magagampanan ni Liam ng maayos ang pagiging Mayor. Sa kasalukuyan kasi ay ang asawa ng panganay na anak nila na si Jordan ang may ambisyong maging Mayor. Asawa sya ni Nicole, si Jordan din ang kasalukuyang Administrator ng Bayan ng Dakila, kaya madalas ay ito nadin ang nagpapatakbo ng pamamahala dito, dahil nga matanda nadin ang kanyang bianan.
Changi Airport…
Leslie: I can’t believe its just the three (3) of us outside the country, can really feel the freedom of adulting ya know!
Erick: Sige na selfie muna tayo while waiting for my cousin Wency, shell tour us around and let us in in here fabulous condo.
Janina: Parang kanina pa sa airplane yung selfies natin, walang ubos ha? Pero dahil feeling ko naman maganda ako today, you can post our photos all you want sa mga accounts nyo.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nakita nadin ni Erick ang pinsan nyang si Wency na resident na ng Singapore, just like them, single pa si Wency, working on a multi-national lending company as a secretary at matanda lang sa kanila ng 4 years, kaya naman iisa padin ang hilig nito at millennial padin. Pinakilala ni Erick kay Wency ang mga kaibigan at nagtungo na sa condo ni Wency.
Janina: So, Wency, how long you’ve been staying here in Singapore?
Wency: Naku, mag 2 years palang ako dito, naging student trainee ako sa company na pinapasukan ko, kaya nung nagkaroon ng hiring, kahit suntok sa bwan eh nglakas loob akong pumunta dito to apply for the job. I started as an encoder and then after a year, ayun na promote ako as assistant to the supervisor, ayun, di naman ako nahihirapan kasi Pinoy din ang boss ko, medyo strict nga lang but the thing is, hindi ako nahihirapan sa communication.
Leslie: Wow! For real Pinoy ang boss mo? I bet matanda na? hindi ba sya moody? Sabi kasi ng lola ko pag medyo nagkaka edad na medyo nagiging magagalitin.
Wency: Well, hindi naman sya matanda no! sakto lang… ang pogi nga eh, nagtataka kami bakit walang girlfriend, there are rumors na lalake din ang gusto pero hindi eh, ang matcho-matcho kaya.
Erick: Hoy Wency! May mga ganon talaga, lalaki sila physically at di malambot na tulad ko, pero pwedeng lalaki din ang gusto. Kanya-kanyang preference lang yan, kaya no judgment, ok?
Janina: ok na tama na yan, why don’t we freshen up so we can eat out? Saan ba masarap na restaurant ang foods dito?
Wency: Well ako I prefer LAVO Italian Restaurant, if you love Italian foods? Also, very instagramable and for stories ang mga menu nila, even the place, you’ll feel it as a fabulous vacation talaga.
Leslie: If its instagramable and story worthy menu and ambiance, I’ll go for it! Gusto kong makita na mga insecure naming classmates na supper enjoy ang break na ito. Could it also be your advance birthday celebration Janina?
Janina: Does it mean Ill be paying for everything? (laughing) ok I’ll just call dad that I will be using my credit card for your instagramable and story worthy menu.
After a while of preparation, the four rode on a bus to get into LAVO restaurant. They are all very happy choosing from the menu. All the foods are great and they actually achieved all the story worthy photos. Sobrang saussyyy…. Friends in the Philippines are commenting good feedbacks on their post. “Sana all talaga afford ang LAVO! HBD Janina”, “Enjoy Singapore, please pack may pasalubong”. Ilan lang yan sa mga comments ng acquaintances nila at classmates sa university. Leslie uploaded it with the caption. Incredible Foods with Great Company, LAVO is so good! Happy Birthday Janina to more out of the country tour with you. She tagged Erick and Janina at dahil hindi pa sila friend ni Wency ay inadd friend nya muna ito and then tagged.
Janina and friends really enjoyed their five (5) day-vacation in Singapore and will be coming home to celebrate Christmas with their families. Syempre hindi nila nakalimutang bumili ng mga souvenirs at pasalubong for friends and family. Janina even bought bags and perfumes for her mommy and daddy, syempre hindi nya rin makakalimutan si yaya Tina at ang driver na si Mang Tino. She is very sure na magugustuhan ng mga ito ang mga pasalubong nya.
Mommy! Daddy! Im home, Yaya Tina! Janina is very excited to reunite with her family, first time nyang nag out of the country na hindi kasama ang mga magulang at ito nadin ata ang pinaka matagal na hindi nya nakasama ang mga ito.
Hillary: Hi my princess! I love your photos. Ang ganda danda mo don, you look so lady, parang dalagang dalaga kana.
Janina: Mom! Im 21 and turning 22 on 22! Ofcourse dalaga na ako. Ill be fourth year College next Month and I am very, very excited to have my internship in Singapore.
Hillary: Singapore? I thought you will have your internship in our company?
Janina: No mom! I wanted to explore the business world. I want to learn and gain something from international market. Something that I could share and bring when I finally manage and be part of dad’s company ok?
George: Well, you have a point my unica hija. What a clever mind you have. Manang mana ka talaga sa akin. (George was coming near the table kung saan nagku kwentuhan ang mag ina)
SINGAPORE…
Liam called his mom to great happy holiday.
Liam: Hello mom! How are you doing?
Mrs. Imelda: Can you file a one week leave? We miss you, please celebrate the Christmas with us. I can book you a ticket for a flight tomorrow. Is December 21 ok with you? What time do you prefer? Ill call Jordan to arrange everything for you.
Liam: Ok mom, here is the deal, I will go home before Christmas and spend it with you guys ok? But, I cannot commit that it will be a week of vacation, second, I want to surprise everybody except you that I am coming home, so let me prepare for everything ok? See you soon Mom. I have to go so I can finish my work and go home.
Mrs. Imelda, Oh hijo, thank you so much, I know your dad will be very happy to see you after years of not seeing you. I miss you son. I love you.
Liam: Ok mom, I love you too… I have to go.
After that short conversation between Zedrick and his mom, he immediately check flights. He booked the earlies flight for the next day, December 21, at 6:00 o’clock in the morning. He wanted to be in Manila earlier because he will surprise someone.
Excited si Zedrick, how long he has been in Singapore? Almost seven (7) years na ata simula ng umalis sya ng Pilipinas, napaka dami ng pinagbago.
Zedrick: Hello! Asan ka? Dadaan ako bago umuwi ng Dakila.
Man on the Phone: Andito lang ako malapit sa MI University, makikita mo yung newly opened café ko, nag iisa lang to kaya makikita mo agad. See you, sobrang miss na kita.
Sa kabilang banda naman ay magkaka chat sa kanilang GC ang magkakaibing sina Leslie, Erick at Janina…
Leslie: Girl, tomorrow is your birthday, any updates where to celebrate? Ano bang theme ang gusto mo?
Erick: Themes? Ano yan? Children’s party?
Janina: Ano ba naman kayo puro celebration nalang ang alam nyo, diba nga nilibre ko na kayo sa Singapore, bakit naghahanap pa kayo ng ganap bukas?
Leslie: Ano ba girl, iba yung celebration sa Singapore, iba yung sa Philippines.
Janina: I treated you guys already, ok? Is it time to give me a gift naman? H’wag puro kabig girl. Hahahaha
Erick: Ok, ganito nalang Leslie, maybe Janina wanted a private celebration of her big day with her family and let us respect that. Labas nalang tayo today, my birthday treats to you para naman makapag bonding pa tayo before Christmas, ok? Saan nyo bet?
Leslie: Pwede bang sa shop nalang ni pogi?
Janina: Who’s pogi?
Erick: Amnesia lang gurl? Si ano si pogi… don sa newly opened café near university.
Janina: Ah ok! Yah… I must admit, pogi naman talaga. So ano? Magpi prepare naba ako for my birthday celebration at Pogi’s café?
Erick: See yah girls…
Leslie: I’m the most excited you know?!
At the Café…
Erick went to the counter and started placing orders for them while the two ladies started looking for the best table location for them. After just few minutes of waiting, the waiter called Erick's name which means their orders are ready for pick up in the counter.
Leslie: Ok guys, Ill be the one to pick it up, para naman may ambag ako, nakakahiya naman kay Erick because he paid for everything. (Then Leslie walks toward the counter)
Janina: Can I go to the comfort room? Ill check lang if I still looks good. (Pero ang totoo, ihing-ihi na talaga sya.) Kaya naman mabilis syang tumakbo papunta sa cr, at di nya napansin na sa male cr pala sya napunta.
Parang Nawala naman ang nararamdaman nya ng makita nya si Jayjay (the café owner) na may kayakap na lalaki din. Biglang parang nahilo sya sa naisip na bakla pala ang crush nila nina Leslie at may jowa ito, hindi nya makita ang mukha dahil nakatalikod pero mas matangkad ito ng kunti kay Jayjay, mas maputi din at sa tingin nya ay mas matanda din ng mga 5 taon.
Sa Dakila….
Ibang-iba narin ang Dakila mula ng umalis dito si Liam, Malaki na ang pagbabago at improvement nito, may mga malls na, colleges at madami nading building. Isang maliit at payak na bayan palang ito nuon sa huling alaala nya. He is sure that he’s dad is doing a great job running the town.
“Sir, saan po kayo dito sa Dakila?” tanong ng driver ng kotse na ni rent ni Liam mula Maynila hanggang sa sa kanilang bayan. “Sa pangatlong kanto manong, sa mansion ng mga Suaverdez” sagot naman ni Liam sa nagtatanong na driver. No one knows in the family that he is actually coming, except for his mom. Pero kahit ang kanyang mommy ay di naman ini expect na agad-agad din syang uuwi. Pagtigil nya sa tapat ng mansion ay halos di narin nya makilala ito, very modern na ito, na renovate nadin pala ang kanilang bahay. “Manong, ipasok natin, medyo madami kc akong dala,” sabay inabutan nya ng P15,000 ang driver. “Naku sir, sobra sobra napo ito 5,000 lang po ang renta sa akin.” Saad naman ng Driver. “Ok lang po Manong, salamat po!”.
Halos di makapag salita si mang Dante ng makita kung sino ang bumaba ng sasakyan. Dante: Sir Zedrick? Nanlalaki ang mga mata ni Mang Dante na di makapaniwala na si Liam Zedrick nga ang nasa harapan nya ngayon. Sa sobrang saya nito ay napasigaw pa ito at nataranta pati mga security, mga hardinero at mga kasama nila sa mansion na hindi pa naman kilala si Zedrick dahil mga bago lang ang mga ito, tanging sa picture lang nila nakikita si Liam at di hamak naman na mas gwapo ito sa personal.
Rowena: Sino sya mang Dante? Bakit ka sumisigaw? Artist aba sya? Di na kasi ako nakakanuod ng tv nitong mga nakaraang araw.
Dante: Hindi, ano ka ba. Si sir Zedrick yan ang unico hijo nina Mayor Sergio.
Rowena: Naku ganon ba? Ay ano pang hinihintay mo, kunin mo na mga gamit ni sir at ng madala na natin sa mansion, sigurado ako pagod si sir sa mahabang byahe. Tamang tama, maghahapunan nadin. (Maagap kasing kumain ang pamilya, ala sais ng hapon ay kumakain na sila at dahil 5:30pm na din naman ay maghahanda na sila ng pagkain sa mesa.)
Mangiyak-ngiyak ang mag asawang Suaverdez ng makita ang unico hijo makalipas ang matagal na taon, biglang sumigla ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay walang tigil sa pag iyak habang yakap yakap ang nag iisang anak na lalake. Sinalubong din siya ng kanyang dalawang kapatid, na galak na galak dahil finally, kompleto na sila.
Nagcelebrate nga si Janina ng kanyang kaarawan at Christmas kasama ang mga magulang sa kanilang private rest house sa Tagaytay, 100sq. meter lang ito na bahay pero malawak ang bakuran, kita ang Taal at may maliit na swimming pool. Sobrang masaya at payapa ang pamilya sa nakaraang holiday seasons.
Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na ang araw ng pagbabalik nila sa University, finally, her dream of becoming a CPA is nearly coming true, internship nalang at ga graduate na sya, ganon din ag mga kaibigang sina Leslie at Erick.
Leslie: So, hows your holiday vacation gurl?
Erick: Well, I missed you guys of course, but I love it much, ito pala bumili ako ng pasalubong for you from Korea, skin care yan, naka sale kaya naalala ko kayo.
Leslie: wow! Thanks girl… Ill be pore less ba kapag ginamit ko to?
Erick: (instead na sagutin si Leslie ay mas pinansin si Janina) Oh ikaw gurl? Bakit ang tahimik mo? May problema kaba?
Janina: Ako? Wala ha! May di lang ako nakwento sa inyo bago tayo naghiwa-hiwalay for Christmas break.
Leslie: Oh my God! May boyfriend kana and you don’t bother to tell us?
Erick: OMG gurl! Sino sya?
Janina: Pwede ba h’wag kayong masyadong OA, chika lang naman about our new café owner.
Erick: Si Mr. Pogi? As in Jayjay the “pogi”?
Janina: Yes, I saw him the last time we dine in. Nakita ko sya na may kayakap na lalaki ☹
Erick: For real? So may chance ako? May chance ako? Kasi di naman pala sya straight! Humanda sakin ang poging yun!.
Ramirez Residence….
Janina: Mom!!! Yaya Tina…!! Daddy!!! (She was shouting very loud kaya tumakbo si yaya Tina palapit sa alaga nya.)
Yaya Tina: Anong nangyari sayo hija? Ok ka lang ba? Nag aalalang tanong ng kanyang yaya. (Habang papalapit naman sa kinarorounan nila ang mommy at daddy nya.)
Janina: Mom! Dad! Yaya! I was just accepted to have my internship in Singapore. OMG! I’m so happy mommy and daddy. (Ayaw man payagan ng mga magulang ay wala silang nagawa sapagkat ilang bwan lang namn ito.
Hillary: Sure ka bang gusto mong tumuloy anak? Kaya mo nabang mag isa abroad? Besides hindi kami basta basta makakalipad sa Singapore ng daddy mo, wala din doon si Yaya Tina mo to look after you. (worried na tanong ng kanyang ina)
Janina: Ma, I can take good care of my self ok? I’m a grown up woman now ok? You don’t worry about me. I can manage.
George: Oh yun naman pala eh, kaya na ng anak mo. Hayaan na natin sya sa gusto nya, besides Malaki na yan, oh kita mo mas mataas pa sa ating dalawa.
Lumipas nga ang ilang araw at na process na ni Janina ang lahat ng requirements nya to travel to Singapore, kinausap nya si Erick at ang pinsan nito na si Wency if she can share condo, pumayag naman ito. Mas gusto din kasi ng mommy nya na may kasama syang Filipino lalo na at hindi naman ito iba dahil first cousin ito ng kaibigan nyang si Erick, si Erick naman at Leslie ay sa Hongkong mag o OJT kaya busy narin na nag aayos ng mga papers nila.
Makalipas ang isang lingo ay ok na lahat ang papel nila at ready na sila para sa internships nila abroad. Bago umalis ay nagdecide ang magkakaibigan na tumambay muna sa café ni Pogi, dahil nadin sa pagpupumilit ni Erick na gusto nyang makita ang binata.
Singapore….
Wency: Welcome again to Singapore Janina! (Wency was waiting in the Changi airport when Janina arrived)
Janina: Oh bakit mo pa naman ako sinundo, memorize ko na naman pano pumunta sa condo mo, anyway… thanks for allowing me to share your space ha? Promise malinis ako sa bahay and I can do house chores naman.
Wency: Ok lang, ano kaba? Gusto ko nga may kasama ako sa bahay para di naman ako aniinip. Isa pa diba sa company ka naming mag o OJT?
Janina: Oo nga eh, sana ma appreciate nila ako no? or the talents I can contribute?
Wency: OO naman, magaling at mabait naman ang Boss ko, si Mr. Suaverdez.
At ng makarating sa condo ni Wency ay nagsimula na nga syang mag unbox ng mga dala nya.
Wency: Pag nagugutom ka may foods sa ref ha? I microwave mo nalang. Magpahinga ka muna at kukunin ko lang yung laundry ko sa baba.
Hindi na namalayan ni Janina na nakatulog pala sya at gabi na ng sya ay magising.
Wency: Mukhang napagod ka sa pag move in sa fab condo ko ha? Kidding aside, it is small for you I know, lalo na alam ko only child ka at Malaki ang bahay nyo sa Pinas.
Janina: Uy ano ka ba! Ok lang no? ayaw ko din naman ng masyadong Malaki parang kakalog-kalog.
Wency: Oh, ito na, ininit ko na yung foods, kain na tayo at maagap pa tayo bukas sa office, I will introduce you to my boss, sobrang pogi nuon, kamuka nya si Piolo Pascual.
Janina: Talaga? Hmm… parang excited na akong makilala ang boss natin ha? Yung huling nakilala ko kasi na kamukha ni Piolo Pascual, lalaki din pala ang hanap kaya na disappoint ako.
It was around 6:00 am in the morning when Liam’s phone ring, pagkakita ng number ay agad na sinagot nito ang tawag sa telepono.
Nicole: Liam, Dad is in bad shape, please come home.
Liam: Ok, I'll book a ticket immediately ok, please take care of them while I’m here. I promise Ill go home immediately. Liam made a phone call at may mga binilin sa kausap. Pagkatapos ay dali-dali syang nag empake ng mga gamit at pumunta ng airport.
Bago pa makapag board ay muling tumawag si Liam sa telepono, sinabi nya sa kausap to file an indefinite leave for him, and to not discuss the reason to anybody.
Itutuloy...