EDLYN'S P O V
Naka - higa na Ako sa Kama Ko nang tumunog ang Cellphone Ko. Kakauwi lang Namin sa Bahay galing kasi Kami sa Birthday Celebration ng Lola Namin. S'yempre magtataka Ako dahil madalang namang may tumawag sa Akin. Kung hindi mga Kaibigan Ko lang.
"Hello!" tugon Ko, hindi Ko na tiningnan kunh Sino ang tumatawag, nasa tabi o lang naman ang Cellphone Ko, ginagamit Ko kasi na pang - alarm para hindi Ako ma - late pagpasok sa Opisina, sabihin pa ang mga Basher ko ay hindi Ako magandang halimbawa bilang Amo.
"Hello! Ahm! Good Evening! Tatanong ko lang sana kung safe ba Kayong naka - uwi ng Bahay." dire - diretso N'yang sabi kaya napa - kunot ang Noo Ko at ini - layo Ko muna ang Cellphone sa Tainga Ko para malaman Ko kung Sino ang Caller.
"Sino 'to?" mahinahon Ko namang tanong, unknown Number kasi ang naka - lagay sa Screen kaya hindi Ko kilala itong kausap ko. Nagsisi pa nga Ako kung bakit hindi Ko muna tiningnan kung Sino ang tumatawag. Kapag kasi Number lang ay hindi Ko talaga sinasagot ang tawag Nila unless magpapa - kilala muna sa Text.
"Ahm! Si Manolo, kasamahan sa Bangko ni Gail ang Pinsan mo, nagka - kilala na Tayo Kanina sa Birthday ng Lola N'yo." halatang nag - aalangan ang boses N'ya.
Lihim naman Akong napa - buntong hininga.
"Okay!" walang gana Kong sagot, "Dito na Kami sa Bahay, safe naman Kaming naka - uwi." seryoso Kong tugon, napa - kamot pa nga Ako sa kilay Ko.
"Mabuti naman!" mabilis N'yang tugon na parang masaya, "Nakaka - istorbo ba Ako Sa'yo kung mag - uusap pa Tayo?" naikot Ko tuloy na wala sa Oras ang mga Mata Ko. Minumra Ko tuloy sa isip ko ang Pinsan Kong si Gail. Sigurado naman Akong S'ya lang ang nagbigay ng Cellphone Number Ko.
"Ahm, Naka - higa na nga Ako at matutulog na sana," malumanay Kong tugon, hindi naman mukhang ayoko S'yang maka - usap, totoo naman kasing patulog na Ako. Siguro naman ay makaka - halata S'ya sa sinabi Ko.
"Ah! Ganuon ba!? Sige Bukas na lang Ako tatawag, Sweet Dreams at Good Night!" masigla N'yang sabi, napa - buga ulit Ako ng hangin, tatawag pa pala Bukas.
"Sige! Good Night din." tugon Ko na lang at Ako na mismo ang nag - end nang tawag Namin para maputol na.
Tsaka Ko pabagsak na ibinaba ang Cellphone sa ibabaw ng Kama at paba - luktot na nahiga at nag - talukbong ng kumot hanggang ulo Ko at pumikit. Ilang sandali lang ay dinalaw na Ako ng antok.
Tunog nga ng Alarm Clock ang nagpa - gising sa Akin Kinabukasan. Agad Ko itong ini - off tsaka Ako nag - inat inat ng Katawan habang naka - upo sa ibabaw ng Kama. Pagkatapos ng ilang Minuto ay bumaba na Ako para kumuha ng damit para maligo. Kapag kasi naka - bihis na Ako tsaka lang Ako bumababa sa Kusina para Kumain ng Almusal. Hindi kasi puma - payag ang Mama Namin na hindi Kami Kakain bago umalis ng Bahay.
Pababa na nga Ako sa Hagdan nang marinig Kong tumunog ang Cellphone Ko na nasa loob ng Bag. Binagalan Ko muna ang paglalakad para makuha ang Cellphone Ko. Nang buksan Ko ito ay nangunot ulit ang Noo Ko. Unknwon Number na naman kasi, napa - hinto na nga Ako sa pagbaba.
"Good Morning! Eat well at ingat sa pagpasok sa Office." iyon kasi ang laman nang pinadalang Text. Walang kasamang Name ng Sender, bigla Ko tuloy naalala na tumawag nga pala si Manolo Kagabi, agad kong tiningnan ang Call Log Ko para tingnan kung S'ya din itong nag - text o hindi.
Malakas naman Akong napa - buga ng hangin nang makita Kong Iisang Number lang ang gamit nung nagpadala ng Text Ngayon at 'yung Number na tumawag Kagabi. Naiiling na itinuloy Ko na lang ang pagbaba sa Hagdan, si Manolo din kasi iyong nag - text, hindi Ko naman kasi ni - save ang Number N'ya Kagabi nang tumawag S'ya.
Pagpasok Ko nga sa Kusina ay Ako na lang ang hini - hintay Nila para Kumain. Kahit naman kasi yumaman na Kami ay hindi pa din naman Namin kina - kalimutan ang magagandang asal. Lagi din kasi Kaming pinag - sasabihan ng mga Magulang Namin.
Ilang sandali pa ay masaya na Kaming Kumakain habang nagkwe - kwentuhan at tawanan. Mga naka - bihs na Kami ng pam - pasok sa Opisina at sa School ng Dalawa Naming Kapatid na Lalake. Kaya pagkatapos Naming Kumain ay gumayak naman Kami para umalis. Nasa Iisang Sasakyan lang Kaming Lima dahil Isang Van lang ang binili Nila Papa na Sasakyan Namin. Ihahatid muna Namin 'yung Dalawang Lalake sa School Nila tsaka lang Kami ihahatid sa Opisina Namin ng mga Babae.
Ginawa Ko na ding Secretary si Amy, nag - resign na kasi 'yung dating Kalihim na 'yung dating May ari pa ang pinag - silbihan at kay Papa tapos sa Akin. Pero inabutan na sa Akin ang pagre - retire N'ya kaya pinayagan Ko na pra naman ma enjoy N'ya ang ilang Taon pang natitira na malakas pa S'ya para makapag - travel.
"Wow!" bulalas na sabi ni Amy, pagpasok pa lang Namin sa Office Ko, magkapatid naman Kami kaya kahit Dito S'ya sa loob ng Office Ko ginagawa ang mga Trabaho N'ya ay ayos lang kaya nakita N'ya agad ang Bungkos ng Puting Bulaklak na Rosas.
Mabilis S'yang lumapit sa Office Table Ko at kinuha ang Bulaklak. S'ya pa nga ang kumuha ng card na naka - ipit at malaks na binasa ang nilalaman Nito.
"Good Morning, Miss Palomo or should I say Edlyn, I'm happy because I met You Yesterday, regards, Manolo." ang naka - sulat sa Card, kaya napa - nganga naman ng bibg ang Kapatid Ko.
"S'ya 'yung kasamahan ni Gail sa bangko?! 'Yung nagpa - kilala Sa'yo Kahapon!?" bulalas N'yang sabi, nanlalaki pa ang mga Mata sa pagsasalita na parang excited pa.
Tumango lang Ako at naupo sa Swivel Chair Ko. Hindi Ko na tiningnan 'yung Bungkos ng Bulaklak at Card na naka - ipit. Binasa naman na ng Kapatid Ko kaya alam Ko na ang naka - sulat bakit titingnan Ko pa.
"Hindi Mo man lang ba bibigyan ng pansin itong mga Rosas? Ang ganda pa naman!" medyo sibangot na tanong ni Amy, huminga muna Ako ng malalim.
"Paki - lagay Mo na lang sa Flower Vase at paki - lagay na din sa Center Table D'yan." malumanay Kong utos, tinuro Ko 'yung maliit na Living Room sa kabilang panig ng malaking Opisina Ko. Hindi Ko pa nga tinapunan ng tingin ang Kapatid Ko at 'yung hawak N'yang Bulaklak, sa Laptop Ako naka - focus na naka - open na sa ibabaw ng Ofiice Table Ko.
"Okay!" maikling tugon N'ya at kumilos na nga, habang busy Ako sa ginagawa Ko ay bigla namang tumunog ang Cellphone Ko. May tumatawag na naman, hindi Ko naman tini - tingnan kung Sino ang Calller. Busy na kasi Ako sa mga dapat pirmahan at ayusing mga Papeles.
"Grabe Ka naman, Ate!?" saad ni Amy naka - lapit na pala ulit sa Akin at nailagay na N'ya ang sinabi Ko sa Center Table. Hindi Ko na napansin dahil naging busy na nga Ako.
"Bakit!?" kunot Noong tanong Ko, may hawak pa Akong Ballpen dahil sa pag - pirma.
"May tumatawag sa Cellphone Mo, hindi Mo ba naririnig?" naka - ngiwing sabi N'ya at tanong.
"Busy kasi Ako," tugon Ko na lang
"Baka importante Ate!" pangungulit pa N'ya, kaya wala Akong nagawa kundi kunin ang Cellphone Ko at sinagot ang tumatawag
"Hello!" pairap Kong tugoon pero sa Kapatid Ko Ako naka - tingin.
"Ahm! Tatanong Ko lang kung na - receive Mo na 'yung pinadala Kong Bungkos ng Bulaklak?" mahina ang boses sa tanong N'ya
"Oo, salamat, pasensya Ka na, madami kasi Akong ginagawa kaya hindi na Ako nakapag - pasalamat Sa'yo." hinging paumanhin Ko naman habang nagkakamot ng Kilay gamit ang Ballpen na hawak Ko.
"Okay lang, alam Ko naman na Busy Kang Tao." tugon naman N'ya,"Ahm, pwede ba Kitang sunduin mamayang uwian N'yo?" hinging pahintulot N'ya, kaya napa - bilis ang kamot ng Ballpen sa kilay Ko.
"Hindi Ko kasi alam kung Anong Oras Kami mauuwi, bbusy kasi talaga Ako Ngayon." tugon Ko naman at idiniin Ko p ang word na busy, para malaman N'yang hindi Ako interesado sa Kanya.
"Sige, tsaka na lang, may Trabaho na din kasi Ako, ingat Ka." nasabi na lang N'ya
"Okay, salamat ulit sa mga Flowers." tugon Ko naman at pasasalamat, Ako na ulit ang nag - end ng tawag N'ya tsaka Ko binaba ang Cellphone sa tabi ng Laptop at giinawa ang Trabaho Ko.
"Grabe Ka naman Ate!" pikong sabi ni Amy, naka - tayo pa pala S'ya sa harap ng Office Table Ko at hindi pa ginagawa ang dapat na Trabaho N'ya
"Ano!?" medyo inis Kong tugon, naka - tuon ang pansin Ko sa papeles na binabasa Ko.
"Bakit naman harsh Ka kay Manolo? Gusto Ka lang namang sunduin e." naka - simangot n'yang sabi
"Alam Ko na kasi kung Saan mapupunta ang pakikipag - usap N'yang ito, pagpapadala ng mga Bulaklak at pag - sundo sundo." tugon Ko naman
"Wala Ka na ba talagang balak magkaruon ng Love Life, Ate?" medyo malungkot N'yang tanong
Huminga muna Ako ng malalim at tumingin ng diretso sa mga Mata N'ya.
"Alam Ko ang dahilan Ko, Amy." tugon Kong seryoso, "Wala pa nga AKong napapa - tunayan Dito sa Kumpanya, papasok agad Ako sa Isang Realsyon." dugtong Ko pang sabi
"Pwede Mo naman kasi S'yang gawing inspiration at hingan ng mga advice." payo naman N'ya, "Hindi Ka na din naman bumabata, Ate, sarili Mo naman ang isipin Mo at bigyan Mo ng Chance ang Puso Mo." dagdag N'yang payo, tumango na lang Ako para matigil na S'ya.
"Labas na Ako, Boss!" pabiro naman N'yang paalam kaya mahina Akong natawa.
Hindi Ko lang masabi sa Kanyang kapag may napa - tunayan na Ako Dito sa Kumpanya na pinag - sikapan ng Aming Ama na pinalago ay tsaka lanag Ako mag- e-entairtain ng Manliligaw. Sa Ngayon ay Kumpanya muna ang uunahin Ko at nasa Pus Ko.