EDLYN'S P O V
"Masyado pa S'yang Bata, wala pa ngang experience about Business e." kontra ng Isang Investors o Shareholder sa pagkaka - apoint sa Aki ni Papa. Gusto na kasi Nitong mag - retiro.
"Maganda nga 'yan e, fresh ang mga idea." pagtatanggol naman ng Isa sa Akin.
"Baka naman bumaba ang Sales Natin dahil wala pa S'yang napapa - tunayan." reklamo din ng Isa pa.
"Ganyan din naman ang sinabi N'yo sa Akin Nuong bago pa lang Ako." singit ni Papa
"May napatunayan Ka na, e, itong Anak Mo, wala pa." saad ng Isang Investor na Babae na Mukhang istrikto.
"Babawiin Ko ulit ang Posisyon sa Kanya kapag alam Kong hindi N'ya kaya." pagtatanggol pa ni Papa sa Akin. "Tsaka Limang Taon na S'yang nandito sa Kumpanya kaya alam na N'ya ang mga pasikot - sikot." dugtong pa ng Aking Ama.
Meron kasi Kaming Board Meeting sa Kumpanya Namin, Dito nga ini - announce ng Papa Ko na sa Akin na ipapa - manage ang Negosyo Naming Fastfood. Naaalala Ko pa nga na Nuong Nag - aaral pa Kami ng mga Kapatid Kong Babae ay natitiis Naming pumasok na walang baon na Pera. Kasi kapos ang inuuwi ng Papa Nami na Pera. Lagi ngang pinag - tatalunan ng mga Magulang Namin ang bagay na 'yon. Iyon pala ay ini - invest daw ng Aking Ama ang ibang Pera sa pinagta - trabahuhan na Fastfood Company.
Mabuti na lang at believe daw sa Aking Ama ang May Ari ng Kumpanya kaya Nuong lumago ang Pera ni Papa ay binigyan pa S'ya Nito ng pwesto sa Negosyo kahit daw marami din ang uma - umangal. Isang hamak na Janitor lang kasi ang si Papa pero matalino. Kahit marami daw ang may ayaw sa Kanya ay walang nagawa ang mga Kapwa N'ya Shareholders, mismong May Ari daw kasi ang nag - appoint sa Kanya. Para naman daw hindi mapahiya ay bumili ng Libro ang si Papa kaya kahit nasa Bahay ay nagbabasa ito at nagse - self Study, kasabay Naming magka - kapatid.
Wala naman daw nagawa ang ibang Shareholders, nu'ng tumaas ang Sales ng Kumpanya hanggang tumaas na din ang Aming Shares din. Hindi naman kasi Kami maluluho, nagtiiis muna Kami Duon sa Barong - barong nakatira. 'Yung kalahati ng sweldo ng ni Papa ay itinatabi ng Aming Ina para makabili ng maayos - ayos na Bahay. Pero ang gusto daw ng mga Magulang Ko ay i - cash na lang dahil sayang naman daw ang Interest Nuong Bahay na bibilin Nila. Kaya Ilang taon din Kaming natiis sa dati Naming Bahay, bago nabili iyong Bahay na Gusto Nila sa Isang hindi sikat na Subdivision.
Nagulat na nga lang ang mga kapitahay Nila na aalis na Kami Duon, hindi naman kasi Kami mayabang. Wala ngang nakaka - alam na na may mina - manage nang Negosyo si Papa. Hindi kasi Namin pinag - yayabang, pero sa mga Kaibigan Ko ay sinabi Ko na sa Knila. Natuwa naman Sila kaya kapag bagong bigay ng Allowance Namin ay Ako naman ang nagti - treat sa Kanilang Tatlo kahit ayaw Nila.
Pero Nung naghahakot na Kami ng mga gamit sa Bahay ay marami naman ang natuwa pero mas marami ang umismid. Kesyo hindi daw Namin mababayaran iyong Bahay at babalik din daw Kami Duon sa Barong - barong kapag hindi naka - hulog sa kinuhang Bahay. Hindi na lang nagsasalita ang mga Magulang Ko at ina - awat din Nila Kaming mag - komento pa. Kasi kasi Nila alam na cash Naming nabayaran iyong Bahay at Lupa.
Kaya kahit kaya na ng mga Magulang Namin na pag - aralin Kami sa College ay nag - exam pa din Ako para sa Sholarship sa University na papasukan na mga Kaibigan Ko. Kahit magkaka - iba Kami ng Course ay nasa Iisang University naman Kami pati ang mga Kaibigan ni Joseph. Boyfriend ng Kaibigan Kong si Mara.
Hanggang sa maka - gradutae na nga Ako ng College at unti - unti naman Akong tinu - turuan ni Papa. After Five Years nga ay sa Akin na ipapa - manage ni Papa ng tuluyan ang Negosyo Namin. Pinag - bili kasi kay Papa ng dati N'yang Amo ang Kumpanya, nag - migrate na kasi ang Buong Pamilya Nila sa Ibang Bansa. May Sarili na din kasing mga Negosyo ang mga Anak Nito kaya pinaubaya na lahat kay Papa ang Kumapanyang Sarili N'yang itinayo. Hindi naman Sila nagipit Nuon dahil nakuha na ni Papa ang tiwala ng mga Shareholders Nila kaya hindi Nila ni - withdraw ang mga Pera Nila.
Pero parang mauulit muli ang pag - aalinlangan Nila. Dahil Tatlo na Kaming nakaka - graduate ng College na magkakapatid ay balak ng mag - retiro ni Papa, dahil na din sa katandaan. Kahit Limang Taon na Akong nasa Kumpanya ay wala pa din Silang tiwala. Hindi pa nga Nila Ako nasusubukan, naka - kontra agad?
"Let's do voting, majority win, kung talagang pwede nang i - manage ni Edlyn itong Kumpanya." sambit ng Isang Shareholder na Lalake.
"I agree!" mabilis na tugon naman nu'ng Isa na ayaw sa Akin na maging C E O.
Naka - rinig muna Kami ng mga bulungan bago pumayag ang iba. Twelve kasi Kaming lahat na nasa Conference Room, s'yempre kasama Kami ni Papa sa boboto pabor sa Akin.
Nag - umpisa nga ang Botohan, magtatas lang naman ng Kanang Kamay Kung Sino ang pabor o hindi sa Akin. Unang tinanong kung Sino ang pabor sa Akin, Anim Kaming nagtaas ng Kamay. Medyo kina - kabahan Ako dahil Anim din ang hindi bumoto pabor sa Akin. Ibig sabihin ay 'yung natitirang Anim ang ayaw sa Akin?
Kaya pigil Ko ang pag - hinga Ko habang naghihintay sa pagboto nu'ng iba.
Napipilipit Ko pa ang mga Daliri Ko na nasa kandungan Ko. Hindi naman nakikita ng mga kaharap Namin dahil hanggang T'yan Ko ang taas ng Lamesag mahaba kapag naka - upo Kami.
Nang tinanong na kung Sino ang hindi pabor sa Akin ay na pigil ko ang paghinga Ko. Nang magtaas ng Kanang Kamay ang Lima, nang tingnan Namin iyong Isa na hindi pa nagtataas ay umiling lang ito. Ibig sabihin ay hindi S'ya pabor na hindi Ako maging C E O pero ayaw din naman N'yang may ibang magma - manage. Kaya Nuon lang ako naka - hinga ng maluwag. Ibig sabihin kasi ay Ako ang napili Nilang kapalit ni Papa.
"Congratulation, Hija! Malaki naman ang tiwala Namin Sa'yo, katulad dati sa Papa Mo." masuyong sabi ng Isang pabor naman talaga sa Akin.
"Thank you po." emotional Kong sabi, nag - kamayan pa Kami, pati na 'yung ibang bumoto sa Akin.
Pero 'yung ibang ayaw sa Akin ay basta na lang lumabas ng Conference Room na tahimik lang. Nag - usap pa Kami sandali bago lumabas na din ng Silid na pawang may mga ngiting naka - paskil sa Aming mga Labi.
"Balita!?" tanong ni Amy, pagpasok pa lang Namin sa Private Office ni Papa na magiging Office Ko na din mula Bukas.
Naiwan kasi Sila Dito ni Alice habang nagmi - meeting Kami. Pagka - garduate kasi Nila ng Colllege ay Dito na din Sila nag - trabaho pero kagaya Ko ay nag - umpisa muna Kami sa mababang Position. Ang Dalawang Kapatid naman Naming Lalake ay parehong nasa High School pa.
Malungkot Kaming nagka - tinginan ni Papa pero maya ay ngumiti Kami ng malaki.
"C E O na Ako!" mahinang tili Ko, napatayo naman ang Dalawang Kapatid Ko at lumapit sa Akin tsaka Kami naghawakan ng mga Kamay at nagtatatalon ng mababa.
"Congrats, Ate!" masayang bati ni Amy
"I'm proud of You, Ate!" sambit naman ni Alice
Naka - ngiting naka - tingin lang sa Amin si Papa habang naka - upo S'ya sa Swivel Chair sa likod ng magandang Office Table.
"Thank You sa Inyong Dalawa!' mangiyak - ngiyak Ko namang tugon.
"Sana Next Time Ate, magkaruon Ka naman ng Love Life." panunuksong sabi ni Amy
"I Agree!" pag - sang - ayon naman ni Alice kaya napa - sabunot Ako sa mga buhok Nila.
Natatawa naman Silang lumayo sa Akin. Pati si Papa ay naiiling na lang na natatawa sa kakulitan Namin.
"Back to work!" istriktong utos Ko na lang sa Kanila, kaya nag - tawanan ulit Kami.
"Yes, Boss!" mabilis Nilang sagot, bahagya pang yumuko. Lumapit muna Sila sa Papa Namin para humalik a Pisngi bago lumabas ng Opisina.
"Kailan nga kaya Kami magkakaruon ng Mama Mo ng Apo mula Sa'yo?" seryosong tanong naman ni Papa nang maupo Ako sa harapan ng Office Table.
"Papa!" angil Ko, kaya natawa na lang S'ya.
Itinuro na N'ya ang ibang dapat Kong malaman sa pagma - manage ng Negosyo. Alam naman Naming hindi titigil ang ibang Shareholders na hindi pabor sa Akin para hindi Ako ang maging C E O. Siguradong hahanap Sila nang maipupukol sa Aking kapintasan kaya dapat lang na mas galingan Ko pa kesa sa Aking Ama.