Chapter 23 - Arabella's POV - "Bell, sandali lang!" Habol sa akin nila Romeo at Sensui. "Ano ba?! Nagmamadali ako!" Inis kong sabi sa kanila. "Hatid na kita?!" Sabay nilang prisinta. "Ano ba?! Nagmamadali nga, diba? Wag nyo nga muna akong guluhin——— Taxi!!" Malakas kong sigaw ng may makita akong taxi'ng padaan sa harap namin. Wala sabi-sabi akong sumakay at hinayaan silang nakatunganga doon. Nang makarating ako ng bahay ay agad na bumungad sa akin si Kuya at ang lolo't lola namin. Kasama na si Dad. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong nagaganap sa bahay ngayon. "Anong meron?" Panina ng pahina kong tanong. "May pag-uusapan tayo." Seryosong sabi ni Kuya. "Ano naman?" Tanong ko. "Kaya nga pag-uusapan, diba?" Masungit parin nyang sabi. "Napakasungit mo. Kuya ba ta

