Sofia's point of view Nandito na ako ngayon sa warehouse at may lalaking nag aabang sa akin sa may pintuan at mukhang ito 'yong Xyden na tumawag sa akin at agad akong lumapit sa kanya pero bakit ganun? Hindi ko nakikita si Kuya Winter? Nauna ba akong nakapunta dito? "Ikaw ba 'yong Xyden?" "Ako po 'yon at sorry din po kung nag sinungaling ako sa inyo ngayon lang po 'to at hindi na mauulit pa"sabi niya sa akin at bigla niyang hinila ang kamay ko papasok sa loob ng warehouse at hindi naman ako kumawala dahil parang may kakaiba akong nararamdaman at hindi ko alam kung ano 'yon. "Bakit ka nag sinungaling at anong--"napahinto ako ng biglang may mag appear sa screen ng laptop niya at napatingin ako doon at iyon 'yong lalaking nangangalang Lorenz at bigla siyang napangiti ng kaunti

