"Nagseselos ako Calli. Nagseselos ako sa tuwing kausap mo siya. Nagseselos ako sa tuwing kasama mo siya at nagagawa niyang patawanin ka. Nagseselos ako Calli kasi gusto kita."
-Austine Matthew Ocampo-
"I'm jealous, I'm f*****g jealous Calli"
Hindi mawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Austine ng gabing umuwi kami pagkagaling sa party. Isang linggo na din ang nakalipas ng maganap ang party ng club, pero hanggang ngayon ang iniisip ko pa rin ang sinabing iyon ni Austine sa akin.
Sa bahay na din siya naka tulog noon. After niya kasing sabihin ang mga salitang iyon sa akin ay muli naman siyang naka tulog. Hindi ko nalang din siya ginising at hinayaan ko nalang siya magpahinga sa may sala. Lasing na din kasi siya, ito ang unang beses na makita ko siya magkaganon. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya kung pipilitin pa niyang umuwi kaya naman hinayaan ko nalang siyang magpahinga sa bahay.
Nang magising naman siya kinabukasan ay wala naman na siyang nabanggit tungkol sa kanyang sinabi. Magkasabay kaming kumain ng umagahan ng araw na iyon, tinanong ko din siya kung may naalala ba siya, sagot naman niya sa akin at wala daw, kaya hindi nalang din ako nag salita.
Maaga akong nagising ngayong araw ng Lunes, kaya maaga akong pumasok sa school. Pagpasok ko sa aming silid para sa unang klase ko ay wala pang tao roon. Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagbabasa ng aking mga notes para sa nalalapit naming prelim exam. Nakatuon ang aking buong atensyon sa aking binabasa ng bilang may umupo sa aking tabi. Akala ko si Austine iyon kaya laking gulat ko ng makita si Amir sa aking tabihan.
"Good Morning Calli. Ang aga mo naman ngayon." bati nito.
"Ah oo, maaga kasi akong nagising, wala naman na akong magawa sa apartment kaya pumasok nalang ako ng maaga." Tugon ko naman.
"Kaya pala, sa apartment ka lang nakatira? Mag-isa?" Pag-uusisa pa nito.
"Oo eh, nasa Nueva Ecija kasi ang pamilya ko kaya mag-isa lang ako dito sa Manila. Mula ng second year high school ako, mag-isa na ako dito." Paliwanag ko naman.
"Oh, I see. Nakakabilib ka naman, you're leaving independently. By the way, bakit nga pala bigla kang nawala nung party? Hinanap kita, umalis ka na daw sabi ni Carlo" tanong muli nito.
"Napadami kasi ang inom ni Austine, kaya inaya ko na siya umuwi." Paliwanag ko nalang.
"Austine?" nagtatakang tanong niya. Hindi nga pala niya kilala si Austine sa pangalan nito.
"Si Amo, yung kasama ko na pinakilala ni ate Angela sa`yo. Member din siya ng club siya yung male lead sa play." paliwanag ko nalang.
"Boyfriend mo?"
"Hindi, close friend lang kami. Isa siya sa mga unang nakilala ko dito sa school kaya naging malapit na din kami"
"Ah, kala ko boyfriend mo. Napansin ko kasi ang sama ng tingin niya sa akin noong magkausap tayo sa bahay ni Carlo."
"Hindi yun. Wala lang talaga yun sa mood nung nagpunta kami sa party, pero mabait naman yung si Amo" Paliwanag ko nalang sa kanya.
Patuloy lang ako sa aking pagbabasa ng mga notes ko ng mapansin kong nakatingin din pala ito dito. "Why" Tanong ko nalang.
"Ah..... pede ko ba mahiram yung notes mo? Late na din kasi ako naka-enroll madami na din akong namiss na lessons, prelims pa naman natin sa isang linggo" nahihiyang turan naman nito.
"No problem" nakangiti kong namang sabi sabay abot ng mga hand-outs ko. Mahigit isang buwan kasi siyang late sa klase kaya talagang madami siya namiss na lesson. "Kung may tanong ka, don’t hesitate to asked me, tutal halos naman lahat ng subjects pareho tayo diba?" dugtong ko pa.
"Salamat talaga Calli, hulog ka talaga ng langit" biro naman nito habang binabasa ang mga papel na binigay ko sa kanya.
"Until one p.m. lang ang klase natin diba. Gusto mo bang sumama sa libirary mamaya. Mag review kasi ako kasama si Amo, baka gusto mong sumama sa amin" pag-iimbita ko nalang sa kanya.
"Sure" agad namang sagot nito. "Plan ko din kasing pumunta dun mamaya, mas okay na din na may kasama ako, para may matatanong ako kung kailangan" sabi pa niya.
Patuloy lang ang kwentuhan namin ni Amir. Dumadami na din ang mga kaklase namin na pumapasok sa silid. Pagpasok palang ni Austine sa pinto ng aming silid ay kitang-kita ko na ang nakakunot na mga noo niya. Dere-deretso lang ito hanggang sa makarating sa likuran kung saan kami laging naka pwesto.
"Dinaan kita sa apartment mo, wala ka na pala inantay pa naman kita, kung di pa lumabas si aling Mila hindi ko pa malalaman" ani nito pagkaupo sa aking tabi.
"Kanina pa ako dito. Bakit naman kasi nag punta ka doon hindi ka man lang nag text sa akin" sagot ko naman.
"Lagi naman kasi tayong sabay pumasok kaya akala ko alam mong dadaanan kita" naka simangot pa rin nyang sagot.
"Sana kasi nag-message ka man lang. Saka bakit ba ang init-init ng ulo mo ang aga-aga?"
"Wala" bad trip pa rin nitong sagot sabay tungo sa kanyang mesa.
At dahil maaga akong pumasok ngayon sa school hindi ko na nagawang kumain ng umagahan buti nalang may dala akong isang box ng cookies na ginawa ko pa nung isang gabi. Kinuha ko ito sa aking bag at binuksan. Hindi naman ako talaga mahilig sa matatamis pero minsan napapakain nalang din ako lalo na pag no choice ako kagaya ngayon dahil gutom ako.
"Wow cookies, mukang masarap yan ah." narinig kong wika ni Amir sa aking kanan.
"Gusto mo" alok ko naman dito.
Hindi naman na nahiya ang huli at kumuha ng isa sabay kagat. "Ang sarap nito ah. San mo nabili?" Tanong pa niya.
"Gawa ko yan, pag may free time kasi ako mahilig akong mag bake." sabi ko nalang.
"Oh, kaya pala masarap, ikaw ang may gawa, penge pa ngang isa" natatawang sabi naman ni Amir.
"Nambola ka, Oh kumuha ka na, nahiya ka pa eh" Naiiling ko nalang na sagot kanya.
Natawa naman si Amir sabay kuha pa ng isang cookies. "Pero totoo masarap talaga, hindi masyadong matamis, saktong-sakto ang lasa"
"May cookies kang dala? Nasan yung sa akin?" nakalabing sabi naman ni Austine sa kaliwa ko. Umahon na pala ito mula sa pagkakayuko sa kanyang lamesa at nakita niya na kumakain kami ni Amir.
Inabot ko sa kanya ang box na hawak ko, may laman pa iyong pitong piraso, sa isang box kasi ten kadalasan ang nilalagay ko. "Oh kuha ka, baka gutom ka lang kaya ka ganyan"
Hindi naman siya kumibo at tiningnan lang niya ang box ng cookies na iniaabot ko sa kanya. "Iisang box lang tong dala ko hindi pa ako uli nakakagawa, kain ka na muna nito, gawa nalang kita mamaya pag-uwi ko" sabi ko nalang.
"Kulang pa sa akin yan" parang batang sabi nito sabay tingin sa kanyang harapan nangalumbaba.
Hindi ko nalang siya pinansin, minsan kasi talaga ang hirap espelingin nitong si Austine. Sakto naman na dumating na ang aming profesor kaya naman nalipat na doon ang atensyon ko.
Tuloy-tuloy lang ang aming klase hanggang alas-onse ng tanghali kaya naman gutom na gutom na ako pagkatapos. At kagaya ng nakagawian namin kinuha ni Austine ang mga aklat na dala ko at sabay kaming pumunta sa cafeteria kung saan nandoon na din si Maddie at nag-aantay sa amin. Tuwing lunes lang kasi kami nag kakasabay-sabay kumain.
"Best" tawag ni Maddie sa amin pagkapasok namin sa cafeteria.
Agad naman naming tinungo ang lamesa na kanyang kinaroroonan. "Ang saya natin ah, anong meron?" tanong ko sa kanya ng makalapit kami. Ang lapad kasi ng ngiti ng bruha.
"Anong gusto niyong kainin?" tanong naman ni Austine.
"Pasta sa kin" sagot ni Maddie.
"Anything with rice" ani ko naman.
Tumuloy na si Austine sa pagbili ng pagkain namin. Ako naman patuloy lang ang pag-uusisa dito kay Maddie. Madalang na kasi kami magkita dahil pareho kaming busy ngayon.
"Remember Edner yung classmate ko sa basic law?" panimula nito "inaya niya kasi akong lumabas nung nakaraang weekend, and guess what happen?" sabi pa nito.
"What?" tanong ko nalang.
"Hinatid niya ako sa bahay after, then nakita niya si Daddy. Friend kinausap niya ang Daddy ko, nagpaalam siya kung pede niya akong ligawan. Ang sweet niya diba" kinikilig na kwento pa nito.
"Anong sabi ni Tito?"
"Well, wala namang problema kay Daddy, Ang sabi nya lang wag lang naming pababayaan ang pag-aaral namin"
“How about Seb? Buti pumayag yung kapatid mo?” tanong ko pa. Knowing Seb, hindi basta basta papaya yun.
“Wala naman siyang magagawa, ang importante we have Daddy’s blessing” sagot nalang ni Maddie.
Patuloy lang ang kwentuhan namin ni Maddie ng may biglang lumapit sa aming lamesa. Si Amir pala ito dala ang tray ng kanyang pagkain.
"Amir, ikaw pala" nauna ko nang bati sa binata.
"Yeah, ah pwede ba akong maki-share ng table sa inyo punuan pala dito sa cafeteria ng ganitong oras."
"Sure no problem" agad namang sagot ni Maddie. Ngiting-ngiti ang babae habang titig na titig kay Amir.
Tinitigan lang naman ako ng aking kaibigan na tila sinasabi nito ipakilala ko siya sa bagong dating.
Nang maupo si Amir sa aking tabi ay agad ko naman sila pinakilala sa isa't-isa.
"Amir, ito nga pala si Maddison, bestfriend ko siya mula high school." sabi ko kay Amir. "Maddie si Amir pala, classmate namin ni Austine member din pala siya ng club" baling ko naman sa kaibigan ko.
Dumating si Austine at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita nitong katabi ko si Amir. Wala naman na siyang nagawa ang tinungo nalang niya ang upuan sa tabi ni Maddie. Nilagay nalang din niya ang aming mga pagkain at nag simula na kaming kumain.
Patuloy lang ang kwentuha nila Maddie at Amir minsan sumasali din ako sa pag-uusap, pero itong si Austine buong oras ng pagkain namin ay tahimik lang.
Muli kaming bumalik sa aming huling klase para sa araw na ito. Matapos magpaalam ang aming professor ay agad naman naming tinungo ang library para mag review para sa aming nalalapit na exam.
"Sasama siya sa atin?" Iritableng bulong ni Austine sa akin ng makitang kasunod namin si Amir sa hindi kalayuan patungong Library.
"Oo, wala daw siyang kasama pag re-review, kay nag offer na ako kung gusto niya sumama sa atin tutal pare-pareho lang naman tayo ng subject"
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin" pagalit nito turan.
"Wala naman kasi akong nakikitang problema sa pagsama niya sa atin" sagot ko nalang.
Hanggang sa makarating kami sa silid-aklatan ay tahimik lang si Austine. Buong durasyon din ng review namin ay kami lang dalawa ni Amir ang nag-uusap. Tumagal kami doon ng halos tatlong oras bago kami magpasyangumuwi.
It's already four in the afternoon when we all decided to go home. Amir even invited us to have some snacks with him but we politely declined it. Alam ko din kasi na wala na talaga sa mood itong si Austine at pag sumama pa ako pagkain sa kanya ay baka sumabog nalang ito bigla.
Me and Austine headed together to the parking lot. Tahimik lang siyang sumakay sa sasakyan niya kaya naman ganun nalang din ang ginawa ko.
Mabilis naming narating ang apartment ko. Hindi ako agad bumaba ng sasakyan pagkatigil namin. Hindi na ako makatiis, I confronted Austine on his action earlier.
"Ano bang problema mo ha? Buong araw ka ng ganyan. tinatanong kita kung anong problema dinadaan mo lang ako sa walang inik." Tanong ko sa kanya. Medyo napa taas na din ang boses ko dahil mula kanina hindi ko na siya makausap ng matino. Pagtatanungin ko siya lagi nalang siyang sinasabing 'wala'.
"Wala nga" mataas na boses na din niya sagot.
"Anong wala? Akala mo ba hindi ko napapasin yan kinikilos mo kanina. Kinakausap kita wala ka man lang sinasagot sa akin. Amir even tried to make a talk with you hindi mo din pinapasin, sinasagot mo pa ng pabalang. Ano ba namang ugali yan Austine" mahabang litanya ko sa kanya.
"Gusto mo talagang malaman kung anong problem? Nagseselos ako Calli. Nagseselos ako sa tuwing kausap mo siya. Nagseselos ako sa tuwing kasama mo siya at nagagawa niyang patawanin ka. Nagseselos ako Calli kasi gusto kita." turan naman nito, habang ang kanyang mga mata ay matiim na nakatitig sa akin.
Parang huminto ang mundo ko sa narinig. Si Austine, ang kaibigan ko, nagseselos at may gusto sa akin. Hindi ko alam kung anong ang sasabihin ko. Hindi ko nga alam kung paanong nakababa ako ng sasakyan niya matapos niya sabihin iyon.
This is the first time that someone admitted to me that he likes me that why I don’t know what to do or how to react on it. Idagdag pa na kaibigan ko si Austine. Pano nalang ang pagkakaibigan namin. Hindi ko na alam.