Dalawang araw na ang lumipas at wala pa ring indikasyon na titigil ang pagbuhos ng ulan, kaya napag-isip ni Tatum na hindi pa talaga sila makapagpatuloy ni Ina. Sa labas ng kweba ay nagiging maputik na ang daan, na mas lalo lang naging delikado para sa kanila kung magpatuloy talaga sila sa paglalakbay. Nakalalabas lang naman sila ng kweba ni Ina kung rumesponde sila sa tawag ng kalikasan, and each time they did, talagang nahihirapan sila sa lakas ng hangin at maputik na daan. Fortunately, they had plenty of canned goods, crackers and bottled water Tatum had shoved into Usting's duffel bag before they'd left the cabin. Hindi rin sila pwedeng makagawa ng apoy dahil masyadong close ang kwebang kinaroroonan nila, mahirap ng ma-suffocate sila sa usok, pero ayos lang dahil may dala naman siyan

