Shaznia's P.O.V: Muli kong inilagay sa loob ng kahon ang note na iyon. Dinig na dinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko dulot ng matinding kaba. Wala akong ibang iniisip na pwedeng gumawa nito maliban kay Celestine. Siya lang naman ang kilala kong masyadong malalim ang galit sa’kin. Kung siya nga ang nagpadala nito, kailangan kong mag-ingat. Hindi lang ako kundi pati si Mama at lalong-lalo na si Shaina. Ayokong madamay sila sa galit ni Celestine. Kung sakaling idamay ni Celestine sina Mama at Shaina, talagang magkakamatayan kaming dalawa. Kinuha ko na ang kahon na iyon saka tinago sa loob ng bag ko. Gustuhin ko mang itapon ito sa basurahan, ayoko namang makita ito ng ibang tao. Wala rin akong balak sabihin kay Lunxx ang tungkol dito dahil paniguradong mag-aalala siya. Pinilit kon

