"Shuta, girl! Ang kisig ng katawan," kinikilig na bulong ni Bryle sa'kin. Pati ang ibang malapit sa amin ay nakatuon ang atensyon sa pwesto namin. Malamang sa malamang ay si Lunoxx ang tinitingnan nila! "Himala, ah!" natatawang sabi ni Bruno nang tuluyan nang makalapit si Lunoxx sa amin. "What brings you here?" Nagkibit-balikat siya. "I just want to have fun." "Fun nga ba talaga?" nakangising tanong sa kanya ni Ryko. Tinapunan lang siya ng malamig na tingin ni Lunoxx. Ngumisi lamang sa kanya si Ryko. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magtawanan, kwentuhan at minsan ay naghahabulan. Sina Bruno, Ryko, at Ryle ang talagang maingay sa amin. Minsan nga'y nakikisali sa kanila si Chloe sa mga asaran nila. Si Lucas ang napapansin kong timid sa pagsasalita, at napapansin ko rin na madalas niy

