Shaznia's P.O.V: Dahan-dahan akong lumapit sa kama kung saan sila nakahiga. Pinigilan pa ako nina Bruno at Lucas pero hindi ko sila pinansin. Ayokong gumawa ng eksena pero talagang nangagalaiti ako sa galit. Nasasaktan ako sa nakikita ko dahil hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari. Kailangan ko ng eksplanasyon galing kay Lunoxx pero alam kong nababaliw na rin irong si Celestine sa mga pinanggagagawa niya. Pinahid ko ang luhang kanina pa pumapatak sa kaliwang pisngi ko. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko. Nang may makita akong bote ng mineral water na nakapatong sa night stand ay kinuha ko ito. Dahan-dahan kong binuksan iyon saka binuhos kay Celestine na alam ko namang nag-iinarte lang na natutulog. Bumalikwas siya ng bangon. "What the hell?!" bulalas niya sak

