HINDI MAPAKALI si Celestine habang nakatayo siya sa loob ng dressing room. Gusto niyang lumabas at hanapin si Aliyah pero magsisimula na ang pageant. Kinagat niya ang kuko sa mga daliri upang doon ilabas ang pag-aalala nararamdaman. "Celestine, ayos ka lang?" tanong ng mama niya pero umiling siya. "Ma, si Aliyah. Namatay na ang tawag ko. Naputol kasi ang sasabihin niya tapos may maingay na hindi ko alam." Nangilid ang luha sa mga mata niya habang nanginginig ang buong katawan. Napaupo siya sa silya. Nakaayos na siya pati ang susuotin sa opening ay okay na rin. Everything is ready. Hinawakan siya ng kaniyang mama sa kamay nang makaupo ito sa silyang nasa tapat niya. "Kasama niya ang daddy mo pati na si Lavi. Wala kang dapat na ipag-alala, anak. Baka may pinuntahan lang siya." Napailing

