NAGULAT ang lahat ng reporters na dumalo sa press conference ni Riki Montemayor nang dumating ang lalaki nang hindi nag-iisa. Sa tabi ni Riki ay isang napakagandang babae na nakasimpleng bestida at manipis na makeup. Bago dumalo sa press conference ay hindi pumayag sina Doña Edna at Lorie na magpakita si Ailyn sa media na hindi nakadamit pambabae. Kaya ilang segundong natulala ang mga reporter sa pagkamangha sa kanya. Nagkagulo lamang ang mga ito nang may isang nakapansin na siya mismo ang babaeng nasa mga larawang kumakalat. Nagkislapan ang mga flash ng camera nang may isang reporter na nagsabing hindi ito makapaniwalang siya ang bodyguard ni Riki na madalas na kasa-kasama ng lalaki. Lalong na-curious ang mga reporter nang mapansing nakahawak sa baywang ni Ailyn si Riki. “Tungkol sa la
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


