Part 25

1580 Words

PUMAPAILANLANG sa buong tennis court ang matamis na tawa ni Marietta kasabay ng tunog ng tumatalbog na tennis ball. Naglalaro ng tennis ang babae at si Riki. Ayaw mang aminin ni Ailyn sa sarili ay lalong gumuwapo si Riki habang naglalaro. Tumatagaktak na ang pawis ng binata pero mukhang mabango pa rin itong tingnan. Pilit iniiwasang panoorin ni Ailyn si Riki pero sa tuwina ay bumabalik din sa binata ang tingin niya. Sa huli ay hinayaan na lang niya ang sarili na panoorin ito sa paglalaro. Tuwing may mami-miss na bola si Riki ay hihinto ito at titingin kay Ailyn, mabilis naman niyang iiiwas ang tingin dito. Kaninang umaga, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap nang matagal dahil naroon na si Marietta nang dumating siya. Na mas tama yatang sabihing nakatira na roon si Marietta base

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD