Kathryn Mendez MABILIS na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin ang matulin na dumaan buhat nang magdesisyon ako na muling bigyan ng pagkakataon si Joaquin. May mga sandali na bigla na lang akong magagalit sa kaniya dahil bigla na lang bumabalik sa isip ko ang nangyaring pagtataksil niya sa akin noon. May mga oras din na totoyoin ako’t bigla na lang siyang aawayin nang walang dahilan. Wala lang. Trip ko lang kumbaga. But the good thing is, hindi siya napapagod na suyuin ako at iparamdam na hindi ako nagkamali ng pagbibigay sa kaniya ng pangalawang pagkakataon. Lagi siyang may surpresa sa akin na kung hindi mo alam na mag-asawa kami ay iisipin mo na lang na nasa stage palang kami ng magnobyo’t magnobya. Mas naging clingy, malambing, at maalaga siya sa akin—sa amin ng anak ko na t

