Chapter 26

1849 Words

MULA sa pagkakahiga nang nakabaluktot ay dahan-dahan akong bumangon saka tinanggal ang kumot na nakatakip sa aking hubad na katawan. Hindi pa ako nakakapagdamit mula kagabi. Nasa sahig pa lang ang mga damit kong inalis ni Joaquin at nagkalat sa kung saan. Basta na lang kasi niyang ihinagis ang mga ito pagkatapos niyang puwersahang alisin sa akin. Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak at pakiramdam ko ngayon ay sobrang namamaga ang mga mata ko dahil ramdam ko ang hapdi mula rito. Iniiyak ko na lamang ang sobrang sakit na aking nararamdaman kagabi. Hindi naalis ang sakit sa dibdib ko, pero kahit papaano ay naibsan naman ang bigat nito. Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga saka ito marahas na ibinuga. Pinunasan ko ang aking pisngi na ngayon ay basa na naman ng luha, saka ko sinukla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD