CHAPTER EIGHT

2245 Words
AGAD niyang inilapag ang kinakain, kahit ang totoo ay sarap na sarap pa siya sa pagkain niyon. Nag-alis siya ng bara matapos na makainom ng ice tea. "Nasaan siya?"seryusong tanong ni Rudny. "Si Ate Beatrice? nasa taas sa first room pinapatayo niya iyong dress niya na nabasa ko. Nakakahiya nga kasi—"Hindi na pinatapos ni Rudny sa pagsasalita ang kapatid dahil tumuwid na siya ng tayo at nag-excuse sa mga kasama. Panay pa ang pagtawag sa kanya ni Rodjun ngunit hindi na niya pinapakinggan ito dire-diretso siya. Agad niyang natumbok ang silid na sinabi ng nakakabatang kapatid na pinasukan ni Beatrice. Mabilis niyang ipinihit ang seradura niyon at ibinukas. "Bea! Where are you?"Ngunit walang sagot mula rito. Lalo tuloy nairita si Rudny. Agad niyang hinalughog ang buong silid, pero halos napuntahan na niya ang bawat sulok niyon ay hindi niya pa nakikita ni kahit anino ng babae. Kaya upang tuluyan siyang lumabas sa silid na iyon, baba na sana siya upang itanong sa kapatid kung nasaan si Beatrice nang mapansin niya ang ingay na nagmumula sa loob ng sariling silid. Nakabukas ng kaunti ang pinto niyon. Agad ang pagsasalubong ng kilay niya ang init ng ulo niya ay lalong tumaas. Dahil ayaw niyang may pumapasok sa sariling silid. "s**t!"mura ni Rudny nang mapagtanto niyang tama ang hinala niya. May pumasok at nakialam sa sarili niyang silid! Patunay iyon ang bukas na kurtina sa may bintana, ang mga kalat na iniwan niya kaninang umaga bago siya umalis ay wala na. Napakuyom ng kamao si Rudny sa naiisip kung sino sa mga katulong sa bahay nila ang nangahas na pumasok roon! Dahil kabilin-bilinan niya na walang pweding makapasok sa sariling silid niya. Mabibigat ang paa na naglakad siya sa may banyo niya, dahil doon niya naririnig ang malakas na ingay ng hair blower. Walang pasakalye na itinulak niya ang hamba ng pinto dahil nakabukas iyon nang kaunti. Tila slow motion ang sumunod na pangyayari dahil sa tuluyan pag-awang ng pinto ay nakita niya mula sa loob si Beatrice na kasalukuyan walang suot na damit. Hindi maiwasan ni Rudny na mapalunok habang pinagmamasdan niya ang nagulat na reaction ng mukha ng babae. Saglit siyang nawala sa sarili at napakurap lang siya habang bumababa ang mata niya sa tayong-tayo na dibdib nito ang flat na tyan at ang ibabang bahagi na tinatakpan lang ng maliit na tela. Biglang nanuyo ang lalamunan ni Rudny, kasabay ng pagiinit ng buong katawan niya. "Bastos! get out! jerk!"hysterical na tili ni Beatrice kaya upang mahimasmasan si Rudny. "Hey! lower you voice,"anas niya. Hindi na niya napigilan ang sarili mabilis niyang nilapitan at itinakip ang palad sa bibig ng babae. Lalong nanlaki ang mata nito at panay tapik ang ginawa nito sa palad ng binata. Langhap ni Rudny ang kabanguhan niya, lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya ng hapitin niya ang munting beywang ng dalaga palapit sa kanya. "Shhh! Bea please..."hindi na maituloy ni Rudny ang sasabihin dahil sa pagbalot ng pagnanasa sa kanya. He barely feel the bare skin of Beatrice kung saan nakahawak lang naman ang isang palad niya. Napatitig siya sa nakalitaw na balikat ng dalaga. Aktong ibaba na ni Rundy ang mukha roon para halikan iyon ng maramdaman niya ang pagkagat ni Beatrice sa palad niya. "Ouch! why you did that!"gulat at nasaktan ani ni Rudny na agad tinignan ang kamay. Sa sandaling iyon ay nagmarka ang kagat nito roon naiiling naman binalingan ito ng binata. "I-ikaw! b-basta ka na lang p-pumapasok kahit alam mong may tao sa loob!"malakas na bulyaw ni Beatrice. Agad niyang tinakpan ng dress niya ang kabuan niya. Tinitigan niya si Rudny na ngayon ay nakaiwas na ng tingin ngunit pasulyap-sulyap naman ito sa kanya. "I-I'm sorry look hindi ko naman sinasadiya—"nag-stammer si Rudny for the first time in his life ay ngayon lang siya nagkaganoon. "Pwedi ba Ruru lumabas ka muna,"utos ni Beatrice. Hindi na mapigilan nito na ipagtulakan ang lalaki palabas. Agad na isinarado at ini-lock ng babae ang pinto matapos na makalabas si Rudny. Unti-unti siyang napasandig sa pinto. "F-fixed yourself girl,"bulong ni Beatrice. Kahit nangangatog pa ang magkabilang tuhod ay itinuloy na niya ang pagpapatuyo sa dress niyang nabasa. Sa sandaling iyon ay labis-labis ang panginginig ng kamay niya. Unang beses kasi na may nakakita sa katawan niya, kahit naman patay na patay siya kay Rudny ay dalagang Pilipina pa rin siya. Wala sa plano niya ang magpakita ng katawan dito! Pero heto halos nakita na ang lahat ng itinatago niya. "Hayaan mo na Bea, last time na iyon. H-hindi na pwedi mangyari ulit! Gosh! nakakahiya!"hiyang-hiya na bulong niya. "Pero infairness nakita mo kung gaano ka titigan ni Ruru, grabe parang may something!"maharot na tukso ng isang tinig sa isip niya. Kumibot-kibot lang ang labi niya, hindi mapigilan ni Beatrice na patuloy lamang sa pamumula ang magkabilang pisngi niya. Matapos ang ilang minuto ay tuluyan ng natuyo iyon. Isinuot na niya ang dress at ipinusod ang mahabang buhok, pakiramdam niya naalinsanagan ang pakiramdam niya. Sa pagbukas niya ng pinto ay nakita lang naman niya si Rudny na nakatayo sa bintana. Akmang lalagpasan niya ito ng marinig niya ang malakas na pagtikhim nito. "Hey! where do you think your going huh! mag-usap tayo. Bakit ka narito sa silid ko, sinong nagsabi na pwedi kang pumasok. Hindi mo ba alam na ayaw kong may pumapasok lalo at nakikialam sa mga gamit ko rito!"mahaba niyang sabi na may lakip ng kaseryusuhan. Iniikot naman ni Beatrice ang mata at tuluyan hinarap ang lalaking naghuhumerantado. "Excuse me! hindi ko naman sinasadya na pasukin ang silid mo. For your information Rudny ay nakita ko kasing bukas ang pinto ng silid mo kaya tuloy-tuloy na akong pumasok. Sakto naman na may hair blower akong nakita na magagamit ko sa pagpapatuyo sa dress ko. Pasensya na rin at hindi ko mapigilan na magligpit sa kalat mo rito. Ang tanda-tanda mo na pero magpahanggang ngayon ay napakalat mo pa rin,"tuloy-tuloy na sabi ni ni Beatrice na hiningal pa pagkatapos. "Ayun nga masyado kang pakialamera, sige pagbibigyan kita ngayon pero kapag naulit ito makakatikim ka na sa akin!"masungit na ani nito. "Talaga lang! Ikaw na nga itong nakaboso sa akin. Parang ako pa ang may mali!"galit na balik-sagot ni Beatrice. Maya-maya ay umalingawngaw ang malakas na tawa ni Rudny. "Hoy! Akala mo ba ginusto ko ang nakita ko kanina. Akala mo naman kagandahan ang katawan,"nasabi ni Rudny na ngingisi-ngisi. "Ang kapal mo, akala mo hindi ko nakita iyong reaction mo. Hoy!kitang-kita ko kung paano ka tumingin!"pagyayabang ni Beatrice. "Asa ka! pwedi ba bumaba ka na at iwan mo mo iyang hair blower!"masungit nitong wika kasabay paghablot ni Rundy sa hawak-hawak pa rin ni Beatrice na hair blower. Pero mabilis na inilayo ng dalaga iyon. "Heep! bago ko ito ibigay sa'yo may itatanong ako?" "Ano ba iyon, sige na sabihin mo na para makalayas ka na!" "Ikaw ba gumagamit nito?"tukoy ni Beatrice sa hawak na blower. "Oo bakit ba, ginagamit ko iyan sa pagpapatuyo ng buhok ko pagkatapos kong maligo! mahirap na baka manakit ang ulo ko, "diretso niyang sagot. Nagtatawa naman si Beatrice halos hindi ito makapaniwala sa isinagot niya. "Bakit bading ka ba? My goodness! Isang Rudny Aragon tagapagmana ng Aragon Alliance isa sa pinakatanyag na mafia group ay gumagamit ng hair blower sa pagpapatuyo ng buhok! bading ka ba?"panunukso nito na sinundan nito ng halakhak. "Hey bawiin mo iyong sinabi mo na—" "Na ano bading ka? Totoo naman yata eh,"patuloy ni Beatrice. "Hey! stop! kung hindi ay..." "Ay ano, hahalikan mo ako katulad ng mga napapanuod ko sa mga koreanobela. OoooHhh! parang feel ko na sabihin lagi sa iyo ang bading hmmm!"pang-iinis ni Beatrice na tinusok-tusok pa ang tagiliran ng binatang serysuo na. "Hindi kita hahalikan, baka mapatay kita!"gigil na wika nito. Nagulat man si Beatrice ay hindi niya iyon ipinahalata. "Talaga? papatayin mo ako, paanong pagpatay ang gagawin mo sa akin. Oooh I sudgest na patayin mo ako sa kama sa ganoon..."Nakagat ang labing pambwebwesit ng dalaga. Lumapit pa siya rito at hinipan ang teynga ni Rudny. Nang tignan niya ang mukha ng binata ay pulang-pula na ito. Ang sumunod na nangyari ay hindi inasahan ni Beatrice dahil tuluyan itong nag-walk out sa harapan niya. Unang beses na nangyari lang naman! Nagtatawa si Beatrice, halos manakit ang tyan niya sa ginawa. Nang umayos siya ay tuluyan na siyang bumaba. Nakita niyang nakaupo na si Rudny kasama si Rodjun at Ricardo na kasalukuyan pa rin kumakain. Nang mapansin siya ng binata ay agad na umiwas ito ng tingin sa kanya. Siya naman ay ipinagkibit-balikat lang niya ang pang-e-snob nito. "Hai a-anong say niyo po sa chiffon cake ko Tito Ricardo at Rodjun?"unang tanong niya na umupo na rin sa may tabi ni Rudny na biglang umusog palayo sa kanya. Lihim na lang inirapan ni Beatrice ito. "It taste really delicious iha, wala akong masabi kung 'di salamat at naisipan mong mag-bake rito sa amin. Nabusog mo kami,"papuri ni Ricardo, para naman lumubo ang puso ni Beatrice sa sinabi ng matandang lalaki. Kung hindi lang siya nahihiya ay baka nayakap pa niya ito. Parati siyang nakaka-recieve ng complement pero ibang usapan kapag nanggaling sa taong malapit kay Rudny. Pakiramdam niya sobra niyang bless. "Thank you Tito, ikinalulugod ko na nasarapan kayo sa chiffon cake ko,"nagingislap ang mata na sabi niya. "Huwag ka ngang feelingera porke't pinuri ni Dad ang chiffon cake mo ay mayabang ka na. As if tyumamba ka lang naman,"nang-iinis na sabad ni Rudny na nakahalukipkip at may ngiting nang-iinsulto. "How dare you Ruru,"nasasaktan na saad ni Beatrice. "Tumigil ka nga Kuya, tama naman ang sinabi ni Dad sobrang sarap ng chiffon cake ni ate Beatrice. I'm very grateful na isa ako sa nakatikim. Saka isa pa na kasing lasa at sarap siya ng chiffon cake ni Tita,"sabad ni Rodjun. "Oo nga naman Rudny huwag ka naman maging rude sa bisita. She's a lady so watch your words,"pamumuna ni Ricardo. "Sorry Dad,"mababa ang tinig na tugon niya. "Hindi ba't nagustuhan mo rin kanina na nasarapan ka sa chiffon cake ni Ate. Bakit kasi ayaw mo pang umamin!"pangbubuking ni Rodjun sa kanya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rudny. "Hayaan niyo na po siya, saka sanay na ako sa ugali niya,"paniningit naman ni Beatrice. Nakita niyang tumayo na si Rudny. "Kung tapos ka na, tara ihatid na kita sa sasakiyan mo may pupuntahan pa akong importante."Hinawakan na niya sa kamay ang dalaga. "S-saan ka ba pupunta, pwedi bang sumama wala na kasi akong ibang pupuntahan,"pangungulit ng babae. "Hindi ka pwedi roon, kaya sige na tumayo ka na diyan,"pinal na saad ni Rudny. "Iha kapag may libre kang oras, your very welcome to our home again. Sana ipag-bake mo pa kami uli,"pahabol pa ni Ricardo. "Oo nga naman good idea po, sige Tito!"Saka kumaway na si Beatrice. "Teka! paano pala iyong deal niyo ni Kuya?"pahabol ni Rodjun. Ikinagulat naman ni Beatrice iyon, lalo siyang natense ng balingan niya ng tingin si Rudny ay madilim na madilim na ang mukha nito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin pa. "Ah! eh, s-saka na k-kapag h-hindi na nagmamadali si Kuya mo,"naisagot na lang niya. "Bakit hindi pa ngayon iha, saka Rudny nasabi ko na dati pa sa'yo na kapag magbibigay ka ng salita sa ibang tao dapat tinutupad mo iyon dahil—" Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Ricardo ay bigla na lang naramdaman ni Beatrice ang paghigpit ng hawak ng binata sa palad niya. Bumilis na rin ang pagtibok ng puso niya ng mga sandaling iyon. Dahil matapos siyang paharapin at hapitin ni Rudny payakap ay tuluyan ng hinagkan siya nito sa labi. Wala siyang ibang nagawa kung 'di matulala habang patuloy na nagpi-pyesta ang labi nito sa kanya! Matapos ang ilang segundo ay tuluyan na siyang binitiwan ni Rudny, napayuko na lang si Beatrice. Sa sandaling iyon ay pulang-pula siya, sa totoo lang matagal niyang inasam iyon. Ngunit mukhang wrong timing at place sila! Dahil naging saksi lamang naman ay ang pamilya nito! "Ah, e-excuse me T-tito... Rodjun,"kasabay ng pagtatakbo paalis nito. Naiwan naman si Rudny roon. "Iho! hindi niyo naman ako in-inform na ganoon ang naging deal niyong dalawa, kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako. Saka by the way you have a great choice sa pagpili ng babaeng gugustuhin mo."Tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Rudny na matipid lang nangiti. "Gulat naman ako roon Kuya, pero sobrang bitin ako sa performance level mo. Nextime mas galingan mo pa Kuya huwag mo naman hayaan na maungusan ka ng iba. Swerti ka na kay Ate Bea!"sabad ni Rodjun na hindi pa rin tumitigil sa kakakain. "Hoy! manahimik ka nga diyan! Wala sa isip ko magka-girlfriend. Saka tiraan mo ako niyan, baka maubos mo lagot ka sa akin!"baling ni Rudny sa kapatid na binatukan pa ito. "Aray! ko naman Kuya, akala ko ba hindi mo bet ang chiffon cake ni ate Beatrice." Sinamaan siya ng tingin ni Rudny tila naman napipilan ito. Tuluyan nitong itinabi ang kalahati na hindi pa nagagalaw. "Sige na Rod, Dad aalis na ako. Sisiguraduhin ko pa na uuwi agad si Bea bago ako dumiretso sa opening ng "Heaven's peek".Tukoy ni Rudny sa bagong magbubukas na bar lang nila bukas ng gabi. Plano niyang ayain si Novice kaya nga sasabay siya sa pagpunta ng mansyon ng babae. "Baka ibang paninigurado ang ibig tukuyin mo huh! Kuya!"Kantiyaw ni Rodjun. "Gago!"sabi na lang ni Rudny at tuloy-tuloy itong lumabas ng mansyon. Naiiling at natatawa na lang si Rodjun at Ricardo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD