ILANG oras ng naroon si Beatrice kasama sina Penelope at Farah. Mula sa kinauupuan nilang table ay hindi naman kalayuan kung saan nakaupo si Rudny at ang tatlong kasama nito na pawang mga babae---hindi basta mga babae. Kung ‘di naggagandahan at nag-se-sexyhan ang mga ito.
Mula sa palibot ng mga ito ay naroroon ang dalawang bodyguards na sa tingin ni Beatrice ay hindi naman tauhan ng binata.
“Bii! Hindi pa ba tayo oorder ng drinks? Haller! Halos mag-i-isang oras na tayong narito sa Al fresco!”pagkuha naman ng atensyon ni Penelope sa dalaga na nanatiling nakamasid sa kinaroroonan ni Rudny.
Kahit madilim at magaslaw ang mga makukulay na ilaw sa lugar na kinaroroonan nila ay hindi naging hadlang iyon upang hindi masipat ni Beatrice kung anong nangyayari sa kabilang table kung saan naroroon ang lalaki.
“Bahala na kayo kung anong gusto niyo, basta ito lang ipapaalala ko narito kayo para kapag kailanganin ko ng back up ay may maasahan ako!”mariin anas ni Beatrice. Mabilis nitong ibinalik ang tingin sa direksyon nina Rudny.
“Noted! Kuya waiter halika! Pa-order kami ng san mig isang bucket at mani iyong hubad huh!”Malakas na pagtawag naman ng pansin at sunod-sunod na order ni Farah sa lalaking lumapit rito.
Agad naman na dumating ang order nila Beatrice.
“Bea! Ano ka ba mag-relax ka nga lang heto ilaklak mo iyan! Nguyain mo rin ang mani para lalo kang umalerto sa pagmamasid sa hilaw mong jowa!”Penelope snap.
Napadako naman ang sulyap ni Beatrice, hindi naman na nagpatumpik-tumpik ito agad niyang hinablot ang kasalukuyan hawak-hawak na bote ng San Mig nito. Halos namamawis pa dahil sa lamig ang kabuuan niyon.
Tuloy-tuloy niyang nilagok iyon, muli niyang ibinalik ang pansin sa kung saan tutok ang mga mata niya. Nagpatuloy naman sa pag-iinom ang dalawang kasama ng dalaga. Dahil sa libre naman niya ay game na game ang mga ito.
Maya-maya’y napansin ni Beatrice ang pag-ilaw ng screen ng IPhone niyang nakapatong sa lamesa nila. Wala siyang balak pansinin iyon dahil nakasentro ang buong kamalayan niya sa nangyayari sa lamesa ni Rudny. Halos sumabog ang ulo at manikip ang dibdib ni Beatrice nang makita niya kung gaano lumandi ang mga babaeng kasa-kasama lang naman ng lalaking kinababaliwan niya.
Halos gusto niyang ibato ang hawak na bote na wala ng laman sa nakakandong na babae kay Rundy. Blonde ang kulay ng buhok niyon at maiksi ang gupit ng buhok. Mestisa at punong-puno ng kulorete ang kabuuan ng mukha nito. Panay halik at haplos na nito sa pisngi ni Rudny! At halatang gustong-gusto naman iyon ng binata!
Ang dalawang babae pa na kasama pa rin ng mga ito ay panay na ang pagsasayaw sa harapan ni Rudny. Halos ikiskis ng mga ito ang matatambok na puwet sa tagiliran nito.
Tuluyan nang napatayo si Beatrice, hindi siya makakapayag na landiin ang magiging asawa niya!
“Hey Bii! Anong gagawin mo hindi mo ba nakikita ang Kuya Novice mo ang tumatawag. Wala ka bang balak sagutin? Hmmm,”pagbibigay impormasyon ni Farah.
“Hindi! Dahil sa ngayon ang gusto kong gawin ay kumprontahin ang mga babaeng lumalandi kay Ruru!”angil niya.
“Uunahin mo pa talaga iyan, bii! Gusto mo bang ma-grounded katulad noong last year? Isipin mo iyon one month na walang labas-labas. Dagdag mo pa na hindi ka pweding gumamit ng cellphone. Kakayanin mo bang maulit iyon for the second time around!”Tumaas-taas pa ang kilay ni Penelope.
“Okay! Okay! Sasagutin na! Hello kuya Novice,”parang maamong tupa na sagot ni Beatrice nang tuluyan ma-i-connect ang linya ng tawag.
“Nasaan ka, bakit ang ingay?”diretsang tanong ni Novice.
“Ah, eh, narito kami sa disco bar kuya,”sagot niya. Totoo naman na naroon sila.
“Are you sure, nandiyan ba si Rudny, sinundan mo ba siya ulit?”malamig na ani Novice.
Hindi naman agad nakapagsalita si Beatrice, tuluyan niyang nakagat ang ibabang labi sa labis na pagkatense. Sa isip niya’y hindi maari na malaman nito ang totoo! Kung ‘di lagot siyang tiyak!
“Bakit hindi ka makasagot? Tell me nasaan ka ba talaga?”mahihimigan ni Beatrice ang pagduda sa tinig ng nakatatandang kapatid niya.
“O-oo naman k-kuya narito kami sa Al fresco, kahit tanungin mo si Penelope.”Kasabay niyon ang pagpasa ni Beatrice sa hawak-hawak niyang IPhone.
“Anong sasabihin ko!”Iyon ang nabasa niyang senyas ng labi na nagmumula kay Penelope. Tinakpan pa nito ang mouth piece ng aparato.
“Sabihin mo kasama mo ako n-na wala si Rudny dito!”mariin na anas ni Beatrice.
“Kung hindi lang kita kaibigan!”angil nito na tuluyan ng inasikaso ang tawag.
“Hello Kuya handsome, yes! Yes! Korak ka po diyan. Magkakasama po kaming tatlo nina Bea at Farah. Sure po uuwi po kami pagkatapos. Goodnight Kuya!”Kilig na kilig na ani ni Penelope. Maya-maya ay tuluyan ng ibinigay nito sa dalaga iyon.
“Ayan okay na, kung makautos ka wagas lang!”nakapout na sambot nito.
“Thanks bii! Maasahan ka talaga. Dahil diyan kahit umorder ka pa ng isang bucket!”Tili ni Beatrice.
“Alright!”tuwang-tuwa naman na sigaw nito. Nagsasayaw pa ito habang tumutungga sa hawak na bote.
Naiiling na lang ni Beatrice ang ulo, ang ngiting nakapaskil sa labi niya ay biglang naglaho. Dahil kitang-kita lang naman niya kung paano halikan ng babaeng nakakandong kay Rudny ito!
“Hindi!”Tumayo na siya. Wala ng pakialam si Beatrice sa mga susunod na mangyayari pagkatapos. Ang gusto lang niya ay ilayo sa labi ng binata ang nguso ng babaeng lumalandi lang naman dito!
ENJOY NA ENJOY si Rudny sa sandaling iyon. Paano ba naman, hindi niya aakalain na ganito kaka-aggressive ang mga babaeng kakatagpuin niya. Akala niya siya ang gagawa ng paraan para mahikayat ang mga ito na mag-invest sa magbubukas na bar nila.
Ngunit siya ang mukhang nahihikayat sa ginagawa sa kanya ng tatlong babae. Assistant lang naman ni Don Gustav ang mga ito. Tiyak niyang ma-i-co-closed niya ang deal dahil na rin sa naririnig niyang magagandang feedback mula sa tatlo. Lalo na naman ikatutuwa ng ama niyang si Cardo ang ibabalita niya.
Halos tigasan at magwala na ang ibabang ari niya sa nakikitang pagwawala ng dalawang babae. Literal na wild na ang pagsasayaw ng mga ito, lalo at kung saan-saan na dumadapo sa katawan niya ang malilikot na kamay nina Steph at Hailey.
“Sigurado ka ba na walang magagalit na girlfriend kapag ganito ang ginawa ko hmm,”puno ng excitement na anas ni Cleo. Ang sumunod ay hindi inaasahan ni Rudny. The woman with a short blonde hair kiss him torridly in the lips!
Hindi naman siya nagpatumpik-tumpik he kiss her back. Lalo siyang pinag-iinit ng pakiramdam ng mag-umpisang sumapo ang palad ni Cleo sa ibabaw ng namumukol niyang sandata.
Lalaki lang siya sino man katulad niyang adan ay tiyak niyang makakaramdam din parehas ng pagnanasa. Lalo at halos ng mga lalaking costumer na naroon sa gabing iyon ay nakamatiyag na sa kanila: may halong inggit ang mga tingin ng mga ito. Paano ba naman tila siya na ang pinakaswerting lalaki dahil pinagkakaguluhan siya ng mga naggagandahan babae.
Kahit nakasentro ang pansin ni Rudny sa halikan nila ni Cleo ay naramdaman pa rin ng binata ang pag-vibrate ng smartphone niya sa loob ng suot niyang leather jacket.
“Excuse me Cleo, sasagutin ko lamang ito.”Tumango naman ang babae nanatili itong nakasandig sa matipuno niyang katawan habang panay ang paghalik nito sa leeg niya.
Nang tignan ni Rudny ay si Novice ang kasalukuyan tumatawag.
“Hello bro what’s up!”pagbati niya.
“Sorry kung late na masyado ang pagtawag ko, may ipapasuyo lang sana ako.”
“Ano iyon?”Rudny asked. Sa sandaling iyong ay nag-umpisa na naman gumapang ang labi ni Cleo hanggang sa gilid ng labi niya. She started to tease him again, hindi na nga nagpatumpik-tumpik si Rudny siya na ang kusang humalik rito. Tuluyan niyang isinilid ang dila paloob sa bibig ng babae na panay ang ungol na. Nakipag-espadahan na ang dila niyang ayaw ng magpaawat sa libog na nararamdaman sa babae.
“Pwedi bang i-checked mo si Bea kung baka nariyan siya. Malakas kasi ang kutob kong sinundan ka niya—“Hindi na nadinig ni Rudny ang kabuuan ng sinasabi ni Novice dahil sa pagkahulog lang naman ng hawak-hawak niyang smartphone sa lapag.
Maging si Cleo ay nailayo na sa kanya dahil sa ginawang pagsabunot lang naman ni Beatrice rito.
“Malandi ka! Pok! Pok! Ang kapal ng mukha mo na lumandi kay Ruru!”gigil na asik nito.
“Tumigil ka! b***h!”baling naman ni Cleo at nakipagsabunutan na rin ito kay Beatrice.
Sina Steph at Hailey naman ay akmang makikisali at pagtutulungan si Bea ngunit dali-dali naman namagitan si Penelope at Farah.
“Sige subukan niyong makialam at ng hindi ko sirain ang mga mukha niyo!”pagbabanta ni Penelope na nagbasag pa ng bote at inuumang sa dalawang babae.
“Patrick akin ng baril!”mando naman ni Hailey sa isang bodyguard nito na palapit.
Napabuntong-hininga naman na tumayo mula sa pagkakaupo si Rudny.
“Hey Hailey easy! Ako ng bahala sa mga ito, sorry for inconvenience. Here’s the key to my condo, better na mauna na kayo, susunod ako.”
“Siguraduhin mo lang, dahil kapag hindi mo ginawa ibig sabihin lang niyon ay hindi na matutuloy ang pag-i-invest ni boss.”Saka ito tuluyan tumalikod kasunod nito si Steph.
Tuluyan binalingan ni Rudny si Beatrice na nagwawala pa rin mula sa pagkakahawak ng isang tauhan nina Cleo. Akmang sasampalin sa mukha ng huli ito ng mabilis na pinigilan naman ng binata ito.
“Sorry Cleo ako na nagpapasensiya, please spare her,”pakiusap ni Rudny.
Nagtitigan naman sila. “Okay pero pagsabihan mo ang babaeng iyan. Baka hindi ako makapagpigil ay ipagligpit ko siya sa mga tauhan ni Tito!”banta ni Cleo na seryusong-seryuso.
“Of course, don’t worry I’ll make up with you later.”Kasabay ng pagkindat ni Rudny sa babae. Tila naman na-gets nito iyon.
“That’s good, okay see yah later sweety,”malanding anas nito kasabay ng pagsapo sa pisngi ng ngising-ngisi na si Rudny.
“Hoy babae! Bumalik ka rito! Balik!”pagsisigaw ni Beatrice akmang hahabulin pa nito si Cleo na sinundan naman ng tauhan na humawak sa kanya kanina. Nanggagalaiti siya dahil matapos ang lahat ay patuloy pa rin sa paglalandian ang dalawa sa harap niya.
“Tara! Uwi,”sa sandaling iyon ay nagpapakahinahon ang tinig ni Rudny. Mabilis na hinablot niya ang braso ni Beatrice, ngunit mabilis na hinila lamang iyon ng dalaga. Kitang-kita ng binata ang pagtutubig ng mata nito, ang pagbalatay ng dismaya at lungkot sa magandang mukha nito.
“Ayaw kong umuwi!”galit na galit na sigaw pa nito.
Nagtagis ang mga ngipin ni Rudny nang makita niyang dumiretso muli sa lamesa si Beatrice at muling kumuha ng isang bote ng San Mig itinungga nito iyon ng dire-diretso.
Naglakad naman palapit si Rudny. Binalingan naman niya sina Penelope at Farah na tahimik lang.
“Ano pa bang ginagawa mo rito, hindi ba’t may usapan kayo ng mga babae mo na magkikita sa condo mo!”himutok ni Beatrice.
“Pwedi ba Bek-bek be matured, hindi iyan ganyan na kung ano-ano ang pumapasok sa utak mo na sabihin. Hindi ko sila babae, kinita ko lang ang mga iyon dahil sa business,”simpleng dahilan ni Rudny. Ewan niya kung bakit kailangan niyang magsabi rito dapat ay wala na siyang dapat e-explain dito.
“Because ayaw mong mas lumaki pa ang gulo Rudny,”bulong ng isang boses sa isip niya.
Iyon nga ang dahilan wala ng iba.
“Lier! Sinungaling! Ang sabihin mo tamang hinala ako!”pamimilit ni Beatrice muli nitong itinungga ang hawak na san mig.
“Tama na iyan, halika na ihahatid na kita pauwi!”dikta ni Rudny. Manaka-naka niyang inilibot ang pansin sa paligid dahil sa totoo lang ay nakakaagaw na sila ng atensyon.
“Sabing ayaw ko, makulit ka rin ano!”singhal ni Beatrice na nagpapalag ng akmang hahawakan ni Rudny ito. Sa tindi ng ginagawa niyang pagpalag ay nakalmot niya sa pisngi ang binata na biglang sumeryuso ang mukha.
“R-Ruru…”nanginginig na bigkas sa palayaw niya ni Beatrice. Sa sandaling iyon ay biglang natakot ito sa awra ng binata.
“N-nasasaktan ako ano ka ba!”pagpapalag ni Beatrice ng hawakan sapilitan sa palapulsuhan ni Rudny ito at iginiya siya palabas.
Agad naman pinagdadampot nina Farah at Penelepo ang mga naiwan na gamit ng kaibigan nila. Sa sandaling iyon ay natatakot na sila sa kung ano man gawin ni Rudny kay Beatrice. Mukhang hindi nito mapapalagpas ang ginawang eskandalo ng huli.
Malapit na sila sa exit door ng may humarang na mga sanggano sa kanila. Agad na namukhaan ni Rudny ang mga ito.
“Pwedi ba umalis kayo sa daraanan namin,”seryuso at walang kangiti-ngiti na banta niya sa grupo ni Joseph. Anak lang naman ni Jambo leader ng sindikato na naghaharian sa lugar kung saan sila naroroon ngayon.
“Aragon… kung ayaw ng babae na sumama sa iyo ay huwag mong pinipilit. Diba miss, halika sa akin ka na sumama tiyak mas mag-eenjoy ka pa,”nakangising ani nito akmang hahawakan nito sa balikat si Beatrice nang maglabas ng baril si Rudny at itutok iyon sa ulo ng natigilan na lalaki.
“Huwag na huwag mong hahawakan siya,”paalala ni Rudny na walang halong pagbibiro.
“Ilayo mo sa akin iyan Aragon! Kung ayaw mong mapapatay ka ng mga tauhan ko!”babala ni Joseph.
“Paano kung hindi ko gawin, papalag ka! Huh! Bago mo pa ako mapatay ay mauuna ka muna!”Saka mariin nitong idinikdik sa may sentido ng lalaki ang nguso ng baril.
“S-sige na tama na, makakaalis na kayo,”pagpapaubaya naman nito. Unti-unting itinaas nito ang magkabilaang kamay, kasabay ng pagbaba naman ng mga baril ng tauhan nito sa direksyon nila.
Tuluyan naman nakahinga ng maluwag si Beatrice, maging sina Penelope at Farah ay ganoon din naman.
“Sige na dumiretso na kayong umuwi Penny at Ara, ako ng maghahatid sa kaibigan niyo,”baling ni Rudny matapos na makarating sila sa kanya-kanyang kotse ang mga ito.
“S-sige ingat Bii, tumawag ka agad pagka-uwi mo okay?”bilin pa ni Penelope.
Tumango na lang si Beatrice. Tuluyan ng nagsisakay ang dalawa sa sariling kotse, akmang bubuksan na ng dalaga ang sasakiyan ng bigla na lamang siyang buhatin ni Rudny at walang sabi na isinakay siya sa loob ng dala nitong Ford C ng binata.
“W-what are you doing?”nakakunot ang noo na tanong ni Beatrice na pilit binubuksan ang pinto ngunit mukhang naka-auto locked iyon.
“Isn’t obvious ako ng maghahatid sa’yo, baka kapag hinayaan kitang umuwi na nag-iisa ay may gawin ka pang kalokohan,”pangangaral ni Rudny na nagmaniobra na palabas sa area ng Al fresco.
“My Godness! How about my car!”
“Don’t worry ipapakuha ko na lang sa mga tao ko. Just behave and please Bek-Bek next time huwag mo ng babalakin na sundan ako at isama pa ang mga kaibigan mo,”pagpapaalala ni Rudny na naka-focus lang sa ginawang pagmamaneho.
“Paano kung hindi kita sundin.”
“Huwag mo akong pinupuno Bea, kapag nakinig ka at ginawa mo ang ipinag-uutos ko pagbibigyan kita ng isang wish mo.”
Bigla naman nanlaki ang mata at halos ayaw mapaniwalaan ni Beatrice iyon.
“Hindi ka na nagsalita Bea, ano pumapayag ka ba sa—“Natigilan si Rudny ng dahil sa ginawa niyang pagbaling sa dalaga ay sobrang lapit na pala ang mukha sa kanya nito. Kaunti na lang ay magdidikit na ang labi nila. Saglit na tinitigan ni Rudny ang namumulang labi nito.
“Kahit ganito ang hilingin ko.”Akmang idadampi ni Beatrice ang labi niya kay Rudny ng maramdaman niya ang malakas na puwersa upang mapabalik siya sa pagkakasandig mula sa kinauupuan.
Madiin pa lang tinapakan ni Rudny ang preno, inis na inis tuloy si Beatrice. Habang ito ay mukhang walang pakialam sa nadarama niya. Mabuti na lamang ay naka-seat belt siya.
“I hate you Rudny!”Sigaw niya ng tuluyan makababa ang dalaga sa kotse nito matapos siyang bumaba.
“Huwag kang magalit sa akin dahil concern lang ako sa’yo at sa mga kaibigan mo na isina-sama mo pa sa pagsunod-sunod mo sa akin. Look Bek-Bek hindi mo alam kung gaano kadelikado ang trabaho ko. So please listen to me sweetheart,”mababa na ang tinig na pakiusap ni Rudny. Lalo pang nanlambot ang katawan at hindi na makapag-isip ng diretso ang dalaga ng hapitin at sapuin pa nito ang pisngi niya. Para siyang malulusaw sa tuwing ganoon ang ginagawa ng lalaki.
“O-okay susundin kita in one condition kiss me,”usal ni Beatrice matapos niyang mapayapa ang sarili sa pagkakalapit nila.
Akala niya ay may makukuha siyang sagot ngunit tuluyan na siyang binitiwan nito. Dire-diretso na itong naglakad pabalik hanggang sa tabi ng sasakiyan nito.
Masama ang loob na lumapit naman sa may gate at nagdoor bell si Beatrice. Marahas siyang lumingon at halos hindi siya makapaniwala sa sinabi lamang ng binata.
Nagtatakbo tuloy siya palapit, sa sandaling iyon ay nakasakay ng muli ito at pinapaandar na ang makina ng sasakiyan.
“What do you just say?”puno ng excitement ang tinig ni Beatrice habang nakahawak sa bukas na bintana ng kotse.
“I said deal, okay ka na ba roon. Sige na pumasok ka na,”nakangising pang-uulit ng sinabi nito.
“S-sige.”Sumunod naman na si Beatrice nang makapasok nga siya sa loob ay tuluyan ng umalis si Rudny.
Maya-maya ay hindi na napigilan ni Beatrice ang sarili, nagtitili siya na parang baliw sa loob ng sariling silid matapos niyang makapasok. Hindi na niya mahintay ang araw na hahalikan siya nito!