Shine’s POV Pumasok ako sa guest room. Nag-alala ako ng wala na siya sa kama. Sinundan ko siya sa bathroom, nagsusuka siya bowl ngunit may ilan-lang nagkalat sa sahig nito. Maya-maya’y nahinto siya at tila natutulog na ulit. Muli’y nilinis ko siya. Bihisan at muling hiniga sa kama. Sunod kong nilinis ang banyo at nilabhan ang marumi niyang damit dahil baka masira. Naramdaman ko lang ang pagod ng katawan ko ng lumapat ang likod ko sa malambot na kutson at dahil na rin sa pagod ko’y mabilis akong nakatulog. Kinabukasan nagising akong masama ang pakiramdam ko. Ganun pa ma’y bumangon pa rin ako dahil exam week namin ngayon kailangan ko pang pumila sa registrar para bayaran ang tuition ko for this month. Nauna akong magising ni Gavin. Naligo na muna ako bago ako nagluto ng breakfast nam

