Shine’s POV Nagising akong wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako, naghilamos at nagmumog. Suot ko ngayon ay ang t-shirt niyang nahubad na lagpas tuhod ko ang haba at ang panties ko. Pinangko ko ang buhok ko at lumabas ng kwarto. Agad na sumalubong sa pang-amoy ko ang mabangong amoy ng niluluto. Sinundan ko ang amoy, dinala ako ng mga paa ko sa kusina. Nadatna ko siyang nakatalikod habang seryosong hinahango niya ang nilulutong ulam sa mangkok. Hindi ko napigilang hagurin siya ng tingin, he was only wearing his boxer shorts. Kita ng dalawang mata ko ‘kung paano nagflex ang mga muscle niya sa braso sa bawat galaw niya. Nalilito tuloy ako kung saan ako nagugutom, sa nagluluto o sa niluluto. Bahagya kong pinilig ang ulo, umagang-umaga kalandian agad ang nasa isip. Napangiti ako, ang sarap

