Justine’s POV “Whitey! Browney! Si Shine?” Umalerto ang dalawang bodyguard ni Shine ng makita ako. Pinuntahan ko na, nag-alala na ‘ko sa tagal nilang bumalik. “Nasa loob pa, Sir,” sagot ni Browney. “Sigurado kayong nasa loob pa?” Pinapabantay ko si Shine. Mahirap na baka takasan ako at makipagtanan sa hayop niyang Propesor! Sinong amang matutuwa sa ginawa ng hayop na ‘yun? Sinamantala niya ang kainosentehan ng anak ko. Nakakabwesit lang isipin na pinagkatiwala ko sa eskwelahan niya ang kinabukasan ng anak ko ‘yun pala iyong eskwelahan palang iyon ang sisira sa kinabukasan at pangarap ng anak ko! “Sinilip ko po kanina, nasa loob pa, po–” sagot naman ni Whitey. “Ano! Sinilip mo!” Singhal ko. Nagitla ang dalawa sa pagtaas bigla ng boses ko. Agad rumehistro ang takot sa kanilang mga ma

