Shine’s POV “My decision is final. You are no longer allowed to see or speak to that man!” Pinal na saad ni Daddy sa ‘kin. Hindi na ako na sumagot pa o sumubok na magpaliwanag muli. Nakatitig lamang ako kay daddy habang hilam ng luha ang buo kong mukha. Hindi na ako nagsalita pang muli dahil sarado ang puso’t isip nila sa nararamdaman ko. Ayoko ko na ring magbitaw ng salita dahil masasaktan ko na naman ang mga damdamin nila. “Go to your room!” Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Ni lock ko ang pinto at padapang humiga sa kama. Sa kama ko binuhos ang nararamdaman sakit ng puso ko. Ang silid ko ang naging saksi ng bawat luhang tumulo sa mga mata ko at hagulhol na kumawala sa bibig ko. Ang bigat-bigat sa pakiramdam, doble kasi yung sakit, sa kagustuhan kong ipaglaban ang posisyon ni Gavi

