Seven years later... "Ate, bilisan mo naman jan, maliligo pa ako." pagmamadali ni Hanna sa labas ng pinto ng banyo. "Ito na nga, ito na. Nagmamadali na nga!" hiyaw niya habang nagsusuot ng bath robe saka binalot ng tuwalya ang basang buhok. Kung bakit kasi iisa lang ang banyo nila samantalang madami silang gumagamit? Ang kapatid naman niyang yun, di makapaghintay na lumabas siya't laging nagmamadali. Sahuran na ngayon, may laman na seguro ang kanyang ATM. Kakausapin niya ang ina para pagawan siya ng sariling banyo sa loob ng kanyang kwarto pag nakapagwithdraw na siya. "Ikaw ha? Kung makahiyaw ka, wagas. Bukas, dapat nakaligo ka na bago ako gumising, gets mo?" sabon niya sa kapatid. Agad itong yumuko at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. "O, nagsikain na ba kayo?" usisa ng i

