Hindi alam ni Flora Amor kung gano siya katagal nakatulog pero naalimpungatan siya nang marinig ang tinig ng ama sa katabing kwarto. "Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik. Sana tuparin mo ang pangako mo." anang ama. Napabalikwas siya ng bangon. Ang kanyang Papa yun! Umuwi ang Papa niya! Lalabas sana siyang kwarto nang sumagot ang ina. "Ang kaligtasan niya ang mahalaga sakin, ang kaligtasan nilang lahat." Taas ang isang kilay na bumaling siya sa plywood na nagsilbing divider sa pagitan ng dalawang kwarto. Kahit nagbubulungan ang mga magulang niya pero naririnig pa rin niya ang boses ng mga to. 'Anong pinag uusapan nila? Bakit napunta sa kaligtasan namin?' Agad siyang kinutuban at lumapit sa dingding saka idinikit ang tenga sa plywood nang marinig pa niya lalo ang p

