"Ma!" Gulat ang ina pagkakita kay Flora Amor sa palengke. Bahagya itong natulala lalo na nang makalapit siya't malapad ang ngiting yumakap dito. "B-bakit andito ka? Pano mong nalaman ang pwesto namin? Di ba may trabaho ka?" nang makabawi'y sunud-sunod nitong tanong. "Nag resign ako sa trabaho, Ma. Di ako masaya dun. Tutulungan na lang kita." sagot niya habang pinagmamasdan ang tindang isda nito. Kahit papano'y kilala naman niya ang mga tinda nito, madali na lang segurong ilako ang mga yun. "Anak, mangingitim ka rito. Dun ka na lang kaya sa bahay." "Naku, masasanay din ako." pasimple niyang tanong pero iwas ang tingin sa ina. Kahit ilang beses siyang naghilamos ng malamig na tubig, di pa rin nawawala ang pamumugto ng mga mata, mapapansin nito agad yun. Kanina lang, halos w

