Mugto ang mga mata, sabog ang buhok at puno ng putik ang laylayan ng damit habang wala sa sariling naglalakad si Flora Amor sa pasilyo ng ospital. Kung paanong nakabalik siya sa lugar na yun, tanging ang Maykapal lang ang nakakaalam. "Flor! Flor!" sa labas pa lang ay salubong na agad ni Mamay Elsa. "Flor, tinatanggalan nila ng mga aparatu sa katawan si Nancy." mangiyak-ngiyak na wika nito. Subalit tila walang narinig ang kinakausap at nagdere-deretso lang sa loob ng kwarto ng ina. Kung alam lang niya na ganun ang mangyayari, hindi na sana siya nagpunta sa bahay ng walang pusong lalaking yun. Hindi na sana siya pumayag na pakasal at ibigay ang lahat-lahat rito. Bakit ganun? Hindi pa ba sapat ang pinagdadaanan niya sa sariling pamilya at kailangan nitong durugin at pagpirapirasuh

