1: White BMW

1351 Words
SUMMER’S POV   ILANG beses akong napakurap nang muntikan nang masagi ang kotse ko ng isang puting BMW na humaharurot sa kalsada. Bababa pa sana ako para tingnan kung sino ang talipandas na nagtangkang gasgasan ang adorable Jeninah ko kaso bigla nang nag-green ang traffic lights.             “Tang*na ka, makatapak ka sana ng tae,” nagtatagis ang ngipin na turan ko saka inapakan ng madiin ang silinyador.             Ilang minuto pa at nakarating na ako sa café na pinag-usapan namin ng dalawa kong best friends. Summer vacation pa kaya wala pa masiyadong ginagawa, malaya pa kaming magliwaliw.             Ipinarada ko sa parking area na exclusive lang sa customers ang sasakyan ko bago nagmamalditang lumabas. Taas-noo akong naglakad ngunit agad ring natigilan nang madaanan ng paningin ko ang BMW na muntik nang bumangga sa akin kanina. Natandaan ko ang plate number, eh.             Anak ka nga naman ng demonyo. At nakita pa talaga kita rito.             “G*go ka, ah,” bulong ko sa sarili habang naglalakad papalapit doon. “Ang linis ng pucha.”             Luminga muna ako sa paligid bago sipain ng malakas ang gulong ng hinayupak na muntik nang gumasgas sa kotse ko.             “Wala akong pakialam kung mamahalin kang lintek ka. Hindi ka marunong sumunod sa batas trapiko kaya hindi ka nararapat na magmaneho sa kalsada!” gigil na sigaw ko at paulit-ulit iyong sinipa.             Ngunit agad rin akong napatakbo palayo nang umalingawngaw ang alarm ng kotse. Buti na lang at walang pakialam ang mga tao sa paligid. Patay-malisya akong naglakad papasok ng café na malapit lamang sa akin. Inilibot ko pa saglit ang mga mata ko na may pagka-matanglawin para siguruhing walang CCTV camera sa paligid.             Bingo. Safe!             Napangisi ako at tuluyan nang pumasok sa loob. Lintek lang ang walang ganti!             “Summer, here!”             Napalingon ako kay Hannie na masiglang kumakayaw sa akin. Katabi niya si Fely na mukhang malalim ang iniisip dahil nakahalumbaba ito at nakatulala sa kawalan. Ni hindi niya nga napansin ang sigaw ni Hannie.             “Kanina pa kayo?” bungad ko nang makalapit. Winasiwas ko pa ang kamay ko sa harap ng mukha ni Fely.             “Oh, nandito ka na pala,” matamlay at pilit ang ngiti na turan nito. Napairap ako.             “Kanina pa. Paalis na nga tayo, eh,” sarkastikong sagot ko sa kaniya saka bumaling sa isa. “Right, Hannie?”             “Silly,” napapailing na sagot nito. Inirapan ko siya dahil hindi man lang sumabay sa akin.             They’re my best friends. Fely and Hannie are few of those people I trust. Hirap akong magtiwala sa tao lalo na’t minsan na rin akong naloko. Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang pakisamahan ang dalawang ito. Magkakaiba ang ugali namin. But duh? Perfect combination yata ang peg naming tatlo.             Fely the smart-ass, Hannie the optimistic, and me . . . the Queen Bee. Lol!             “Saan ka pala pumunta? I saw you na kanina kaso bigla kang lumiko,” nagtatakang tanong ni Hannie habang sumisimsim sa order niyang frappe na kararating lang. Bubble tea naman sa akin at fruit shake kay Fely. At least fifteen minutes pa ang hihintayin para maluto ang order namin na curled fries, lasagna, at pizza.             “Wala, may tinapon lang na basura,” tipid na sagot ko na ikinakunot ng kaniyang noo.             Sosyal na basura. Nakakainit ng ulo ang may-ari no’n, ha! Ingat na ingat pa naman ako sa kotse kong si Jenina dahil regalo pa ʼyon sa akin ni daddy no’ng debut ko. Hahabulin ko talaga siya kung nagkataon. Kesohadang abutin kami sa impyerno, hindi ko siya aatrasan.             Agad kaming nagsimulang kumain nang dumating na ang order namin. Nagpahabol pa ng buffalo wings si Hannie kaya ang daming nakahain sa lamesa.             “Malapit na naman ang pasukan. Almost two weeks na lang, namili na ba kayo ng mga gamit?”             Napatunghay ako mula sa pagkakayuko. Oo nga pala. Wala pa akong binder para this school year. Bibili rin pala akong bagong bag at sapatos. Libro pa pala! May kailangan kong bilhin na libro.             “Daan kaya tayo sa mall pagkatapos dito?” suhestiyon ko na agad namang kinontra ni Fely.             “Next time na lang mga beshywap, ha? Biglang sumama ang pakiramdam ko, eh.”             Nagkatinginan kami ni Hannie. We rarely see Fely like this. She isn’t the type to turn down shopping like this. Palagi naman siyang game sa galaan, I think something’s bothering her.             “Okay ka lang ba?” seryosong tanong ko. Ngumiti nga siya ngunit halata namang pilit. “Sige, bukas na lang or sa makalawa. Makikisakay na lang ako kay Hannie.”             Ayoko munang dalhin si Jenina sa galaan at baka madiretsuhan na talaga iyon sa sunod. Ayokong magkapeklat ʼyon, no! Daig pa nga no’n ang skin care routine ko.             “Ako rin, makikisakay muna ako.”             Muling nangutot ang noo ko. “Where’s your car?”             “Sira,” tipid na sagot nito kaya hindi na ako nagsalita pa. Mukhang wala sa mood ang gaga, respetuhin natin ang katahimikan niya, baka gilitan ako sa leeg kapag kinulit ko.             Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsubo habang maya’t maya ang pagsilip sa glass window. Nasisilip kasi mula rito sa kinauupuan ko ang kotse na sinipa-sipa ko kanina. Iyong unahang parte lang naman ng sasakyan. Gusto ko malaman kung sino ang may-ari no’n para alam ko na kung sino ang sasagasaan ko sa susunod.             “Matanong ko nga pala,” pag-untag ko sa kanila. Ibinaba ko saglit ang hawak kong tinidor saka nagpunas ng tissue sa bibig. “’Di ba lilipat ka na ng bahay, Fely? Kailan ʼyon?”             Nasamid siya sa kinakain niyang pizza kaya dali-dali niyang nilagok ang isang basong tubig. Pinanliitan ko siya ng mata. Nakakaduda ang mga reaksyon ng gagang ito, ah.             “Next week! Baka next week pa ako lumipat doon.” At muli siyang sinubo.             Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung ano man iyang itinatago niya o pinagdadaanan niya, malalaman at malalaman pa rin namin ʼyan. No secrets allowed sa friendship naming, eh.             “Sh*t,” mura ko sa sarili nang mabilaukan ako. Nalunok ko kasi ng buo ʼyong tapioca pearls ng iniinom ko. Gaga!             “Hala, huwag sugapa sa pag-inom. Walang aagaw niyan sa ʼyo,” napapailing na turan ni Fely.             “Siraulo.”             Inabot sa akin ni Hannie ang tissue niya dahil naubos na ʼyong tissue na binigay kanina ng waitress. Kinuha ko naman agad iyon para punasan ang sarili. Buti na lang at smooth lang ang pagbaba ng tapioca sa lalamunan ko. Buwisit! Ayokong maging cause of death ang itim na bilog na ito!             Nanumbalik kasi sa alaala ko ang lihim na itinago ko sa kanila two years ago. Ako pala ang unang lumabag sa friendship rule namin. Guilty ako roon. Kaya wala akong karapatan para sumbatan sila sa ganitong bagay.             Bakit ba kasi ako nagpakatanga sa isang lalaki na walang bayag? Sa lalaking t*t* ang nagsisilbing utak.             Two years ago, I fell in love with a guy whom I thought was my prince charming. Hindi naman ako informed na siya pala ang magiging villain sa sarili kong kuwento. Itinago ko pa sa pamilya ko at mga kaibigan ko ang tungkol sa amin dahil sa takot na baka makarating ʼyon kay daddy at ipadala ako sa Spain. But that was before. I was too naive and dumb that time.             Lesson learned. Huwag magpapadala sa matatamis na salita, sa gentleman’s act, at sa mga salitang, ‘Ikaw lang talaga, walang iba.’             Kapag naniwala ka, eh, ʼdi tanga ka kung gano’n.             Teka, mali pala.             Tanga pa kasi ako noon kaya nangyari ʼyon.             Muli akong napalingon sa puting BMW na natatanaw ko pa rin dito. Nakita ko pa ang pagpasok ng isang lalaki sa loob at pagsarado ng pinto. Maya-maya rin lang ay humarurot na ito paalis. Hindi ko man lang nakita ang siraulong driver na ʼyon. Sayang.             Malalim akong napabuntonghininga.             Buhay pa kaya ang playboy kong ex?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD