CHAPTER 1

1398 Words
Chapter 1: The meet-up “HAZE, son.” Napatingin si Haze sa Daddy niya nang tawagin siya nito. Nasa living room sila at nakaupo sa magkabilang sofa. It’s Sunday afternoon and his parents stayed at home. Ngayong araw ang restday ng parents niya from their work. His father is an architect. Nasa mid-50’s na ito at alam niyang malapit na rin itong mag-retired at isa sa pinakamahusay na architect ang kanyang ama sa larangan nito. He is supposed to be the heir of his father, but he chose his dream. He’s a surgeon doctor at nirespeto naman ng parents niya ang pangarap niyang maging isang doktor. And maybe, ang nakababatang kapatid niya ang magpapatakbo ng business ng Daddy niya. Na si Euzen, nga lang ay nasa third year college pa ito at handa naman ang kapatid niyang i-handle ang company nila. Nasa grade 7 naman ang bunso nilang kapatid na si Euzel at bata pa lang ito ay marunong nang magluto. Mukhang ang bunso nila ang nagmana sa Mommy nila. Euzen? Balak din nitong mag-aral ng architecture pero priority raw nito ang business management. “Bakit po, Dad?” tanong niya rito. “Darating bukas ang anak ng Ninong Zerald mo at ikaw ang gusto kong sumundo sa kanya sa airport,” sabi nito sa mahinang boses. “Anak ni Ninong? Si... I forgot his name, Dad.” Napakamot siya sa ulo niya dahil totoo talagang nakalimutan na niya ang anak ng Ninong niya. “She’s a girl, son. Siya si Dhea Averay. Mabait na bata iyon at matalino,” nakangiting sabi nito at napangiwi siya. “Lagot ka sa kinakapatid mo, Haze. You forgot her? Eh, ilang buwan din siyang nagbakasyon dito sa atin at magkasama pa nga kayo,” ani ng Mommy niya at sumulpot na lang ito sa usapan nilang mag-ama. “Hey, honey.” Tumabi nang upo ang Mommy niya sa Daddy niya at hinalikan nito sa labi, saka mataman siyang tiningnan ng kanyang ina. “Don’t look at me like that, Mom. Eh, sa nakalimutan ko talaga siya. See? Kahit gender niya ay nakalimutan ko rin,” pagdadahilan niya. Pilit niya ring inaalala ang mukha ng anak ng Ninong niya pero hindi na niya namukhaan pa at hindi na niya maalala. “Kailan ba ang huling nagbakasyon sila rito, Mom?” tanong niya sa Mommy niya at sumandal ito sa balikat ng Daddy niya. Ang sweet talaga ng parents niya at isang magandang halimbawa ang mga ito, bilang best couple on this earth. Kahit may katandaan na at tatlo na ang anak ng mga ito ay nandoon pa rin ang pagmamahal ng mga ito sa isa’t isa. At alam na alam niyang marami ring pagsubok ang nangyari sa mga ito. Lalo na ang Mommy niya na mag-isa lang siyang inalagaan simula ng pinanganak siya at umabot sa pitong taong gulang. At madalas niya itong nakikitang umiiyak nang tahimik at sobrang nasaktan ang Mommy niya. Isa lang ang natutunan niya sa pag-ibig ng mga ito. Trust, trust is the most important for a relationship. Hindi ka lang magmamahal, kundi tiwala. Kailangan mo ring magtiwala at dapat may tiwala kayo sa isa’t isa. “Five years ago, Haze. Ang gandang batang iyon pero ngayon sinasabi mong nakalimutan mo na siya?” nakataas na kilay na tanong ng kanyang ina at kiming napangiti na lang siya. “Sorry, Mom. Masyado na po kasi akong busy sa trabaho ko.” “Why don’t you want to take a vacation, Haze?” his Dad said. “Uhm, maybe after my friend’s wedding.” “Si Dervon? Ikakasal na siya?” tanong ng Mommy niya at mukhang excited ito. Dervon Veins Avelino, surgeon doctor din ito at sa hospital mismo nito siyang nagtatrabaho. Matalik na kaibigan niya, including kina Domein Domingo at Psyche Chan Quraiz, Andrey Callelan. Pero hindi niya magawang ma-excite at maging masaya para sa kaibigan. Dahil hindi ang babaeng mahal nito ang future wife nito. At alam niyang labag sa loob ng kaibigan niya ang magpakasal sa babaeng iyon. “Yes, Mom.” “I’m happy for him, tell him na padalhan mo kamo kami ng invitation card. Excited ako para sa batang iyon,” nakangiting wika ng Mommy niya. “I will, Mom.” *** Dhea Averay Lacsamana Itinaas ni Haze ang placard na hawak niya na may pangalan ng anak ng Ninong niya para makita ng dalaga. Marami na ang lumabas na pasahero at bagong dating. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ito dahil hindi naman niya alam ang hitsura nito. Matagal na kasi iyon at hindi na niya matandaan pa ang mukha ni Ave. Kung hindi lang siya pinakausapan ng Daddy niya na sunduin ito ay hindi rin siya pupunta sa airport. God knows how much he hates airport. Dahil dito niya huling nakausap at nakita ang babaeng mahal niya na umalis at pinili ang mga magulang nito. Yeah, right. Dito siya huling iniwan ni Kreza. Ang first love niya pero handa naman siyang hintayin ito. Four years na ang nakararaan since Kreza left her at alam niyang babalik ito sa kanya. “Haze Montefalcon?” Suddenly, the girl’s voice called his name. “That’s me,” sagot niya rito at napatingin siya sa babaeng kaharap niya. Isang napakagandang dalaga ang kaharap niya ngayon. She is wearing her peach blouse and a pair of white jeans and a pink rubber shoes. Hawak-hawak nito ang sunglasses at sa kanang kamay naman nito ay nakahawak sa maleta. May mahabang buhok na kinulayan ng light brown color at may bangs din. Mataman niyang tiningnan niya ang hitsura nito. Her brown eyes is so beautiful, her litle but pointed nose. Her pinkish lips and so soft that he have this urge to kiss her. But no, it couldn’t be happens. Maputi rin ang babae at hindi rin katangkaran. Hanggang dibdib niya lang ito. Hindi lang maganda ang dalaga kundi parang isa itong diyosa. Napangiti rin ito sa kanya at hindi niya alam sa sarili niya kung bakit nagustuhan niya ang magandang ngiti na iyon. The next thing he find out, the girl hugged him which is made his shocked and he can feel the electricity over her body but he admitted that, her body is so soft and hot. “I miss you, Haze! You don’t have any idea how much I’ve missed you!” masayang sabi nito at halatang na-miss nga siya nito. And funny it is, nakaramdam siya nang pagkailang dito. Lalo na ng bumilis ang t***k ng puso niya. Kaya naman ay marahan na tinulak niya ito at muling tiningnan ang mukha nito pero gayon na lamang ang gulat niya nang bigla siya nitong hinalikan nang mariin sa mga labi niya. Mahigpit na hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at para siyang naestatwa at hindi na makagalaw pa. “I wait for this to happen! And finally, nagkita na rin tayo! I am so happy to meet you again, Haze!” Okay, hindi siya nakapag-react sa mabilis na pangyayari. At medyo nainis siya nang hinalikan na lang siya nito bigla. For God’s sake, dito pa talaga sa maraming tao siya nitong hinalikan? Ganito ba ang dalaga? Basta-basta na lang nanghahalik? So embarrassing! “Haze?” He shook his head to collect himself. “You shouldn’t do that, you know,” aniya. Galit siya dahil sa ginawa nito pero hindi naman niya magawang ipakitang nagalit siya rito. Baka umiyak ito at matataranta pa siyang aluin ang dalaga. “The what?” kunot-noong tanong nito sa kanya. “That kiss,” sagot niya. Bigla itong napanguso at lumungkot ang mukha nito at lihim na napamura siya sa sarili niya. “T-That’s not what I mean, please don’t get me wrong. You can kiss me but not in front of the crowd.” Minsan naiinis siya sa sarili niya, dahil sa sobrang kabaitan niya ay hindi na niya magawang ipakitang galit siya sa isang tao. Ah, hindi naman siya galit pero nagulat lang siya. Sobrang nagulat siya dahil hinalikan lang naman siya! “L-let’s go? My parents are waiting for you at home,” nakangiting pag-aaya niya rito at nginitian naman siya. Kinuha na niya ang bagahe nito pero napaigtad siya nang humawak sa kaliwang braso niya ang dalaga. Palihim na napamura siya dahil nakaramdam siya ng uneasy feelings. Haze, dude. What’s wrong with you? Do support dudes, vote and comments is highly appreciated. Lyn Hadjiri ||AteSamuha21
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD