Chapter 34: Healed SINCE okay naman na ako at collapse lang ang nangyari ay nakalabas din ako sa hospital. Madi-discharge naman ako agad, kasi nga hindi malala ang nangyari. Si Haze naman ay nag-half day lang siya sa work niya para lang ihatid ako pauwi sa amin. Pinauwi na kasi niya ang parents ko, siya na raw ang bahala sa akin. Si Kuya Derman lang ang hindi nakapunta kasi kasama niya ang bunso naming kapatid. My memories are coming back, but I’m stuck on what happened after the airport. Parang may higit pa akong dapat na maalala at ang eksenang iyon talaga. Ako lang naman ang puwedeng gumawa ng paraan. Para tuluyan na akong gumaling. “I told you not to force yourself, Avey,” paalala na naman sa akin ni Haze. Napansin niya kasing nananahimik na naman ako. Alam niya kapag ganito ak

