Chapter 30: Lake HINDI ko na hinintay pa si Haze. Dahil nagpunta na akong mag-isa. Yayain ko sana ang kambal, pero nasilip ko ang kuwarto nila na tulog na tulog pa sila. Ano kaya ang ginawa nila kagabi at parang napuyat sila? Itinuro lang ni kuya kung saang banda ang lake at didiretso lang ako sa paglalakad ay makikita ko naman daw. May dala pa nga akong bimpo, in case na lamigin ako roon. Akala rin yata ni kuya ay kasama ko ang aking boyfriend, pero hindi. Solo ko muna sa ngayon ang lake. I thought malayo siya, but no. Malapit lang siya kasi nakikita pa ang bubong ng vacation house namin. Matatayog na punong kahoy rin kasi ang nakapalibot dito. Dahil solo ko nga at alam kong wala namang tao ang dadayo sa place na ito ay naghubad na ako. Iniwan ko lang iyong black underwear ko. Napas

