CHAPTER 12

1152 Words
Chapter 12: Breakfast together NAPUYAT na naman ako kagabi at late na nagising kinabukasan. Kung bakit ba kasi paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang kissing scene namin. But I realized something. Ang kasiyahan ay pansamantala rin at minsan ay nangangahulugan din nang sakit at lungkot. Napahinga ako nang malalim at bumangon na ako sa kama. Nagtungo ako sa banyo at hinubad ko ang lahat ng saplot sa katawan ko. Tumapat ako sa shower at nagsimulang maligo. After that ay hinila ko sa may sampayan ang tuwalya. Nag-toothbrush muna ako at pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo para na rin makapagbihis ako. Nagulat naman ako nang bumukas ang pinto at sumilip doon si Haze. Nabigla rin siya nang makita ang ayos Kong nakabalot lang ako ng tuwalya. “Sorry,” narinig kong sambit niya. Mahinang Napahalakhak ako. “Ayos lang. Hindi naman ako nakahubad, ah. Nahiya ka pa. May kailangan ka ba, Haze?” tanong ko at lumapit sa pinto. Nakatalikod na siya at namumula ang batok niya. Napailing ako sa reaksyon niya. Mukha siyang natataranta. “Nakahanda na ang breakfast sa baba. Pumasok na kasi si mommy sa resto niya at sabayan na raw kitang kumain ng agahan. Sige iyon lang. Bumaba ka agad kung tapos ka na. Mauna na ako,” paalam niya agad-agad. Lumubo ang pisngi ko. “Nahihiya siyang makita na ganito ang ayos ko. O sadyang gentleman lang siya,” kinikilig na sabi ko. Lumapit na ako sa cabinet at kumuha ng susuotin ko. Crop top blouse na kulay lila ang napili ko at puting shorts, litaw na litaw ang legs ko sa ayos kong ito. Pinatuyo ko muna ang hair ko at hindi na ako naglagay pa ng kung ano-ano sa face ko. Of course nag-spray pa ako ng perfume saka ako lumabas mula sa kuwarto. Nang marating ko ang kitchen nila ay mapatingin agad sa gawi ko si Haze at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pasimpleng paghagod niya nang tingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at umupo sa tapat niya. Nakahain na rin kasi ang breakfast. “May plano ka ba ngayong araw na lumabas, Avey? O pupunta ka roon sa resto ni mommy? Ihahatid kita roon,” aniya. Hindi pa ako naka-move on sa date namin kagabi at sana ay maulit pa iyon. “Hindi ko nakikita nang madalas ang kambal at bunso niyo, Haze. Hindi naman boring sa bahay niyo kapag nag-stay ako rito. Pero oo, pupunta ako sa resto ni Ninang Hazel. Gusto kong tumulong doon. Magpapaturo ako kapag hindi masyadong busy si ninang,” sagot ko at napatango naman siya. “Okay. Let’s eat then.” I nodded. PAGKATAPOS nga naming kumain ng breakfast namin ay umalis na rin kami. Sa labas lang siya ng restaurant ng mommy niya kasi nga raw ay papasok na siya sa work niya. “Mamaya, gusto mo bang dalhan ka ng lunch mo, Haze?” tanong ko sa kaniya at ilang sandali pa niya akong tinitigan sa mukha ko. Umiling siya at inayos ang crop top blouse ko na lumilihis sa itaas dahil sa hangin. Ngumiti lamang ako pero siya ay salubong ang kilay. “Huwag na. Pupunta na lang ako rito para kumain. Sige na, pumasok ka na at hanapin mo na roon si mommy,” sabi niya. Kumaway ako. “Take care, Haze,” paalam ko at hinila ko lang ang coat niya dahilan na napayuko siya kaya nagawa kong halikan ang pisngi niya. Mabilis na namula ang tainga niya. Tinalikuran ko na rin siya at nagmamadali na akong pumasok sa loob ng resto. Hindi ko na pinansin pa ang mga tao na puwedeng makakita sa ginawa ko. Hayaan na nga, ay. “Good morning, Ninang!” I greeted my ninang nang makita ko agad siya. I kissed her cheek. “Nag-enjoy ka ba sa date niyo kagabi, hija?” iyon agad ang tanong ni ninang. “Super po,” sagot ko at sinabayan pa nang pagtango. “Tinanong pa ako ng anak ko kung saan daw puwedeng pumunta para magkaroon kayo ng romantic date. Kaya naman nag-suggest ako ng place na alam ko. Minsan na rin kasi ako dinala roon ng Ninong Eujinn mo, Avey. Kahit bago lang iyon. 50 thousands pesos ang bayad sa rent for one night.” Umawang ang labi ko sa gulat. Alam ko na parang sukli lang din sa amin ang 50 thousands pesos pero iba pa rin iyon kapag gumastos ka nang isang gabi lang. “Ang mahal naman po, Ninang. Bakit po gumastos agad si Haze nang ganoong kalaki? Puwede naman po kahit hindi sa lugar na iyon,” naiiling na sabi ko. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Thank you for making him happy, Avey. Wala lang sa anak ko ang nagastos niya. Basta natupad daw niya ang ideal romantic dinner date mo kasama siya.” Napanguso na lamang ako at natawa siya. “So? You want to help my staff again, Avey?” I shook my head. “Sa kitchen naman po ang gusto ko, Ninang. Turuan niyo po akong magluto if hindi ka busy,” sagot ko. “Of course, hindi ako busy kahit nandito tayo, hija. I promise your parents na aalagaan kita rito at i-enjoy ang vacation mo.” She’s so kind talaga. Ang suwerte rin talaga ni Ninong Eujinn sa kaniya. I want my ninang to be my mother someday. Of course, kapag kami ang nagkatuluyan ni Haze. At kailan naman kaya iyon? Parang ang labo rin, ano? Masyado akong nag-focus sa pagturo sa ’kin ni Ninang Hazel kaya hindi ko na rin namalayan pa ang oras. Nasa kitchen pa rin kami. “Hindi pa ba ’yan luto, Avey?” Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Haze out of nowhere. Nasa pintuan siya at nakasandal ang likuran niya sa haba ng pinto. Nakakrus ang magkabilang braso niya habang diretso ang tingin niya. “Ikaw pala. Hindi ko man lang napansin ang oras,” aniko at napatampal pa ako sa noo ko. “Ano ba ang niluluto mo?” tanong niya at binigyan ko ulit ng pansin ang niluluto kong chicken soup. Ito pa lamang ang itinuro sa akin ni ninang kasi pabirong raw ito ni Haze. “Your favorite chicken soup, Haze,” sagot ko at kumuha ako ng bowl. Muntik ko pang mabitawan ang hawak-hawak ko nang maramdaman ko siya sa likuran ko. Dahil pumuwesto talaga siya roon. “Ako na lang ang maghahain ng chicken soup mo. So, you cooked this just for me?” he asked and I nodded. “Actually, I don’t know how to cook din. But nagpaturo ako kay ninang. So?” Nang lumingon ako sa kaniya ay dumikit lang ang labi niya sa noo ko. Mabilis akong nag-iwas nang tingin at tumikhim. “Masarap kaya ito?” tanong pa niya at tumulis ang labi ko. Nang makita niya ang reaksyon ko ay natawa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD