Chapter 23: Jealous DAHIL sa naging reaksyon ko ay natahimik sila bigla. Hanggang sa nagsabi na ang doctor ko na muli akong susuriin. Isinalang nila ako sa MRI scan para mas malinaw nilang makikita kung mayroon ba talaga akong brain damage. Kinakabahan man ako sa malalaman ko ay pinili ko ang manahimik na lamang. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko ang guwapong lalaki. Walang ekspresyon ang mukha niya, pero kapag nagtatagpo ang paningin namin ay lumalamlam ang mga mata niya. Iyong concern ay halatang-halata. Hindi ko alam kung bakit ang bilis nang t***k ng puso ko. Kinakabahan din ako sa presensiya niya. Si Kuya Derman ang umaalalay sa akin nang makabalik kami sa private room ko. Napansin ko naman na parang may nagbago sa kaniya. “Kuya, nag-matured ka,” komento ko at natigilan siya.

