CHAPTER 10

1050 Words
Chapter 10: Date “HI MOM,” tawag ni Haze sa mommy niya sabay halik sa pisngi nito. Kahit matanda na talaga si Haze ay close na close pa rin siya kay Ninang Hazel. Love na love niya rin kasi ito. Noong wala pa sa buhay nila ang daddy niya ay silang dalawa lang talaga ng kaniyang ina ang magkasama pero nabuo pa rin naman silang magpamilya. Kasi nga iyon ang gusto ni God. “Mom,” panggagaya ko naman at humalik din ako sa pisngi ng ninang ko. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni ninang. “Ginagaya mo ba ako, Avey?” parang hindi makapaniwalang tanong ni Haze nang balingan ko siya. Hindi na ako humiwalay pa sa mommy niya at niyakap ko ang braso nito. Hinaplos pa nito ang pisngi ko. “Hindi po, ah. Feeling ko lang kasi ay magiging mommy ko rin itong ninang ko, Haze,” sagot ko at mahinang natawa si Ninang Hazel. “I don’t mind na maging anak ko rin si Avey. Napakabait naman niyang bata, son. Masuwerte ang future husband nito,” ani ninang. Napanguso ako. “See, Haze? Ang mommy mo na ang nagsabi na masuwerte ka sa akin.” Mariin na nakagat niya ang pang-ibabang labi niya at parang pinipigilan niya ang mapangiti. Halata na sa mga mata niya ang pagkaaliw. Kinindatan ko pa siya kaya muli na naman siyang napahalakhak. “Babalik na nga ako sa hospital. Baka makalimutan ko pang magtrabaho,” naiiling na saad niya. “Ingat ka sa pagda-drive, ha? May date pa tayo, Haze,” pabirong sambit ko at kumaway-kaway pa ako. Napakamot na lamang siya sa batok niya at nagpaalam na siya sa mommy niya. “Look at him, hija. Nagagawa na niyang ngumiti sa simpleng bagay lang. Thank you for making my son happy, Avey,” Ninang Hazel uttered. “I just want him to heal, Ninang. I love your son po,” I admited and it seems inaasahan na niya iyon kasi hindi man lang siya nabigla. “I hope so, na may miracle ang mangyayari, Avey. Tara na sa loob? Magpahinga ka muna bago ka mag-part time,” pag-aaya niya at pareho na kaming pumasok sa loob ng resto niya. Marami pa ring customer at kahit nga punong-puno na ito ay hindi naman siya magulong tingnan. Malaki rin kasi ang space ng bawat table nito at ang ganda pa ng ambiance. May pa-love song pa silang pinapatugtog. Hindi ako nag-rest, kasi hindi pa ubos ang energy ko. Pero nang sumapit na ang hapon ay nakaramdam ako nang antok. Kaya naman nagpaalam na ako at pumasok na sa office ng aking ninang. Busy siya sa kitchen niya kaya naman humiga na ako sa bed niya. Hindi lang naman kasi ito isang opisina niya lang. Dahil may space room siya to rest kapag napagod din siya. Sanay rin kasi ako na matulog kapag sa ganitong oras na, kaya naman nakatulog na agad ako. Nagising ako nang maramdaman ko na tila may nanonood sa akin. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at napahikab. Nakita ko na lamang ang mukha ni Haze na nakaupo siya sa edge ng bed. Naka-eyeglasses siya at may binabasa yata na libro. “Good afternoon, Avey,” he greeted me when he notice na gising na nga ako. “Hi,” inaantok na bati ko pabalik sa kaniya at hinarap ko siya kahit nakahiga pa ako. “Napagod ka nga nang husto kaya mahimbing ang tulog mo. Tara, bangon ka na riyan.” Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para alalayan niya akong bumangon. Hindi naman siya nagdalawang-isip. Inayos pa niya ang buhok ko na wala na sa tali. Sinipat ko ang wristwatch ko at nanlaki pa ang aking mata sa nakita na gabi na pala. “Hindi ko man lang namalayan ang oras at hindi halatang gabi na,” gulat na saad ko. “Yeah. 9 p.m magsasara ang resto ni Mommy at sa ganitong oras ay nandito pa siya.” 7:49 p.m pa naman pero ang haba talaga nang tulog mo kanina. Imagine 2 p.m ako nag-rest kanina and almost 5 hours nga ang nakatulog. “Pero hindi tayo rito kakain,” aniya. “Bakit naman? Gutom na yata ako. Hindi ako nakakain pa ng meryenda ko kanina,” nakangusong sabi ko at marahan niyang pinitik ang labi ko, kaya naman hinampas ko ang kamay niya. “Now get up, young miss. Akala ko ba ay may date tayo kasi inaaya mo ako kanina?” Namilog ang eyes ko sa narinig. Totoo ba itong sinasabi niya? “Sureness?! May date tayo ngayon?” paniniguradong tanong ko at tumango siya. Mabilis na bumaba ako sa kama at muntik pa akong malaglag kung hindi niya lang ako naalalayan agad. “Mag-ingat ka naman, Avey,” paalala niya at nag-thumps up lang ako. “Magbibihis lang po ako,” paalam ko at saka ako lumabas. Dumiretso sa staff room. Sa excitement na nararamdaman ko ay mabilis akong nakapagpalit ng damit ko at naglagay pa ako nang kaunting make-up sa mukha ko bago ako lumabas. Hindi na ako bumalik pa sa office ni Ninang Hazel dahil nakita ko na silang magkasama ni Haze. “Gising ka na pala, hija.” “Yup po. Hindi niyo po ako ginising kanina, Ninang,” naka-pout na sabi ko. “Kasi nakita ko ang pagod sa mukha mo at wala naman akong puso kapag ginising pa kita. Ang himbing din nang tulog mo, Avey,” paliwanag naman niya. “Hindi po yata siya sanay na magtrabaho nang mabigat, Mom,” pagsingit naman ni Haze sa usapan namin ng mommy niya. “Siyempre nag-iisang prinsesa siya ng mga magulang niya, son. Expected na inaalagaan siya ng mga ito at parang prinsesa rin kung ituring. Kaya naman ikaw, Haze. Don’t hurt her feelings and treat her like a princess too,” paalala pa nito sa kaniya. Kaya nang mapatingin siya sa gawi ko ay nagtaas-baba ang mga kilay ko. He let out a short laugh. “Yes, Mom. Tatandaan ko po iyan palagi. Ayoko pong mabigo kayo. See you later, Mommy.” “Mag-ingat kayo. Enjoy your date, hon.” “Eh? Alam ni Ninang Hazel?” bulalas ko naman at hinawakan lang ni Haze ang likuran ko para ipagpatuloy ang paglalakad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD