CHAPTER 34 - Mine

1516 Words
Laine " Congratulations babe! I'm so proud of you." bati ni Nhel sa akin pagkatapos ng aming graduation ceremony kung saan ako ang valedictorian. " Thank you beh, you're one of the reasons why I made it." sabay yakap sa kanya at ibinigay ko uli sa kanya ang isa sa mga medals ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. " Oy,oy kayong dalawa PDA na yan, baka nakalimutan ninyong nandito kami at may kasama kayo." si daddy yon na kunwari galit pero nagpipigil ng ngiti. Bigla kaming namula pareho dahil nagtatawanan na rin yung ibang kasama namin na nasa likod ni dad. " Eh tito pasensya na po. Masaya lang po kami dahil sa wakas college na si Laine sa pasukan at magkakasama na po kami sa Manila." sabi ni Nhel na kakamot- kamot na. " Siguraduhin niyo lang na makakatapos kayo Nhel. Malaki ang tiwala namin sa inyong dalawa.Eh kung ipadala ko kaya si Laine sa America at dun mag college. " seryosong sabi ni dad. " Huh!" sabay pa kami ni Nhel na nagulat sa sinabi ni daddy. " Joke lang! kayo naman why would I do that? 2 years is enough. Tama na ang pagtitiis na hindi kayo magkasama ng madalas. And maybe it's about time to be together in Manila." sabi ni daddy na nakangiti na. Napaisip ako.Oo nga 2 years is long enough.Sa loob ng dalawang taon na yon, hindi naging madali para sa amin ni Nhel ang mga araw na hindi kami magkasama.Tiniis namin pareho ang pangungulila sa isat-isa.May mga pagkakataon pa nga na hindi siya nakakauwi sa mga importanteng okasyon pero pinag-uusapan naman namin yun ng maayos. " Hey, you're spacing out.Why is that? si Nhel sabay tapik sa akin. I heaved a deep sigh.Ang sarap isipin na nalampasan na pala namin yun. Simula na ulit ng summer vacation at magmula sa araw na ito magkasama na uli kami. " Wala naman beh. Time flies fast at akalain mo nalampasan na pala natin yung 2 years na yun." sagot ko. " Oo nga, with God's grace and mercy." tugon naman niya. " Okay, let's go at pagsaluhan na natin yung handa ni Laine." aya ni mommy na masayang masaya. At umuwi na nga kami para magselebra sa tagumpay ko sa pag-aaral ko. ******** " Anong University ang pipiliin mo? Pareho kang pumasa sa scholarship nila." tanong ni Nhel sa akin isang hapon na pumunta siya sa amin. " Dun na lang sa malapit sa school mo para mabantayan kita." nakangiti kong sagot sa kanya. " Sus, kahit naman hindi mo ako bantayan faithful ako sayo.Buti pa nga dun ka na lang sa malapit sa akin para nakikita ko kung may pumoporma sayo." sagot niya na parang naiirita.Labo talaga nito.Naa-asar na naman kasi nabalitaan niya na may gustong manligaw na naman sa akin. " O salubong na naman yang kilay mo.Kaya nga yung malapit na lang sa school mo ako mag-aaral di ba?Para mapanatag ka na." sabi ko na nangingiti. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako mula sa likod at pinatong ang baba niya sa balikat ko. " Babe sorry kung seloso ako, I'm just protecting what is mine.I trust you pero dun sa mga umaaligid sayo, wala akong tiwala." seryosong sabi niya. I sigh at humarap sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. " Okay, I understand and I like it when you're jealous.Ang cute mo kaya pag naka-pout ka.hahaha." asar ko sa kanya. " Ah ganon!" " Opo ganon!" " Eh kung mag-pout kaya ako ng malapit dyan sa lips mo.What do you think ha?" asar niya na may ngiting namimilyo. " Oopps! Teka lang beh taym pers.Hindi kana mabiro.Hindi ako ready." sabi ko para maasar siya. " Anong taym pers? Babe, when was the last time we kissed? New Year's eve pa yon.Puro halik lola na lang yung mga sumunod don.Anong petsa na ha?"sabi niya at unti-unting inilapit niya yung mukha niya sa akin.Shocks, kinikilig ako! " Wait lang!" awat ko bago pa lumanding yung nguso niya sa akin. " Bakit na naman? " tila nayayamot na turan niya. Napapakamot pa sa ulo niya. " Di ba dun sa revised rule natin, ang kiss pang special occasion lang? Eh wala namang okasyon ngayon." paalala ko sa kanya. May kaunti kasi kaming binago dun sa rule namin since nalabag namin yung isa dun sa mga rule. " Sisingilin ko lang yung kiss para dun sa graduation mo dapat. Halik lola lang yun dahil nakabantay ang daddy mo nun di ba?" paalala din niya. Napapailing na natatawa na lang ako ng maalala ko nga yung sinasabi niya. Ang bangis talaga ng isang to. Hindi na ako nakalusot ng ilapit niyang muli ang mukha niya sa akin. When his lips met mine, I automatically close my eyes and felt a wave of emotions runs through my veins making my heart beats faster.All my senses focused on how his lips continued kissing me.He's expertly kissing me now.I never thought that he'd be a good kisser.Our kiss lasted for I don't know how long basta ang alam ko sobrang nanghina ako sa paraan ng paghalik niya pero bago pa kami mawala pareho sa katinuan, he stop. Pinagdikit niya ang mga noo namin bago nagsalita. " I love you babe, malapit na ang 4'th anniversary natin.Matagal na rin tayo at ganon pa rin ang nararamdaman ko para sayo at mas lalo pa nga yatang nadaragdagan.Ganon pa rin ang effect mo sa akin, when you're near, para pa rin akong teen-ager na kinikilig." sabi niya na ngiting-ngiti. " Sus, para namang ang tanda mo na diyan. You're only 20, you're still young kaya pwede ka pa kiligin.Ako rin naman ganon pa rin naman ang effect mo sa akin.Ngiti mo lang ulam na. Kinikilig pa rin ako when you're jealous. Kahit nandiyan ka lang, nami-miss pa rin kita. My love for you is getting stronger each day.I love you too beh, a thousand times." seryosong sabi ko. He kissed my forehead and hug me tight.Kumalas ako ng may maalala akong itanong. " What's your plan nga pala on our anniversary? What do you have in mind?" tanong ko. " Well, I want to ask for your dad's permission." sabi niya. " Permission? For what?" tanong ko. " Permission to take you out on a date.You're going seventeen in three months time, baka pwede na niya tayo payagan mag date.What do you think?"sagot niya. " That's a good idea.Where do you plan to take me? Mukhang malaki yata ang mababawas sa savings natin ah."sabi ko. Yeah, may joint account kami since our first year.Dun kami kumukuha pag nagse-celabrate kami ng anniversary namin pero hindi kalakihan ang kinukuha namin dahil hindi naman kami lumalabas para mag-date.Bumibili lang kami ng mga bagay na pair kami like t-shirt, stuff toys then pinapa-personalized namin.Pero sa naiisip niya ngayon mukhang malaki ang ibabawas namin sa savings namin. Sabagay malaki na rin naman yung naiipon namin kasi pag bakasyon nagsa-summer job kami pareho. At yung kinikita namin dinadagdag namin yung iba sa ipon namin.Naisip ko na ngang tanggapin yung offer ng tita ko na mag-model sa clothing company na pinapasukan niya para pandagdag sa savings namin.Pumayag na sila daddy, approval ni Nhel na lang ang hinihintay ko. " Hindi naman siguro kasi balak kong ilabas yung tricycle namin this week. Pandagdag na rin para hindi na masyadong mabawasan yung ipon natin." sabi niya. I sigh. Chance ko na to para magpaalam sa kanya. " Eh beh, yung clothing company kasi na pinapasukan ni tita Ems, yung pinsan ni mommy, kinukuha akong model. Quarterly lang naman ang pagpo-pose para sa brochure nila and three days lang ang photo shoot. Kinausap na niya sila dad the other day at pumayag naman sila.Hindi pa ako nag-decide kasi hindi ko pa sinasabi sayo. Okay lang ba? Dagdag na rin sa savings natin yon." He heave a deep sigh before he answer.Cross fingers na nga ako. " Okay, as long as walang mae-expose sayo na private parts, that's fine with me. And thank you for consulting me first babe nakaka-overwhelmed ." he said and wink at me. " Talaga? Oh I'm so happy and thank you.Don't worry casual dresses ang imo-model kaya walang mae-expose na kung ano. Anyway, wag ka na magmaneho ng tricycle dahil sasamahan mo ako sa shoot ng 3 days at next week na yon." " Oh may schedule na agad, akala ko ba hindi ka pa pumapayag? gulat na tanong niya. " Hindi pa nga dahil hindi pa ko nagpapaalam sayo.Pero sabi ni tita Ems once na pumayag ka na itawag lang daw agad sa kanya para makasama na ako sa shoot next week.Sakaling hindi ka naman agad pumayag may susunod pang shoot." paliwanag ko. " Ayos ah.Sige sasamahan kita baka may male model pa na magpa-cute sayo dun buti na yung may bantay ka." " Hay naku! Napaka-territorial mo talaga." " Tss.Pag akin, akin..period.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD