Nhel " Beh naman pansinin mo na ako, bakit ba kahapon ka pa ganyan ka cold sa akin? Ano na naman ba ang kinaiinis mo? May dalaw ka ba ngayon?" si Laine panay ang pa-cute sa akin kagabi pa dahil hindi ko siya gaanong pinapansin. Paano ba naman kasi may bagong male model na nakipagkilala sa kanya.Sa buong tatlong araw ng photo shoot namin eh panay ang pa-cute sa kanya nung guy, at pinapansin naman niya.Pero hindi ko naman nakikitaan ng interest si Laine dun sa guy. Hindi niya type yung mga ganung pa-cute. Naiinis lang ako kasi kinakausap niya pa. Kaya hayun hanggang dito sa bahay nila sa Dasma, kung saan kami tumutuloy ng tatlong araw dahil may photo shoot kami, sinundan pa siya nung mokong na yun. Hindi naman niya mapahiya kaya in-entertain na lang nya. Hindi ko siya kinakausap simula

