Laine TILA nayanig ang buong sistema ko sa sinabi ni Nhel.Totoo pala na may mga tao na kayang gawin ang lahat pagdating sa pag-ibig. Maging ang sariling buhay ay kayang ilagay sa panganib.Kayang makipaglaro kay Kamatayan. Losing self control is my biggest fear in life. Kaya as much as possible ayokong manaig ang puso ko sa isip ko.Mahal ko si Nhel. Oo, sobra pa sa sobra pero hanggat maari ayokong masira ako ng sobrang pagmamahal ko sa kanya. Kumakapit ako kay Lord, Siya ang hinahayaan kong kumontrol sa puso't isip ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ginawa ni Marga. Ganon ba talaga niya kamahal si Nhel para tangkain niyang kitliin ang sariling buhay na hiram lamang din niya? Tiningnan ko ang malungkot at nababahalang itsura ng asawa ko.Sino ba naman ang hindi mababahala kung siya

