CHAPTER 30 - First Kiss

2318 Words
Laine PINE-PREPARE ko na yung mga stuffs na ibibigay ko kay Nhel para madala niya papunta sa Manila. Mga bagay na kapag nakikita niya ay tiyak na ako ang maaalala niya.Yun bang tipong kapag nakita niya ay magkukumahog na siyang umuwi ng Sto. Cristo.De joke lang..haha. Binilhan ko siya ng mga plain white t-shirts na paborito niyang pantulog, boxer shorts at face towels.Papadala ko rin sa kanya yung isa sa mga photo albums namin at yung picture frame na may picture naming dalawa. Habang inaayos ko ang mga ito I felt my tears running down my face.I can't help it, kasi naman napakarami at napakahaba na ng pinagsamahan namin ni Nhel. Araw-araw kasi kaming magkasama, kabisado na namin ang isat-isa.Kahit pa sabihin na uuwi naman siya ng weekends,hindi pa rin maiwasan ang malungkot ako. At the back of my mind alam kong hindi niya yon magagawa ng madalas.Una, mahal ang pamasahe at hindi practical na umuwi ng weekends. Then kapag nasa business trip si ate Merly at ang asawa nito malabo ng lalo na makauwi siya dahil siya ang mag- aasikaso kay Dom, yung pamangkin niya.Pero okay sana kung may linya na ng PLDT dito, kahit madalang ko siyang makita basta nakakausap ko lang siya, okay na ako nun. Bitbit ang paperbag na pinaglagyan ko ng mga dadalhin niya ay nagpaalam ako kay daddy na pupuntahan ko si Nhel. Pagdating ko sa kanila, sinabi ni tita Bining na puntahan ko na lang daw si Nhel sa room niya at nag-aayos daw ito ng gamit na dadalhin niya sa Manila. Kumatok ako at ng walang sumasagot ay pinihit ko na yung doorknob na hindi naman naka-lock.Nakita ko si Nhel na nakaupo lang sa bed niya at nakatitig lang sa gamit niya na nasa kama at may malaking maleta na nakabukas na sa ibaba ng bed. Nakatunghay lang siya sa mga gamit niya na tila may iniisip na malalim at hindi man lang niya namamalayan na nakatayo na ako sa may kama niya. " Beh ako na lang ang mag-aayos ng mga yan sa maleta mo." basag ko sa katahimikan. Parang nagulat pa siya ng makita ako.Tumayo siya at niyakap niya ako ng mahigpit.Yung yakap na punong - puno ng emosyon.Kaya gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. Lahat ng feelings ko ay inilagay ko na sa yakap na yon.God I'm gonna miss this guy, so much.Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Hindi magandang magpakita ng kahinaan sa pagkakataong ito. Kumalas ako at sinimulan ko ng iayos sa maleta ang mga gamit niya pati na rin yung mga dala ko para sa kanya. Nanonood lang siya sa akin at mataman lang niya akong tinitingnan na para bang kinakabisado niya ang lahat ng kilos ko. " Beh, naaalala mo pa ba yung first time tayong magkita?" umpisa ko para basagin ang katahimikan." Nagbangayan na agad tayo nun, tapos lagi mo na lang akong inaasar.Inis na inis talaga ako sayo nun.Pero alam mo ba?Nagwapuhan agad ako sayo nun,ayaw ko lang aminin. Sabi ko nga nun mamatay na, umamin. Pero salamat na lang sa ferris wheel at dun tayo nag start." I sigh and continue reminiscing the past. " Hindi ko rin nakakalimutan yung araw na sinabi mong mahal mo ako. Hindi ko ine-expect yun kasi sa gwapo mong yan ako pa yung napansin mo. hahaha. Kinakabahan ka pa nga nun and..." I stop because tears are starting to fall. " Hush babe, don't cry lalo lang akong nahihirapan nyan eh." sabay tayo at pinunasan yung luha ko. Niyakap niya ako mula sa likuran ng mahigpit at yung ulo niya ay nasa may balikat ko.Kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin malamang kinilig na ako sa gesture niyang yon. Ang sweet kaya ng back hugging. I feel safe, peaceful and comfortable. Just like home. And home is when I'm with him. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos at pagbibilin ng kung ano-ano sa kanya.Pinigilan kong umiyak dahil kahit paano ay kumalma na sko dahil nasa likod ko lang siya na nakayakap. " Beh wag kang makakalimot mag-pray dahil yun ang magiging lakas mo palagi. Then yung vitamins mo don't forget to take it everyday. Yung likod mo wag mong hayaang matuyuan ng pawis, binilhan kita ng mga towels dito, mahina kasi yang pulmon mo.Tsaka beh yung picture natin sa frame ilagay mo sa bedside table mo para hindi mo ako makalimutan." Sige lang ako sa kasasalita habang siya naman ay panay lang ang buntung-hininga. " Beh, don't break our rules kahit magkalayo tayo. Mag-aral kang mabuti para matupad natin yung mga dreams natin.Wag kang titingin sa iba ha?Promise mo hindi mo ko papalitan, kasi ako ikaw lang talaga , ikaw lang sapat na.Mahal na mahal kita, alam mo yan." at hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak. " Babe tama na, ang sakit-sakit na.Alam mong ayaw kitang nakikitang umiiyak.Nahihirapan na ako, parang ayoko ng umalis." sabi niya at lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin. "Hihintayin ko yung araw na magkokolehiyo ka na rin.Promise hindi ako titingin sa iba. I'll be faithful to you babe.I love you, I love you." sabi niya at naramdaman ko na lang na nabasa na yung balikat ko. Umiiyak siya. Humarap ako sa kanya at lalo akong napaiyak sa itsura niya. First time ko siyang nakitang nagbuhos ng sobrang emosyon sa harap ko kaya hinayaan ko na lang. Ilang minuto din kaming magkayakap na umiiyak at ng humupa na ang emosyon, tinitigan niya ako ng punong-puno ng pagmamahal.Nakapaloob sa mga titig niyang yon ang sari-saring damdamin niya para sa akin. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin.Hinalikan niya ako sa noo, sa pisngi at nagulat na lang ako sa sumunod niyang ginawa...dinampian niya ako ng halik sa labi. " Beh?!" may pagtataka at pagtutol sa itsura ko. " To hell with the rules babe, to hell with the rules.Just this once please.." pagsusumamo niya. Hindi ako kumikibo, kinakabahan ako.Excited? Gosh! I don't know what to do.Next, next year pa ako 18 at yun yung age na nakasaad sa rule namin na pwede na ang kiss sa lips. " Please babe?" ulit niya and I nodded. Bahala na si Batman.Ngayon lang naman daw eh. Pumikit na lang ako at hinayaan ko siya kung paano niya gagawin yun.I know it's his first time too. He kiss me gently.Dahan-dahan na parang pinag-aaralan niya kung paano. God, this is our very first kiss.I don't know how to respond.I felt so nervous and at the same time there's this feeling of excitement that flows down through my veins.Parang ang daming paro-parong nagra-rally sa stomach ko. Then nararamdaman ko na parang unti-unti ng natutunan ni Nhel yung ginagawa niyang paghalik sa akin. Bumibilis na ang ritmo at parang nakaramdam ako ng konting takot baka maging mapusok na siya.Kaya kumalas akong bigla na siyang ikinagulat niya. " Babe?!!" ********* BIGLA akong kumalas sa paghalik ni Nhel sa akin dahil nakaramdam ako ng konting takot na baka maging mapusok na siya. " Babe?!" gulat niyang sabi dahil medyo naitulak ko siya. " Eh kasi beh, a-ano kasi,haay ano nga ba sasabihin ko? " hindi ko malaman ang sasabihin ko baka kasi ma -offend siya. " Ano? Babe galit ka ba? Hindi mo ba nagustuhan? Sorry ha? alam mo naman na first time ko rin." sabi niya na nakangiti pero pulang-pula na siya sa sobrang hiya niya. " Ha! Hindi yun beh.Kasi parang natutuhan mo na yung pag-kiss, feeling ko nagiging intense na kaya natakot ako baka kung saan tayo — m-makarating." sabi ko ng nakayuko dahil nahihiya rin ako. Inangat niya yung mukha ko at tinitigan niya ako. " Babe, I know my limitations and I respect you so much.Sorry kung lumabag ako sa rule natin. I just want to mark my own.At gusto ko lang na maalala na kahit magkalayo tayo— tumigil siya at bumulong sa akin " ang sarap mo palang halikan." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Kaya pinagkukurot ko siya sa tiyan. " Aray babe tama na! Totoo naman sinasabi ko tsaka bakit ka ba kasi tumigil kanina, natututo na nga ako eh!" " Aha! At pinagpa-praktisan mo pa pala ako ha?!" " Eh kanino mo ako gustong mag practice? May iba ba akong girlfriend bukod sayo ha?" tanong niya na ngiting- ngiti pa.Gosh! bakit ba ang gwapo nitong kumag na to? " Hay naku! Tuloy na nga natin tong ginagawa natin ng matapos na." sabi ko na ang tinutukoy ko ay yung pag-iimpake. " Talaga babe?! Sige turuan kita kung paano mag response!" pilyong sabi niya. " Sira, itong pag-iimpake sinasabi ko.Hoy! Nielsen tigilan mo ko dyan sa kalokohan mo." natatawa kong sabi. " Sus! Sige na promise last na para pagbalik ko dito marunong ka na, hindi na boring." sabi niya na may pataas-taas pa ng kilay. " Anong boring? Eh malay ko ba kasi sa ganyang bagay, alam mong virgin pa ang mga lips ko, nilapastangan mo na nga.Kainis ka!" Tumatawang niyakap niya ako.. " Hahaha..grabe ka naman babe sa word mo, nilapastangan pa talaga ha?" " Eh kasi naman, nagrereklamo kang boring ako." sabi ko habang kinukurot ko siya sa likod niya. " Aray ha! Hindi sa ganun, ang ibig kong sabihin mas exciting kung marunong kang mag-respond. Gagayahin mo lang naman ako sa ginagawa ko." naka-ngisi pa ang mokong. " Ewan sayo! Akala mo kung sinong eksperto to eh first time mo rin naman! Ngayon lang din naman natuto, nanginginig ka pa nga kanina eh.." himutok ko at siya naman yung ngisi niya naging pilyo na. Hinuli niya ang mga kamay ko at isinandal nya ako sa wall ng hindi inaalis ang titig nya sa akin.Naku po! eto na naman siya.Ang mga butterflies nagra-rally na naman sa stomach ko,parang people power sa Edsa, kapit bisig. Sa gwapo ba naman nitong nilalang sa harap ko sino ba naman ang hindi magsa-somersault? Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at inabot ang mga labi ko.Banayad lang at walang pagmamadali. Yung halik na punong-puno ng respeto. Hay naku! maloloka ata ako. Napapikit na lang ako and savour the romantic moment. Gosh! I can't explain the sudden burst of sensation that I felt in between his kisses.Para na akong dahon na tinatangay lang ng agos.At di nagtagal, parang may sariling isip na ang mga labi ko ng maramdaman kong tumutugon na pala ako sa mga halik niya.Na-feel kong nagulat siya pero pinagpatuloy lang niya ang banayad na paghalik sa akin na tinutugunan ko naman sa abot ng aking makakaya. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tumagal ng ganun, huminto lang kami nung halos pangapusan na kami ng hininga. Pinagdikit nya yung noo namin habang nakatitig lang kami sa isat-isa. "God babe, that was so wonderful! Hindi ko alam kung paano ako hihinto, parang ayaw kong huminto.Ang sarap sa pakiramdam lalo na pag mahal na mahal mo yung kasalo mo.I feel like kissing you forever. Parang ayoko na tuloy umalis." I heaved a deep sigh.." Beh kailangan nating magtiis at sumunod sa gusto nila. It's for the better. Don't worry about me, I will wait.And that's a promise." pangako ko at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi. " Hmm.sarap naman non.Halika na nga baka hindi ako makapag-pigil! tapusin na nga natin tong pag-iimpake para makapag-bonding pa tayo ng matagal mamaya sa inyo." sabi niya ng nakangiti. Natapos na kami sa pag-.iimpake at dun na rin ako sa kanila nag- lunch. Pagkatapos ay dun lang kami sa terrace nila nag-kwentuhan.Nakahawak lang siya sa mga kamay ko habang nag-uusap. Ayaw niya akong bitawan dahil mami-miss daw niya ang ganong magka- holding hands kami. " Babe don't go near any man ha? Pag may nangungulit sabihin mo agad may boyfriend ka na." bilin niya. " Sus! Akala mo naman papansinin ko pa yung iba eh alam ko namang nuknukan ka ng seloso.Don't worry hindi na ako lalabas ng bahay at kukulitin ko si daddy na magpalagay na ng phone para lagi mo akong namo- monitor." sabi ko. " Okay yun, may phone naman dun kila ate.Sama ka kaya pagluwas ko para alam mo yung bahay ni ate, para kapag hindi ako makauwi ikaw na lang yung lumuwas, pahatid ka na lang kay Mang Gusting." suhestyon niya. " That's a good idea.Sige paalam tayo kay daddy mamaya." sagot ko. Nung medyo malamig na ang araw hinatid na niya ako sa amin.Kinausap niya si daddy na isasama niya ako sa pagluwas para alam ko na raw yung tutuluyan niya. Pumayag naman ang gwapo kong tatay at sinabing magpahatid na lang kay Mang Gusting para hindi na kami mag-commute. Mahirap nga naman pag maraming bagaheng bitbit.O di ba ganun siya kalakas sa parents ko.He is like a son to them.Para sa kanila wala na silang nakikitang iba na makakasama ko sa future ko kundi si Nhel lang.We're so lucky that both our parents agreed on our relationship basta huwag lang naming sisirain ang tiwala nila.And we make sure naman na hindi kami lalampas sa boundaries at nakikita naman nila na talagang nirerespeto ako ni Nhel. We decided to stay together until midnight. Hinayaan lang nila kami dahil two days na lang aalis na si Nhel and after that start na ng school. Nakakalungkot pero nangako kami sa isat-isa na ang batang pagmamahalan namin ay dadalhin namin hanggang sa aming pagtanda. Kahit ano man ang mangyari, dumaan man ang maraming taon, mananatili ang buong bahagi ng mga puso namin na pag-aari lang ng isat-isa, walang iba, tanging kami lang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD