Laine
" Uy, Nhel saan mo ba ako dadalhin ha? Bakit ba kasi kailangan naka-blind fold pa?" reklamo ko kay Nhel habang inaalalayan niya ako papunta sa kung saan.
" Surprise nga eh.Wait lang malapit na tayo prinsesa ko." sagot niya.
Another surprise? Akala ko tapos na kaninang umaga yung surprise niya, meron pa pala.
Kanina paggising ko nagulat ako dahil nandun siya, nakaupo sa couch sa kwarto ko. May dalang dalawang maliit na teddy bear, isang light brown at isang white. Mga anak daw ni Lainel, yung unang stuff toy na regalo niya sa akin nun.May naka- ready na breakfast na may kasamang isang stem ng rose.Akala ko yun na yung anniversary surprise niya, meron pa pala.
" Ano na naman ba tong naisip mo? Kung hindi lang si Mang Gusting naghatid sa atin dito, iisipin ko kinikidnap mo ako." sabi ko.
" Hindi na kailangang kidnapin kita Laine,alam kong kusa ka namang sasama di ba?" asar niya.
" Heh! Yabang neto! Matagal pa ba napapagod na ako eh?" reklamo ko pa. Para kasing ang haba na ng aming nilakaran.
" Heto na tayo, dahan -dahan lang."
sabi niya habang inaalalayan niya ako para umupo.
Nung maayos na ako sa pagkakaupo ko, inalis niya na yung pagka- blindfold ko at marahang kinusot ko ang mga mata ko.
" Nasaan ba tayo? Wow!" bulalas ko,
wala na akong ibang masabi dahil sa ganda ng paligid. Isa itong garden restaurant.
" You like it Laine?" tanong niyang nakangiti.
" Oo naman! Paano mo nahanap ito, I mean bakit mo naisipan to?" tanong ko.
" Gusto ko kasi memorable ang first anniversary natin at gusto kong I- surprise ka.Kaya nagtanong ako kay papa at sa daddy mo kung ano ang magandang pang surprise.Idea nila to at pumayag sila na mag celebrate tayo dito basta susunduin din tayo ni Mang Gusting mamaya." paliwanag nya.
" Na surprised nga ako at sobrang thankful ako sa effort mo.Saan ka kumuha ng pinambayad mo dito?I'm sure mahal dito." tanong ko.
" Okay since tinanong mo na, kailangan ko na ring sabihin sayo kung bakit lagi akong wala sa bahay at gabi lang kita pinupuntahan." wika niya.
" You mean eto yung inaasikaso mo nun.?" hindi makapaniwalang tanong ko.
" Yeah, nag summer job ako para hindi ko na kailangang humingi kila papa ng panggastos." tugon niya na siyang ikinagulat ko.
" Nhel, ano ka ba naman! Hindi naman kailangang mag celebrate ng ganito kung wala naman tayong panggastos.So, that explains kung bakit parang umitim ka at laging pawisan?" nag-aalalang sambit ko. Hindi ko talaga kinaya na nag-trabaho pa siya para lang maibigay sa akin to.
" Oo, nagtrabaho kasi ako sa construction ng one week.Nag couch din ako ng volleyball sa isang school ngayong summer.Tapos may nakuha akong itu-tutor sa Math, sayang din kasi yung ibabayad sa akin kahit 2 hours per day lang.Laine gusto ko kasi mag- celebrate ng anniversary natin.Para sa akin ito ang pinaka importanteng araw ng taon.Ito kasi yung araw na naging tayo.Na naging akin yung pangarap ko." madamdamin at seryosong wika niya. Titig na titig siya sa akin habang sinasabi niya yung mga huling salita.
Na touched naman ako ng sobra sa mga sinabi niya.Kinilig din ako pero medyo nag- alala rin ako.
" Nhel, hindi naman sa ayaw kong mag celebrate tayo. Ang gusto ko lang naman yung hindi mo na pahirapan pa yang sarili mo para lang sa ganito.
Hindi mo tuloy na-enjoy ang summer.
Hindi kita nakasama masyado.Next time don't do this without telling me, okay? Wala ng surprise-surprise.Dalawa tayo sa relasyong ito kaya tayong dalawa ang magpa-plano.Maliwanag ba Nielsen?"
" Sige, let's talk about it over dinner, next time tayong dalawa na ang magpa-plano.Don't get mad at me,okay?"
" I'm not mad, I'm just worried!" biglang sambit ko. Bakit ba niya naiisip na nagagalit ako? Sobrang nag-alala is the exact word.
" Sige kain muna tayo, usap tayo mamaya." sabi niya.
The dinner was served at masasabi kong sulit talaga ang binayad ni Nhel dahil super sarap ng mga pagkain nila.Nung matapos kaming kumain may binigay siya sa aking naka box na maliit.
" Ano na naman to? " tanong ko.Talagang ginugulat ako sa mga pasabog ng gwapong to.
" Binili ko para sa ating dalawa.Open it." sagot niya.
Binuksan ko yung box na nakabalot ng silver gift wrapper na may ribbon pa na kulay gold.
" Wow! Ang ganda naman." isa itong gold key chain na hinating heart.Yung isang half ay letter N and the other half is L.May pangalan namin na naka-engraved sa likod nung half heart.
" Akin yung L at sayo yung N." sabi niya.
Parang gusto kong maiyak sa sobrang effort niya.Lahat ginawa niya kahit mahirap at hindi naman siya sanay mag-trabaho.Tiniis niyang hindi kami magkasama just to give me this, to surprise me, to make me happy.
" Nhel, halika nga dito!" sabi ko.
Lumapit naman siya at nung nasa harap ko na siya ay niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa balikat niya.
"
Hey! Bakit ka umiiyak? May nagawa ba ako Laine?" worried na tanong niya.
" Nothing! It's just that— oh I'm so lucky to have you Nhel." sabi ko in between sobs.
" Hush! Stop it.Ako ang mas lucky kasi ako yung minahal mo.Sabi ko naman di ba kaya kong gawin lahat para sayo. Promise sa susunod tayong dalawa na ang magpa-plano ng ganito.Sige pag usapan na natin ngayon kung ano pa ang gusto mong mangyari." sabi niya habang pinupunasan niya ang luha ko.
" Siguro mas maganda kung mag- iipon tayo.Magtabi tayo from our allowances then every Sunday ihuhulog natin yun sa piggy bank.Kahit magkano lang or kung gusto mo pantay tayo ng hulog.Then bago ang anniversary natin bubuksan na natin yung piggy bank at yun ang gagamitin natin pang celebrate..Okay ba sayo yon? sabi ko.
" Ang brilliant mo talaga mag-isip.Approve sa akin yon.So, starting next week maghuhulog na tayo sa piggy bank.What else?" tanong pa niya.
" Wag mo na ako bibilhan ng gift kapag anniversary natin.Let's buy na lang something na paghahatian natin like this key chain.Okay ba yon?
" Yeah, okay yun prinsesa ko." tugon niya na ngiting-ngiti pa.
" Yan! Yan pa ang isa na kailangan nating baguhin." sabi ko.
" Alin yung okay?" biro niya.
" Hindi, yung endearment mo sa akin.Hindi naman tayo royal blood eh." natatawa kong sabi.
" Matagal ko ng term of endearment sayo yun ah.Pero sige palitan natin, gusto ko ako rin meron ka ha?" request niya pa.
" Ikaw ano ba gusto mo? " tanong ko.
" Sweetheart? Honey?Darling?Cupcake?...ano pa ba?" suggestion niya.
" Ayoko naman lahat yun parang hindi bagay." tanggi ko.
Nag-isip kami hanggang sa dumating na si Mang Gusting, sinusundo na kami.
" Tara na mamaya na lang. Kailangang pag-isipan nating mabuti dahil yan na ang tawagan natin until forever." sabi niya.
Nakarating na kami sa bahay ng magsalita siya.
" Laine alam ko na! Di ba tawag nila sayo dito sa bahay eh baby '?" tanong niya.
" And so? nakangiti kong balik tanong.
" What if kung babe na lang ang term of endearment ko sayo. What do you think? tanong niya.
" Yeah, I like it sanay na ako kasi close siya sa tawag nila sa akin na baby. Ikaw gusto mo bang bebeh or beh na lang? closer siya sa babe di ba? What do you think?"
" Okay basta ikaw ang tumatawag sa akin nun, sweet yun." sang -ayon niya.
" O hayan beh, sarado na usapan natin ha, everything's clear? " turan ko na napapangiti na kasi ang cute ng reaksyon niya ng marinig ang endearment na itinawag ko sa kanya.
" Okay babe! Hahaha.ang cute pala pakinggan."
Nagpaalam na siya kila daddy na uuwi na at hinatid ko na siya hanggang sa may gate.
" Beh thanks for your effort.I really did enjoy our celebration.I love you so much."
" I love you more babe, and I will do everything just to make you happy.You are worth it." sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.
OMG!Ang lapit na at naaamoy ko na ang mabango niyang hininga na amoy mint.Gosh! Ngayon na ba niya kukunin ang first kiss ko?
5
4
3
2
1
dugdug.
dugdug.
Hala! Ang puso ko grabe ang lakas ng t***k. Nakapikit na ako at hinihintay na lang kung ano ang mangyayari ng biglang —
" Laine!" may tumawag ng malakas.
"Huh!" halos sabay pa naming sambit.
Shocks naman!