Laine IT'S been a month since I left , and two days from now I'll be back in Manila. Hindi ko alam kung ready na ba akong makita si Nhel.Alam ko nasaktan ko siya dahil umalis ako ng walang paalam.Pero hindi ko lang kasi kaya na makita siya ng hindi ko maaalala yung nangyari. Sa loob ng isang buwan ko dito sa America, pinilit kong kalimutan yung nangyari. Naglibang ako sa pamamagitan ng pamamasyal at pag- shopping.Sumasama ako sa mga ate ko kung saan-saan at tumutulong rin ako kila mommy sa pag-aasikaso nung business namin na Filipino restaurant na nasa New Jersey at San Diego.Kaya pala business administration ang course na pinakuha ni mommy sa akin dahil kailangan ako dito. MABILIS lang na lumipas ang araw.Umuwi na ako ng Pilipinas at sa Dasma ako tumuloy.Pagtungtong ko palang ng airpo

