Laine's POV
Get's mo na baby?
Get's mo na baby?
Get's mo na baby?
Hala! Paulit-ulit yung huling sinabi nya sa utak ko, bakit nya ako tinawag ng ganun? Nag blush tuloy ako.
" Hoy! Laine ano nangyari sayo? tulala kana dyan." nagulat ako nung magsalita si Nhel.
" Huh! Baby, you call me baby." halos pabulong kong sabi pero narinig naman nya.
" Uy, w-wala yon.Tawag kase nila tito sayo yun di ba? Tama yun ang tawag nila sayo hehe". sagot nya na parang kinakabahan na ewan.
" Ah okay!" wheww! Akala ko kung ano na. Sobrang assuming naman yata ako dun.
" Sige,tuloy nako ha?"
" Geh, ingat na lang." sabi ko. Pilit pinatatatag ang boses ko. Ayoko kasing mahalata niya na may epekto sa akin yung pagtawag nya ng baby kanina eh maling akala naman.
Minsan Laine boplaks ka rin eh noh.
*******
Nhel's POV
TINANGHALI ako sa paghahatid ng gatas kila Tito Franz. Usually mga 6am pa lang nandun na ako sa kanila dala ang gatas ni tito pero ngayon lang ako tinanghali ng ganito. Madaling araw na kasi ako nakatulog dahil nga sa kwentuhan namin ni Laine.
Si kuya ang talagang naghahatid sa kanila ng gatas kaya lang nagtrabaho na sya sa ibang bansa 2 weeks ago kaya ako na ang naatasan na maghatid kila Tito Franz.
Nung una tutol ako kase nga magkaaway pa kami ni Laine nun kaya lang umisip ako ng paraan kung paano ko maihahatid ang gatas ng hindi nya ako nakikita. Yun ay ang gumising ng maaga para maihatid ko ang mga ito ng maaga dahil according to tita Baby before seven pa gumigising si Laine.
Pero ngayon na ayos na kami pwede na akong maghatid ng medyo tanghali na para makita ko naman sya para buo na ang maghapon ko.
Kanina nagulat sya nung madatnan nya na kasalo ko sa almusal ang pamilya nya. Alam ko naman na hindi bumabanggit si tito Franz ng kahit ano sa kanya tungkol sa akin kasi sinabi ng mabait kong nanay na hindi kami in good terms ni Laine.
At kaninang paalis na ako sa kanila, hinabol nya ako.Sabi ko na nga ba, hindi sya makakatiis na hindi magtanong.
" Matagal ka na ba kilala nila daddy? Matagal ka na ba nagdadala ng milk dito? Bakit hindi kita nakikita nun?"
sunod-sunod nyang tanong.
Grabe,dami nyang tanong pero sinagot ko naman lahat yun.Pero natigilan ako dun sa huling sinabi ko at alam kong nag- blush siya dun.Natawag ko sya ng baby.Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko yun.Siguro naging totoo sa akin yung sinabi ni Lord Jesus Christ dun sa nabasa ko sa Bible.Kung ano ang nag- uumapaw sa puso ay siyang nilalabas ng bibig.
Matindi na ang feelings ko kay Laine.At yung baby ang endearment na gusto kong itawag sa kanya pag naging kami na.Dahil aalagaan ko sya at hindi sasaktan.Oo, tinatak ko na sa puso't isip ko na magiging kami pag right time na.Yun ang na-feel ko nung unang beses na makita ko sya.
Natulala sya at kinailangan ko pang gulatin sya para bumalik ang huwisyo nya.
" Huh! Baby, you call me baby? halos pabulong nyang sabi na narinig ko naman.
Kinabahan ako,paano ba ako magpapaliwanag na hindi nya mahahalata ang tinatago kong feelings sa kanya.
" Uy, w-wala yon.Tawag kase nila tito sayo yun di ba?Tama yun ang tawag nila sayo hehe." naku maniwala sana sya.
" Ah okay. " sagot nya.Haay salamat nakalusot yata ako dun.
Nakauwi ako sa bahay na si Laine pa rin ang laman ng isip ko. Habang iniisip ko siya may nararamdaman akong parang mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Marahil yung damdamin na hindi ko maisiwalat kaya mabigat sa dibdib.
As time goes on
I realize
Just what you mean
To me
And now
Now that you're near
Promise your love
That I've waited to share
And dreams
Of our moments together
Color my world with hope of loving you.
Napamaang ako sa kantang naririnig ko mula sa radyong pinakikinggan ni mama. Kahit na lumang kanta nakikiayon sa nararamdaman ko kay Laine.
Haay! ang hirap ng ganito na pinipigilan ang nararamdaman sa taong hindi pa pwede sa ganung bagay.
Bakit ba kasi huli pa syang pinanganak?
Sana pag dumating na yung tamang panahon, may katugon naman yung feelings ko sa kanya.
Sana nga,sana...
PUMASOK ako sa silid ko at nahiga sa aking kama. Pinagpatuloy ang pagmumuni-muni. Maya-maya napabalikwas ako ng bangon ng may maisip.
Kumuha ako ng ballpen at papel at sinimulang magsulat ng tula. Lahat ng nararamdaman ko para kay Laine ay inilabas ko sa pamamagitan ng tulang isinulat ko.
Without You
First: I like you!
That's the first feeling that I feel when we first met
Then: I want you!
To be near me always
I want to hear your voice, to see your eyes.And in the beginning I asked myself Why?
And: I love you!
A strange feeling that I can't explain to you... always in my mind, in my heart.I care for you.
Now: I need you!
I feel like I can't go on living in this world without you...
You're my life, my happiness and my everything...
After almost an hour natapos din ako. Napangiti ako dahil sa tulang nagawa ko. Wala na. Talagang malala na to. Nagagawa ko ng mabilis ang isang bagay dahil sa tindi ng nararamdaman ko para sa isang tao.
Haay, nababaliw na yata ako. Ni hindi ko nga alam kung paano at kailan ko maibibigay kay Laine ang tulang ito. Sa ngayon, siguradong malabo pa. Napaka-bata pa niya para sa mga ganitong seryosong bagay.
Ngunit paano kung walang katugon ang damdaming iniuukol mo sa kanya? Paano kung hanggang kaibigan lang ang tingin nya sayo? Makakaya mo ba ngayong malalim na ang nararamdaman mo sa kanya?
Sunod-sunod ang mga tanong na nagsalimbayan sa isip ko. Nabuo ang mga pangamba sa puso sa mga tanong na yan.
Sa ngayon hindi ko pa talaga alam ang sagot sa lahat ngunit ang tanging magagawa ko lang ay umasa at maghintay. Umasa na may katugon ang damdamin ko sa kanya at maghintay sa tamang panahon.