Laine " Sige na Laine pumayag ka na.Sa tingin ko kaya mo na siyang makita ng hindi na nasasaktan. Ilang months ka na namin inoobserbahan at sa tingin namin hindi ka na affected.Birthday naman niya at ikaw ang surprise namin sa kanya.Sige na please." pakiusap ni Rina sa akin. I sighed. Oo, kaya ko na nga siguro, kasi pag binabalitaan nila ako paminsan-minsan tungkol sa kanya ay wala ng kurot sa puso kundi sobrang pagka-miss na sa kanya yung nararamdaman ko.Sa totoo lang hindi naman dapat sila nakikiusap pa sa akin. Kahit naman ganon ang nangyari sa relasyon namin ni Nhel, hindi naman maitatanggi na kaibigan ko pa rin siya at dapat lang na pumunta ako. Nga lang talagang may kaunting pag-aalinlangan pa rin ako. May surprise party kay Nhel bukas dahil 21'st birthday niya, kumbaga debut na

