Laine NAGMAMADALI si Nhel habang hila-hila ako pasakay ng kotse. Ninenerbyos ako kasi parang may hinahabol siya kaya medyo mabilis ang pagpapatakbo niya. " Beh slow down, kaka-debut ko lang gusto ko pang makita ang future ko with you." ninenerbyos kong sabi. Binagalan naman niya ang pagpapatakbo.Nakangiti niya akong nilingon at pinagsalikop ang aming mga kamay. " Sorry babe, late night na kasi kaya nagmamadali ako pero malapit na tayo, don't worry." tugon niya. Nginitian ko lang siya at hindi na ako kumibo.Saan kaya ako dadalhin ng mokong na to? Pinikit ko na lang muna ang mga mata ko.Nakakapagod din kanina sa party kaya ire- relax ko lang ng konti ang sarili ko. Hindi ko alam na nakaidlip na pala ako, basta naramdaman ko na lang na huminto na ang sasakyan namin. Dumilat ako at n

