Laine NAMILI na nga kami ni Nhel ng mga gamit sa bahay dun sa mall na malapit lang para madali daw ang pagde-deliver. Kinumpleto namin lahat as in pati yung mga maliliit na gamit sa kusina at sa laundry area. Nakakatuwa ang bagong experience na ito sa amin at nakaka-enjoy pala mamili ng gamit sa bahay.Nagkasundo naman kami sa mga gamit na bibilhin,sa brands ng mga appliances pati sa kulay ng mga furnitures.Pero pagdating sa kusina, hinayaan niyang ako ang mamili ng gamit dahil ako raw ang magiging reyna dito. Hapon na kami natapos sa pamimili at nakasunod na yung delivery truck sa amin nung umuwi kami.Sila na rin ang nagbaba ng mga gamit at tinulungan na rin kami sa paglalagay sa pwesto ng mga furnitures. Nag-alala ako dahil papadilim na hindi pa rin kami tapos kaya napilitan na akong

